Chapter 28 ~ Enchanted Forest (part 5)

1.9K 54 0
                                    


"Scarlet's POV"

"Ba't di umilaw? " naiinis na sabi ni Annika.

Napatingin naman ako kay Apple.

Para syang maiiyak. Hala bakit umiiyak to?

"Hey Apple bat umiiyak ka?  May masakit ba sayo? " nag-aalalang tanong ni Ace sakanya at pinatahan sya.

"E-eh k-kasi di sila-" naputol ang sasabihin ni Apple ng tawagin na kaming lahat papunta sa cave.

Di ako makapaniwala so, hindi si Kaizer ang nakatakda sakin?

Bat parang gusto kung umiyak bakit parang gusto ko sana sya nalang ang nakatakda sakin?
.
.
.

Lahat kami naglalakad na papunta sa cave ng pumantay ng lakad sakin si Kaizer. Suot parin nya ang kwintas.

Naguguilty ako pano ko kukunin sa kanya ang kwintas?

Di kasi umilaw ang sa kanya ang kwintas.

"Hey ba't parang di maipinta mga mukha nyong magkakaibigan. May problema ba? " takang tanong ni Kaizer.

Napatingin naman ako sa girls lahat sila parang na dismaya sa nangyari.

Lahat sila puro bagsak ang balikat at malungkot. Hindi rin sila maka usap ng boys

Napakagat naman ako sa labi ko.

"W-wala naman Kaizer ba't mo natanong. "Pagmamaang maangan ko.

"Tsk! I know your hiding something. Kayo ng mga kaibigan mo. Hihintayin kong maging ready ka para  sabihin mo yun sakin. I trust you." Sabi nya at ngumiti.

Waaah ba't naging mabait to bigla??  Nagiguilty na talaga ko.

Alam ko naman na ang tinutukoy nya ay kung bakit disappointed ang mga mukha namin.

Pero naisip ko rin ang mga sekreto ko bilang Prinsesa na hindi nya pa alam.

Pag natapos ang misyon namin talagang sasabihin ko sa kanya ang totoong katauhan ko bilang Princess Scarlet Suzy Kim.
.
.
.
Nakarating na kami sa cave.

Tumingin naman ako kay Red.

Mukhang na kuha naman nya ang gusto kung iparating sa kanya.

Kailangan naming mag ingat sa lugar nato.

Unang pumasok ang Adviser namin. Pagkatapos non sumunod kami.

Nang pumasok kaming lahat ay biglang lumiwanag ang paligid.

Namangha kaming lahat sa nakita namin sa loob ng cave.

Sa loob nun ay puro Krystal at may ibat-ibang kulay.

"Wow " yun lang ang narinig kong sabi ng lahat.

Ang ganda dito.

Pero nagulat kami at napatingin sa labasan ng bigla itong sumara.

Naalarma naman kami at ang iba nag panic na.

May bigla namang sumabog at nakarinig kami ng isang malademonyong halaklak.

Mukhang alam ko na kung sino yun boses palang alam ko na.

Biglang hinawakan ni Kaizer ang kamay ko at tinago sa likuran nya na para bang pinoprotektahan ako.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko inihanda nila ang kanilang sarili.

Mukhang mapapalaban kami neto ah.


The Mysterious Vampire Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon