Chapter 29 ~ Enchanted Forest (Danger)

2K 53 0
                                    


"Scarlet's POV"

"Dito ka lang sa likod ko. " sabi ni Kaizer.

Tumango na lang ako.

"Ahahaha ngayon papahirapan ko muna kayo. " narinig namin ang kanyang boses sa isa sa mga Kystal.

Bigla namang sumulpot kung saan ang mga Rogue at inatake kami.

"Wag tayong maghiwa-hiwalay." Sabi ni Kaizer.

Nagtipon-tipon naman kaming lahat at gumawa kami ng pabilog at tumalikod sa isat-isa.

Gumawa naman si Apple ng shield para saming lahat.

"Ahahaha talino mo talaga. Kaizer kaya gusto kita eh. " nararamdaman kung nandito lang sya nakatingin samin.

"Kaya lang may harang. Ano kaya kung alisin ko sya?  Sigurado akong wala ng sagabal. " at humalakhak sya.

Tsk kainis ako bang tinutukoy nyang sagabal?  Sorry nalang sya mas mahaba kasi hair ko sakanya noh.

"Wag kang hihiwalay sakin Suzy naiintindihan mo? " sabi ni Kaizer at tumingin sa mga mata ko.

Tumango naman ako sakanya at ngumiti sya kasabay nun ang paghalik sa noo ko.

Woah! di ko inaasahan yon ah. Pero mas na gulat ako ng kumislap ang kwintas na suot nya nung hinalikan nya ko sa noo.

Anong ibig sabihin non?  Aisshh mamaya ko nalang iisipin yun. May laban pa kaming ipapanalo.

"Arghhhhh mga rogues labanan nyo sila. " mukhang nakita nya ata yung scene na ginawa ni Kaizer ah. Hihihi mainggit ka.

Nagsimula naman ang labanan lahat ng mga kaklase ko nakikipaglaban. Hinanap ng mga mata ko ang traydor naming kaklase na sa unang kita ko pa lang sakanya alam mo nang kalaban sya.

Hindi ko naman sya makita sa paligid. Hindi naman ma nonotice ng mga kaklase namin na wala sya dahil busy ang lahat sa pakikipaglaban.

Nagulat naman ako ng hinigit ako ni Kaizer palapit sa kanya.

At ginamit ang Fire power nya para matusta ang isang rogue na palapit sakin kanina.

Tumingin naman sakin si Kaizer ng masama.

"What are you doing?!  Ba't di ka lumaban? " inis nyang tanong sakin.

"Ahhhmm sorry " nakayukong sabi ko.

"Sa susunod maging alerto ka sa lahat baka mapano ka. Pano kung di ko yun nakita? " bigla ko naman syang niyakap. Di ko alam gusto ko lang syang yakapin.

Nanigas naman sya sa ginawa ko. Napatawa naman ako sa reaksyon nya mukhang gulat na gulat sya.

Hinalikan ko naman sya sa pisngi nya na ikinapula ng mukha nya. Kikiligin na sana ako kung wala lang kami sa labanang to.

Naging alerto naman ako ng maramdaman kong may palapit sakin.

Bigla ko syang sinipa at tinadyakan. Tsk!  Di ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko baka malaman nila na ako ang Prinsesa.
"Ahhhh" nagulat ako ng may kung anong tumama galing sa taas kay Apple. Dahilan para mawalan kami ng proteksyon.

"Apple tsk!  Nakakainis kung sino ka man lumaban ka ng patas hindi yung nagtatago ka!!" galit na sabi ni Ace at inilagay ang ulo ni Apple sa kadungan nya.

"Arrrgghhh" isa-isa kaming pinatamaan ng kapangyarihan nya. Buti at nakakailag kami ang iba naman natamaan.

"Lumabas ka!  " galit kung sabi sa kanya.

"Sabi mo eh" tumalon sya galing sa taas at ngumisi sakin.

May suot syang mask kaya di makita ng iba ang mukha nya. Pero ako alam ko kung sino sya.

Biglang hinagis sakin ni Red ang isang espada gawa ito sa ice.

"Matatag ka huh? " biglang may lumitaw sa kamay nya isang ring espada at nag espadahan naman kaming dalawa.

"Arghhh" sigaw ko ng sipain nya ko kaya bumagsak ako. Tinutok nya naman sa leeg ko ang espada nya kaya di ako maka tayo.

"Poor girl. Hindi bagay kay Kaizer ang isang low class vampire na katulad mo. " biglang nawala ang espada nya at may itim na orb ang lumitaw sa kamay nya.

"Say good bye to your friends. Weak girl ." Sabi niya at humalakhak kung sana magamit ko sila. Ay matatalo ko sya.

Napatulala na lang ako ng yakapin ako ni Kaizer at hinarang ang likod nya. Dahilan para sya ang tamaan.

"N-no Kaizer ba't m-mo ginawa yun? " mangiyak iyak kung tanong sa kanya.

Napabuga naman sya ng dugo.
Pinunasan naman nya ang mga luha ko.

"G-ginawa ko yun para sa babaeng mahal k-ko " nagulat naman ako sa sinabi nya.

"M-Mahal mo ko? "


The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon