Ilang sermon na naman ang natanggap ko ngayong araw dahil sa pag-iyak. Haysss..... Ang buong buwan ko na pagiging nadito ay parang nasa kulungan.
Sanay na naman ako eh. Third period pa lang namin pero pagkalabas ng last subject teacher namin ay lumabas rin ako. Sa tingin ko ay nasu-suffocate ako sa loob. At least, di na maha high blood ang mga teachers kasi wala akong iyakin dun sa klase nila.
Hindi ako talaga academically focused, well for now i'm not. The past years, honor student ako at nasa top five lagi pero ngayon, hindi na. Hindi dahil sa kondisyon ko kaya di ako nakakapag focus kundi dahil ayoko na talaga. What's the use of trying hard when you're not appreciated and seen? Kahit nasa first place man ako, wala parin namang pakialam si Mommy. Same with no honors. Kaya mas pipiliin kong magpabaya na lang. It's what she's doing to me anyway. Pwede naman akong ma expel. Ilang beses na akong nakabisita sa principal's office dahil nga sa kondisyon ko at tatahimik lang pag tinatanong nila. The only thing that's keeping them from expelling me is that my Mom's a close friend of almost all stockholders ng school, pati na rin ang principal. You know, negotiations, business, partnerships, benefits.... Money. That's my Mom.
Hindi ako ganito last year. Actually, may pagka active pa ako last year. Hindi pa kasi nag sink in sa akin ang mga nangyari tsaka pinigilan ko ang sarili kong alamin ang nangyari noon. Hindi ko pa nalalaman ang mga nangyari sa mga oras na umalis si Dad kaya hindi pa ako naapektuhan. Pero ngayon, naintindihan ko na lahat. I realized everything. I realized how much i wanted my Dad back and how much i needed him while i also realized how ill are my Mom's intentions while marrying Dad.
Pinunasan ko na lang ang luhang kakapatak pa lang sa pisngi ko. Hindi na bago sakin ang mabasang pisngi dahil sa luha. Minsan nga eh kahit di ako nag iisip ng tungkol dun, pumapatak ng kusa ang luha ko. Ganun na lang siguro kasakit ang katotohanan para sakin. Kaya sa isang araw, mga tatlong panyo ang naggagamit ko pamunas sa sipon at luha.
Sawa na sila sa nangyayari sakin? Pwes, mas sawa na ako. Nagsasawa nga silang tignan lang akong nagkakaganito lalo pa kaya akong araw araw naiisip kong mas lumalala lang ang nararamdaman ko? Hindi kasi nila maintindihan..... Wala talagang makakaintindi sakin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di na namalayang paakyat na pala ako ng building nitong school namin. Tatlong palapag ang school kaya ganun na lang kalalim ang iniisip ko na di ko na namalayan ang mahabang daanan papunta sa taas. Masyadong lutang isip ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko ngayon na nasa huling hakbang na ng hagdan papunta sa rooftop. Alam kong may rooftop pero di ko pa napupuntahan ito kaya pinabayaan ko na lang ang sarili ko at nagpatuloy hanggang sa nakalabas na ako.
Ang malamig na hangin ang unang bumungad sakin paglabas. Medyo naririnig ko rin dito ang ingay ng mga sasakyan sa baba pero dahil may kataasan ay hindi gaanong maingay.
May barandilya sa paligid nitong rooftop at may iilang bench rin. Hindi sila naka arrange kaya sa tingin ko ay pinaglagyan lang itong rooftop ng mga bench. Like stockroom? Akala ko may stockroom sa baba? Baka puno.....
Marami ring gamit dito na tulad ng iilang machines. Ewan kung saan ginagamit o ano sila basta. Mukhang sira na rin eh. May ibang furnitures rin na tila sira na. Hindi naman sila nakakalat eh. Andun lang sila nakatabi sa gilid kaya maraming space sa rooftop.....
Maraming nakakapang akit dito lalo na ang view pero ang mas nakaakit sa akin ay ang lalaking naka black jacket na tinatabunan ang mukha ng hood niya. Bahagya siyang nakayuko habang nakakapit sa barandilya at tila tinatanaw ang nasa baba.
Ilang minuto ang nakalipas at nanatili kaming walang imik. Hindi siya nagsasalita at ako naman ay panay lang ang titig sa likod niya.
Maya-maya'y nakita ko ang pag-angat niya ng paa kaya linapitan ko siya agad.
"What? Are you gonna stop me from jumping huh?"
Nagigilan ako bigla sa tanong niya. Jump? Teka suicide? So, magpapakamatay nga siya.....
"Don't stop me. Just don't. I wanna die", sabi niya pa at tsaka inangat ang isa niya pang paa. Pag tumalon siya ngayon, paniguradong bali ang buto niya. Maaaring ilang buwan siyang tatagal sa ospital niyan pag nakaabot pa siya ng ospital. Baka ma dead on arrival to eh.
Tumabi ako sakanya at tinignan siya. Maputi, matangos ang ilong, pinkish ang labi, perpekto at tila ginuhit na mga kilay, mahaba at kumukurbang eyelashes niya..... Maraming pwedeng purihin sa mukha niya pero ang gusto ko ay ang punain ang mata niya. Sobrang lalim ng mata niya. Yung tipong parang gusto mong sisirin para malaman ang totoong ekspresyon niya kasi blangko lang ang mumha niya ngayon. Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya sa kanyang mata.....
Pagkatapos kong kilalanin ang bawat parte ng mukha niya ay tumingin ako sa ilalim. Mataas nga.... Pero di ka mamatay agad pag nahulog ka. May puno sa ilalim eh. Paano siya magpapakamatay diyan eh garden jan? May mga damo sa baba eh... Mababalian ka lang ng buto pero tingin ko'y wala nang mas lalala pa dun.
"If you wanna die that bad, i suggest you to change where you're planning to jump"
"Why? Cause this is the school's property and-"
"Hindi. Alam ko lang naman na di ka mamamatay pag tumalon ka diyan eh", sagot ko ng di siya tinitignan kahit ramdam ko na ang titig niya sakin.
"How can you be so sure?"
"It's a garden down there"
Natigilan naman siya hindi dah tingin niya ay tama ako ngunit pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya pa ako. Seriously?
"You sure i'm not gonna die? Why? Because it's a garden? How can you be so sure that jumping and landing on a garden is safe?"
Sunod sunod niyang tanong sakin.
"Cause there's a tree and the ground has grass on-"
"Seriously? So you think a grass can save me from bleeding to death or breaking my skull? Wait, do you even now how thick that grass you're talking about?"
Hindi nako sumagot. Hinintay ko na lang ang pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.
"That grass you're talking about is fake. It's only 5 centimetres in thickness. You may think it's thick when you look at it but the truth is, it's thinner than your finger. And that tree? Are you sure you won't bleed after being sliced by those dead branches and are you sure those big rocks down the trees would become pillow to protect my skull from breaking?"
Dire-diretso at walang preno preno nyang sabi.
"How would i know. I'm not planning on suicide"
Sabi ko naman at nakita ang pag-iba ng ekspresyon niyang blangko. Tila nagtataka naman siya ngayon.
Ngumiti siya. Half heartedly. Halatang pilit at kita parin ang sakit.....
"My name's Edward. You?"
Tinanggap ko ang nakalahad na kamay niya.
"Selena. Nice meeting you Edward"
-------------
BINABASA MO ANG
Smile, Selena [Completed]
Teen Fiction[UNEDITED. May contain clirical errors] In a world full of darkness, can you still find light? In a world full of sadness, can you still find happiness? In a world full of mournings, can you still smile? I can't tell you what's wrong because even i...