Chapter 84 ~ Comfort

1.5K 37 0
                                    


"Kaizer's POV"

"How is she? " tumingin lang sakin ang healer at umiling.

"Still no progress Prince Kaizer. Parang nasa isa silang curse kung saan ay buhay sila but they are in deep slumber. " bumuga ito nang hangin at tinapik ang balikat ko at umalis.

It's been a month ng mangyari ang labanan. Naibalik na namin ang lahat sa dati.

The good news is my parents and other royals are safe but not Scarlet and Red's parents.

Nung gumuho ang palasyo ay gumamit sila ng napakalakas na kapangyarihan and it drains their power at masyado silang na puruhan sa labanan. Kung di dahil sakanila ay tiyak wala na ngayon ang mga magulang namin ni Ace at ng iba pa.

Si Red naman ay ang mas napurohan sa atake ni Scarlet nung kinokontrol pa sya ni Shelly. He's still not waking up kahit naghilom na ang mga sugat nya. Palagi kung nakikitang umiiyak si Stella at natutulog kakabantay sa kanya.

The woman who save Scarlet is not waking up too. Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng hood nya. Tanging mga labi lang nya ang nakikita ko at parang pamilyar ito sakin. Mayroong nagbabantay sa kanyang lalaki na katulad nya ay may hood rin. Hindi ito umaalis sa tabi nya at palaging hawak ang kamay nito. Ang lalaki rin yun ang tumulong sakin para matalo namin si Shelly. Pero merong bumabagabag sakin. They look really suspicious dahil ayaw nilang ipakita ang mukha nila pero at the same time magaan ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa. Na para bang matagal ko na silang kilala that they are part of my life.

Umiling ako at tiningnan ang babaeng mahal ko. She's like Sleeping Beauty. Beautiful kahit natutulog. Kahit anong gawin ng hearlers ay hindi humihilom ang sugat nya. Sabi nila na sobrahan nya ang paggamit ng white magic dahilan para di bumilis ang paghilom ng sugat nya. Like her parents and her twin brother ay di parin sya nagigising.

I really miss her so much. Her laugh it's like a lullaby to my ears. Her smile is like a sunshine in my day. Her dazzling eyes is like a star in the skies. I held her hand and kissed it.

The Royal Family of Scarlet Kingdom is in deep slumber. No one knows how to wake them up. And the weather ay parang alam ang nagyayari dahil simula nun palagi nalang umuulan.

Lahat ng meyembro ng Royals ay ginagawa ang makakaya nila para magising sila. Naghanap sila ng magagaling na healers sa lahat ng lugar pero walang nangyari. Pare-parehas sila ng konklusyon na maaaring nasa ilalim ng black curse ang Royal Family.

Kung gising lang sana si Scarlet ay walang problema. She can easily solve it by using her white magic.

Ang namamahala ngayon sa palasyo ay ang kanang kamay ng magulang nina Scarlet. Ang magulang ni Apple. Nang malaman ng lahat ang nangyari sa Royal Family ay marami ng gustong makita sila ngunit hindi pwede. Kapag nakita nilang nasa ganoong posisyon ang hari at reyna ay baka mag-alala pa sila.

Ayaw nang magulang ni Apple na malaman nila dahil marami na silang napagdaan at marami ang di malilimutan ang pangyayari sa naging madugong laban.

Napaangat ako ng tingin ng may tumabi sakin. It was Mom.

"Kaizer anak. Magpahinga kana hindi kana makatulog at kumakain ng maayos nag aalala nako sayo. " tumingin sakin si Mom at ngumiti di ko napigilang tumulo ang luha ko sa harapan nya. Mabilis nya kung niyakap at hinagod ang likod ko.

I've been keeping myself to be strong pero mas nagiging mabigat lang ang pakiramdam ko dahil hindi ko mailabas ang nasa loob ko.

"Oh Kaizer tahan na anak ayaw ni Scarlet na nakikita kang ganyan. "
Ang malambing nyang boses ang unti-unting nagpapakalma sakin.

I miss my Mom. She's always been there when i was a kid. Kapag nasusugatan ako ay palagi syang may dalang gamot pero humihilom naman. Kapag nakita nyang di maganda ang suot kung damit ay pinapabalik nya ko sa kwarto para magbihis ulit. She always sings me a lullaby before i sleep.

And i miss those days. Malaki ang pasasalamat ko sa magulang ni Scarlet dahil kung hindi sakanila ay wala ang magulang ko ngayon.

"Mom pagod nakong maging malakas. Pagod na kung kakaasa na babalik pa sya. Ayokong sumuko pero napapagod na kung nakikita syang ganyan. Yes she's still there breathing but no response. " sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Mom para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

"Kaizer its okay to cry anak but remember this. Kung humihinga may pag-asa. And there's a chance for them to wake up. Ang Royals ay hindi sumusuko sa kanila dapat ganun ka din anak. Never lose hope Kaizer because marami ang tumutulong satin at nararamdaman kung lumalaban rin ang Royal Family para mabuhay. " she tap my shoulders.

"Remember you're my son and my blood and your father's blood runs in your veins. You're not Prince Kaizer Luke Montero for nothing ." i forgot that in my every downfall she's always there to make me stand and cheer me up.

She's my Cheerleader.

"Oh i forgot i only like Scarlet for you. Sya lang dapat ang bigyan mo ng genes mo. " bumungisngis sya at pinisil ang pisngi ko.

"Oh Mom! " i think namumula na ngyon ang pisngi ko. Alam kung pinapatawa lang ako ni Mom and she never failed about it.

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon