Chapter 4

20 3 0
                                    

Matapos nang pagkukwento namin ni Edward ay umuwi na kami. Tapos na rin naman ang klase.... Nagsiuwian na ang lahat.

Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Ikinuwento ko rin naman sakanya ang problema ko. Mula sa pag alis ni Dad hanggang sa pagbabalewala ni Mom sakin. Nalaman ko rin na pareho lang pala kami. Hindi dahil parehong walang pakialam ang mga ina namin kundi pareho pala kaming iniwan ng mga ama namin.

Nang papasok na ako sa bahay ay may narinig akong tawanan. Narinig ko ang pagtawa ni Mom. Pero may isa pang tumatawa. May kasama siya!

Pero kinilabutan ako. Hindi dahil may kasama si Mom na halatang di babae sa boses pa lang. But because i know one thing's for sure, IT'S NOT DAD.

Kahit limang taon na ang nakalipas, naaalala ko parin lahat ng detalye tungkol kay Dad. Mula boses niya hanggang sa mukha niya. Lahat ng maliliit na detalye ay naaalala ko pa.... Satiwang sariwa pa sakin lahat na parang kahapon lang umalis si Dad.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko at pinihit ang pintuan.

Alright, i shouldn't be shocked. I've expected this.

Nakita kong may kasama nga si Mom. May kasama siyang uminom ng wine at nag-uusap sila. Lalaki. Nakaakbay ang isang kamay niya sa balikat ni Mommy at ang isang kamay niya ay nakahawak sa kopita ng wine. Napatigil agad sila sa pag-uusap ng makita ako. Kitang kita ko rin ang pagkagulat sa mata ni Mommy. Mga mid thirties na rin yung lalaki gaya ni Mommy. Yun lang ang napansin ko dahil dumiretso na ako agad sa kwarto.

Pagkasara ko ng pinto ay siya namang pagkatok dito.

Siguro ay ang maid...

Pinagbuksan ko na lang at nakita si Mommy. Gulat parin ang ekspresyon sa mukha niya at tila hindi talaga makapaniwalang nandito ako.

"W-why are you-"

"Magbibihis lang po ako Mommy. Aalis rin ako agad. May lakad ako", sabi ko na lang at nakita ang dahan dahang pagtango niya.

I'm not used to seeing Mom like that. I'm used to seeing her serious and busy at work. Seeing her shocked, what a sight to see.

Pero wala na akong gaanong oras para mag-isip pa. Sinara ko na ang pinto at nagbihis agad. Naka simple red blouse lang ako ngayon, ripped jeans and sneakers. Pero dahil gabi na rin ay sumuot muna ako ng itim na jacket with hood. Cellphone at wallet ko lang ang dala ko palabas. Nakita kong wala na roon si Mommy kaya malamang bumalik na sa kausap niya.

Tumingala ako para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang pumatak na naman. Ugh.... Sa araw nato, ilang beses bako dapat umiyak??!

Hindi nako dumaan sa front door dahil makikita ko lamang sila ni Mommy doon sa sofa. At yun ang ayaw ko sa ngayon.

Pumunta ako sa apartment ko. Oo, may apartment ako na ako lang ang naninirahan. Lingid ito sa kaalaman ni Mommy at paniguradong kahit malaman niya ay wala naman siguro siyang pakialam....

Pumupunta ako rito pag masyado na akong bored sa bahay o kung walang klase. Pumupunta rin ako rito if ever i feel hopeless by being rejected by Mom again.

Naupo ako sa sofa. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Alam kong may kasama siya. Nag message nga siya sakin kanina na huwag munang pumunta sa bahay at sumama na lang daw muna sa mga kaibigan ko. As if i have friends...... She just doesn't know a thing....

Ni hindi nga niya alam na iyakin ako eh... At kung alam man niya, i can barely think of her asking me about it. She won't mind it like it's natural.

Maya-maya'y may nag text sakin. I'm never expecting mom to message me.....

And it really wasn't her. In fact, it's a foreign number. Well, besides Mom, sino pa kaya ang nakakaalam ng number ko? But anyway, nobody messages me, so who is this????

From: 09345567821

This is Edward.

Nanlaki agad ang mata ko. How did he know my number?!

To: 09345567821

How did you know my number?

Napangiwi ako sa reply ko. Kapag kausap ko siya, bakit ba ako napapa English?

Ay oo nga pala. American ang Mommy niya. Dun daw talaga sila nakatira si America pero lumipat dito nang mapangasawa ng Mommy niya and Daddy niya which is Filipino.

Paano mo nalaman ang number ko?

Pinalitan ko ang reply ko at sinend. Filipino pa naman ako eh.

Isinave ko na rin sa contacts ko ang number niya.

From: Edward

Forgot already? We exchange numbers earlier when i returned your phone.

Ay. Oo nga pala. Nung nag-uusap kami kanina ay binalik niya ang cellphone kong naiwan kaninasa canteen. Hindi na nga sumagi sa isip ko yung cellphone kong naiwan....

Nang makita ko ang message ni Mommy na hindi niya ako pinapauwi, parang mas nabasag ang puso kong basag na talaga. The thought of her kicking me out kept repeating in my head. I thought she was with her friends, she had an important meeting, gathering or a party but, what i saw on the living room was way beyond my imagination.

From: Edward

Hey. Still there? Are you okay?

To: Edward

Yeah...

Buti pa siya. Siya na nakilala ko lang kanina kahit di ko alam, sa tingin ko nag-aalala siya. Pero ayoko munang umasa....

From: Edward

It doesn't seem like that though.

Nakikita niya ba ako at nasasabi niya yan?

To: Edward

Bakit pakiramdam ko ay nakikita mo ako?

I have a strange feeling bout this...

From: Edward

That's because i did. I saw you earlier when you entered the building.

Kaya pala.... But that only means....

To: Edward

You live here?

From: Edward

Yeah.

What a strange coincidence.

From: Edward

You don't live here, do you? I barely even see you here.

Bakit.... Bakit parang alam na alam niya ang tungkol sakin? Bakit ba parang alam niya bawat sulok ng buhay ko? I know that's impossible. We've just met!
To: Edward

Hey, you said you live alone, right?

From: Edward

I know what you're thinking. I'm in room number 1241. Third floor.

Nagulat ako sa text niya. Not only did he know what i was thinking but because it's just the unit across!!

Lumabas agad ako at kumatok sa unit na yun.

-----------------

Smile, Selena [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon