Chapter 1

50 6 0
                                    

"Ilang beses ka ba dapat pagsabihan huh? Hindi to lugar para umiyak!"

"I can't believe this. Araw araw na lang, ito ang madadatnan ko"

"This is ridiculous. Do I have to keep reminding you this Miss Rodriguez? You're in my class!"

"Iiyak ka na lang ba buong araw, Miss Rodriguez?"

"Ano na, Miss Selena Rodriguez? Anong petsa na..
Kung sino mang patay ang iniiyakan mo, hindi pa ba tapos ang libing niya?"

Paulit ulit. Yan ang paulit ulit kong naririnig araw araw. Sawang sawa na ako. Para itong bangungot na patuloy akong binabagabag.

Alam ko kung ano ang kakulangan ko. Alam ko naman eh. Bakit ba patuloy niyo na lang akong pinapagalitan? Sabagay. Sino ba namang gugustuhin ang makakita ng umiiyak na babae sa klase araw araw? Sawa nga rin ako eh.

"Selena....", tawag sakin ni maam kaya tinignan ko siya at nilapitan agad habang patuloy na pinupunasan ang luha na tumatagaktak sa mata ko.

Nang malapitan ko na siya ay tinignan niya ako sa isang nag-aalalang tingin. Alam ko na yan. Palagi na lang.....

"Selena, alam mo naman kung bakit kita pinatawag diba? Sawang sawa na ako, ay hindi.  Sawang sawa na kaming lahat na makita ka na magang maga ang mata sa kakaiiyak. Nagrereklamo na ang mga guro mo sakin. Pati raw sa ibang subjects ay nakapangalumbaba ka pa rin at patuloy na umiiyak"

Yumuko na lang ako at nag iwas ng tingin kay Maam Kath. Siya ang homeroom adviser namin. 25 years old pa lang si Maam Kath. Mabait siya at palakaibigan.

Simula noong first day ay napagtuonan na niya ako ng pansin dahil sa gawi ko. Magtatatlong linggo na rin ang klase kaya matagal tagal na rin niya akong kinakausap tungkol dito.

"Nagkaklase ako, di ka nakikinig. Nag e-exam ako, wala kang nasasagot. Tinatanong kita, ayaw mo namang magsalita"

Nanatili pa ring tikom ang bibig ko. Kahit anong mangyari, pilit ko paring ititikom ito.

"Handa akong tulungan ka Selena. Kahit ano mang problema mo ay gagawin ko ang lahat para matulungan ka basta sabihin mo lang sakin. Walang mangyayari kung patuloy kang mananahimik. Hindi kita matutulungan kung maski sarili mo ay di mo magawang tulungan"

Nanahimik parin ako. Hindi ko sasabihin ang dahilan...... Ayaw kong mag open up tungkol sa problema ko. Kahit anong mangyari, alam kong di naman nila ako maiintindihan eh.

Nag angat muna ako ng tingin kay Maam Kath bago tumunog ang bell. Lunch break na.

"Maiwan ko na po kayo Maam....", sabi ko at umalis na bago pa siya makasagot.

Habang kumakain ay pinili ko yung lugar kung saan, hindi masyadong matao at medyo isolated sa lahat. Kaya dun ako sa may dulo umupo.

"Pinakita ko kay Mommy ang card ko then ta-dah!  Binilhan niya ako ng bagong phone dahil sa grades ko!"

Dinig ko ang masayang kwento nang isang babae sa kaibigan niya habang pinapakita ang halatang bagong cellphone niya.

Good for her.

Nagka cellphone siya as a gift of appreciation mula sa Mommy niya.

I instantly looked at my phone. Oppo F5. Pareho kami. Ng phone lang.

Pero ibang iba kung paano namin ito nakuha. Siya, as a gift from her mom but me?

Sa totoo lang okay pa naman yung Oppo F3 ko pero sinabi ko kay Mommy na nasira. I thought she was gonna scold me for being careless and give me a mouthful pero nagkamali ako.

Instead, you know what she did?

She told me to pick any phone i like from the mall and gave me her credit card.

Sinasabi niya yan ng walang kabuhay buhay at may kausap pang negosyante sa cellphone.

Should i be happy she's spoiling me or should i be mad cause it's way too much?

Well, one thing's for sure.

Wala siyang pakealam.

Iisa lang ang gusto ko pero hinding hindi ko makuha. Isa lang ang gusto ko, and what i strive for is not something that my Mom can buy with diamonds, gold bars or her credit card. All i ever wanted was my Dad back.

He left us when i was 12 which is 5 years ago. Engineer si Dad nun at medyo busy rin pero pinagbibigyan niya ako ng oras lagi. Hindi nawawala ang atensyon niya sakin at lagi akong inaalala ni Daddy samantalang si Mommy ay hindi. Well, up until now, she doesn't.

Umalis si Dad noon dahil sa dalas ng pagtatalo nila ni Mom. Tsaka nalaman rin ni Daddy na hindi pala talaga siya minahal ni Mommy. Pinakasalan lang siya nito para sa pera. I know, my Mom's too bad.

Since then, i started to feel that she doesn't love me. She doesn't need me in her life. Kung nagawa niya iyon kay Dad noon, anong pinagkaiba ko? I bet she has a plan for me that will give her much money that's why she still keeps me beside her even if she doesn't love me. Mukhang pera ang ina ko, pero hindi ko magawang kamuhian siya. Galit ako, oo. But not to the point that i hate her to the bones. I guess i just felt bad she never really cares. She never really shows any love for anyone.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para iwasan ang mga tao.

Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong mainit na likidong dumampi mula sa mukha hanggang balikat ko. Hinawakan ko ang mga mata ko at napangiti na lang ako ng mapait ng maramdaman ang luha na nanggagaling sa mga mata ko.

I just can't stop myself from crying......

------------

Smile, Selena [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon