Chapter 85 ~ Back again

1.6K 52 0
                                    


"Suzy's POV"

"Scarlet! " napadilat ako ng mata nang marinig ko ang tinig na yun.

"Kaizer" tumingin ako sa paligid. Nakahiga ako at napapaligiran ng maraming bulaklak at mataas ang sikat ng araw.

May nakita akong babae sa di kalayuan kaya tumayo ako at lalapit sana ng tumakbo sya sa kakahuyan.

Tumakbo ako at hinabol sya. And then I found my self looking in a shinning tree in front of me.

Bigla nalang nagpakita ang babae kanina naka suot sya ng gintong damit.

"Kamusta kana Scarlet? " nakangiting sabi nya sakin at magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Ahmm sino ka?  Nasan ako?  Anong lugar toh? " ang natatandaan ko lang ay ang labanan namin at nawalan ako ng malay. Ngunit ngumiti lang sya sakin at kinuha ang prutas mula sa puno.

"Kainin mo yan. Dahil kailangan ka pa ng pamilya mo maraming naghihintay sayo sa mundo nyo. " kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
Pero ginawa ko ang sinabi nya at kumagat sa prutas.

Nakaramdam ako ng init sa katawan ko.

"Wag kang mag-alala dahil nakain mo na yan. Mabubuhay ka pa sa hinaharap. " napanganga ako sa sinabi nya.

"Ba't alam mo yun?  Kilala mo ba ko? " ngumiti nanaman sya sakin at tumalikod.

Ang tubig sa batis ay naging parang salamin at lumitaw ang mga larawan ng mga pamilyar na mukha sa paningin ko.

Nakita ko dun si Stella na umiiyak sa tabi ni Red. Sina Dad at Mom na magkatabi rin na walang malay. Si Scarlet habang nasa tabi nya rin si L. At lastly ang katawan ko at nasa tabi ko rin si Kaizer at ang ina nito. Umiiyak ito at parang pinapatahan sya ng ina nya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa nakikita ko. Masyado silang nasaktan sa nangyayari.

"Ready kana bang bumalik sa mundo mo? "

"Teka pwede bang magtanong? " tumango naman sya.

"Sino kaba talaga? "

Ngumiti sya at hinawakan ang dalawa kung kamay at marahan nyang pinisil yun.

"Ako si Celestia ang Celestial Queen ng mga Celestial Guardians" literal na nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.

"Ihahatid kana nila. Paalam Scarlet pagkaingatan mo ang ikalawa mong buhay kasama ang mahal mo sa buhay." sabi nya at nakita kung pinalibutan ako ng mga Celestial Guardians ko.

Ngumiti ako sa kanya at nag pasalamat.

Nakaramdam ako ng sakit sa katawan kaya napadilat ako.

Unang nakita ko kaagad ay si Kaizer na mahimbing na natutulog habang hawak ang isang kamay ko napansin ko rin ang tumuyong luha galing sa mata nya.

Napansin ko rin ang paghilom ng mga sugat ko ng magkamalay ako.

Sinubukan kung umupo at hinaplos ang buhok ni Kaizer papunta sa pisngi nya.

Di ko ma iwasang mapa luha. Marami na kaming napagdaanan ni Kaizer at sobra akong natutuwa dahil binigyan ako ng pagkakataon na makasama sya ulit.

Nakita kung gumalaw sya at unti-unting nag mulat ng mata.

Hihi para syang bata sa itsura nya. Sumisinghot singhot pa sya na parang bata na inagawan ng laruan.

Nangmapatingin sya sa gawi ko ay nakita ko ang unti-unting bumuka ang bibig nya at parang naka kita ng multo.

"Hey" nahihiyang bulong ko pero sapat na para marinig nya.

He blink twice then he squeeze his eyes. Bagong nanlaki ang mata nya.

The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon