Chapter 9

24 1 0
                                    

Tahimik lang kami ni Edward habang pumapasok sa building. Siguro dahil pagod siya habang ako naman ay lutang pa ang isip dahil kay Mommy.

Patuloy lang ang paglalakad namin ni Edward hanggang sa nakarating na kami sa unit namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng unit ko pero hinawakan ni Edward ang kamay ko at hinarap ako sakanya.

"You were too quiet earlier. Is there something wrong?", tanong ni Edward pero umiling ako at bubuksan na sana ang pinto pero hinigit niya muli ang kamay ko kaya napaharap ulit ako sakanya. This time, he hugged me. My tears voluntarily fell one by one.

"Tell me please. I'm not used to us keeping secrets", sabi niya kaya sinabi ko sa sarili ko na wag nang itago ito kay Edward. Alam naman niya lahat sa akin kaya ano pa ang pinagkaiba nitong problema ko sa iba kong problema para di ko sabihin sakanya?

"It's my Mom, Ed. Nag message siya sakin. Ngayon lang niya ako ulit naalala. Naalala niya ako ulit dahil kailangan niya ako. I can't believe her. Everything doesn't make sense. All her life, she's nothing but a user. She used my Dad and......and now she's going to use me!"

Imbes na bumalik ako sayo Mom, sisiguraduhin kong di na ulit tayo magkikita! I'm never getting back to you.

"Don't worry. She won't have you. I'm here, okay? It's okay", ani Edward bago kami maghiwalay para pumasok sa sarili na naming unit.

Buong gabi, umiyak lang ako sa kwarto. Kahit anong mangyari, di ko na mapigilan ang luha ko. It's like a flowing water, i can't stop it. Everytime i remember what my mom is doing or what is plotting to do, it breaks me. Parang iniisip ko na, is this all she ever knew? So, she kept me all those years for that? Cause one day, she knows i might be of use to her? Pathetic.

Nagising ako nang maramdaman na may tumatapik sa balikat ko. Iminulat ko ang mata ko at nakitang si Ate Lyn pala ito.

"Hey Selena. Sorry for waking you up", nakangiting sabi niya sakin kaya sinuklian ko siya ng isang awkward smile. Nakakahiya tuloy at naabutan pa ako ni Ate Lyn na ganito. Gulo gulo ang buhok, mabaho pa ang hininga, tapos magang maga ang mata.

"The guys went out for a stroll around. Evelyn's still sleeping there . I'm too tired... So i insisited to stay behind. Mind if i join you?", tanong ni Ate Lyn.

Umiling na lang ako bilang sagot dahil hindi pa ako nakakapag mouthwash!

"It's okay but umm i should uh, wash up first", sabi ko nang nakalayo na ako sakanya at di na hinintay ang sagot niya bago pumasok sa CR.

I washed myself up. I cleaned my face, brushed my teeth, comb my hair, everything just to look presentable at least now! I always want to look perfect in front of them... Ewan ko pero gusto ko talagang maging perpekto sa paningin nila, they look like perfectionists so i want to impress them always.

Lalabas na sana ako nang maramdaman na parang umiikot ang paningin ko. Napahawak ako sa sink. Ipinikit ko muna ng marahan ang mata ko tsaka binuksan pero wala na akong makita! Ilang beses kong kinurap ang mata ko pero nanatili itong madilim..... Kinusot ko ang mata ko hanggang sa bumalik na ito sa dati..

What's going on?

Umiling ako. It's nothing. There's nothing to worry about. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinagwalang bahala na.

Lumabas na ako nang makuntento sa mukha ko.

Tumawa ng bahagya si Ate Lyn.

"You don't have to feel uncomfortable, Selena. You're part of us! You're our family now", sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. They're very kind.

Smile, Selena [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon