Chapter 74 ~ The Real One

1.6K 46 0
                                    

"Ace's POV"

"Kaizer gumising ka nga!  Di sya si Suzy she's a fake!  Ang totoong Suzy ay si-" Naputol ang sasabihin sakanya ni Apple ng tinulak bigla nang babaeng Suzy daw si Apple kaya dali dali ko syang tinulungan maka tayo .

Shit!  Tama na! One dares to hurt my girl. Ni hindi ko nga yan sinasaktan tapos sya tinulak lang ang babaeng mahal ko??!! Sumusobra na talaga ang babaeng yun susugod sana ako ng iharang ni Scarlet ang sarili nya.

Magsasalita na ako ng makita ko ang mukha nya. Sobrang dilim nakayuko sya at nakakuyom ang kamao nya.

"Leave us alone " mautoridad nyang sabi.

"Scarlet-"

"LEAVE!! " isang malakas na sigaw ang pinakawalan nya at kasabay nun ang pag ihip ng malakas ng hangin.

Kaya dali-dali kung binuhat si Apple pero nagpumiglas sya.

Ano bang problema nya?  Kita mo na ngang ang sama ng awra ni Scarlet ayokong madamay sa galit nya nakakatakot.

"Bakit mo sya tinulak?" Nakayuko paring tanong ni Scarlet.

Bigla nalang lumamig ang paligid at dumilim ang kalangitan.

"Oh? A-anong problema mo Queen? "Nakikita ko ang takot sa mukha ng Suzy daw pero tinatago nya lang.

"Answer me!! " shit!!  Nakakatakot syang magalit.

"W-wala k-kasing kwenta k-kung anong mang s-sasabihin nya. " nauutal na sabi nya at hindi makatingin kay Scarlet.

"Natatakot ka bang malaman ni Kaizer na nagkukunwari ka huh Shelly Williams? " sabi ni Scarlet sabay ngisi.

Kung ganun si Shelly pala yun hindi sya si Suzy??  Mabuti kung ganon dahil malapit na kung mainis sa babaeng yan imposible kasi na sya si Suzy ang layo ng ugali nila sa isa't-isa.

Pero ang lakas ng loob nyang sirain ang loveteam nila ng pinsan ko at ni Queen.

"A-anong bang pinagsasabi mo huh?! " natatarantang sabi ni Shelly.

"Akala mo ba hindi kita makikilala? " nakayuko paring sabi ni Scarlet.

Bakit ba naka yuko sya?

"Liar!!  Im Suzy kung hindi ako si Suzy edi sana naghinala na sakin si Kaizer!  Di ba baby? " malambing na sabi nito at hinawakan ang mukha ni Kaizer at akmang hahalikan ito.

Nang magsalita ulit si Scarlet.

"Subukan mo lang magpahalik ikaw na lalaki ka!  At talagang matitikman mo ang galit ko!" Tuluyan nang itinaas ni Scarlet ang ulo nya at masamang tiningnan kasi Kaizer.

Nakita ko namang napalunok si Kaizer at sa isang iglap lang hawak hawak nya na ang dalawang kamay ni Shelly sa likod at pinadapa ito sa lupa.

Napanganga naman kami ni Apple sa nakikita namin ngayon.

What the fuck?!! 

"Sorry Baby pero sinusunod ko lang ang sinabi sakin ng fiancé ko " sabi ni Kaizer at ngumisi.

"A-anong i-ibig mong sabihin? "

"Tsk!  Akala mo ba ganun ako ka tanga para maniwala na ikaw si Suzy? " isang mapanlarong ngiti ang ipinakita sa kanya ni Kaizer at ginamitan nya ito nang kapangyarihan para mawalan ito ng malay.

Nilapitan naman sya ni Scarlet at bigla nalang nawala si Shelly.

"Teka asan na sya? " tanong ni Apple.

"Easy Apple pinadala ko sya sa dungeon para hindi nya magamit ang kapangyarihan nya. " sai ni Scarlet ng naka ngiti.

"So this was all planed? " tanong ko.

Nagkatinginan naman ang dalawa at tumango si Scarlet.

"Yup. The truth is alam ko nang magpapakita sya as Suzy kaya nagplano ako with the help of my beloved fiancé. Sa totoo lang ay ayaw pa nga nyang sundin ang gusto ko. " sabi nya.

"Tsk!  Sino ba kasi ang papayag sa gusto mo? " sabi ni Kaizer na naiinis.

"Ikaw? Ahaha easy baby may reward naman yun eh." Sabi ni Scarlet sabay wink na ikinapula ni Kaizer.

"Tss kung di lang talaga kita mahal di ko talaga yun gagawin eh." Nito na parang bata.

"Teka pano nyo plinano ang lahat nang to?  Alam nyo bang gusto ko nang sakalin si Kaizer kanina. " inis na sabi ni Apple.

"Well tell you the whole story. Pero dapat nandito kayong lahat. " sabi ni Scarlet.

"Pero Scarlet paano mo napaniwala si Kaizer na nagpapanggap lang si Shelly. Kasi sa unang tingin palang para na syang si Suzy. " tanong ko.

"Ahhh yun ba? " ngumiti naman sya at tumabi kay Kaizer kasabay ang paglagay ng kamay ni Kaizer sa bewang ni Scarlet.

"Because she's the real one"sabi ni Kaizer at ngumiti. Huh? Ano daw??

"What do you mean !" Tanong ko.

"Oh my gosh!  Don't tell me you all ready new the truth? " sabi ni Apple at napatakip sa bibig nito na parang gulat.

Ako lang ba ang hindi ma gets ang sinasabi nila?

"Yes. She's the real one. My Suzy the one who change me. And my Scarlet the one that I love. Ay iisa lang. "Sabi nito at hinalikan sa noo si Scarlet.

Napanganga nalang ako sa nalaman ko. Meron paba akong hindi alam?

For real??  Si Scarlet at Suzy ay iisa?!!

Tadhana nga naman talagang pinaglalapit sila. Una nung mga bata pa sila bilang Kai at Star tapos  Suzy at L ngayon naman Scarlet at Kaizer grabe bilib talaga ko sa kanila. Ilang beses silang nagkahiwalay pero pinaglalapit parin sila nang tadhana.

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon