He made me realize that in a world full of uncertain things. There are still things that you can change to make it certain.
He always cares for me.
He always text me to listen to our teachers. Nalaman ko rin na honor student din siya. He's such a strong person, he fights with depression everyday but never loses track in school. Bu that was then. The past.
Well, he's focused on school now. He already lost the will to die. He gained the will to live.Dahil sa kanya ay nakapag focus na rin ulit ako sa school. Hindi parin nawawala ang pagtutulo ng mga luha ko tuwing may klase pero pinupunasan ko na agad ito bago pa man makita ng teacher namin. Hindi na rin ito ganun kadalas at minsan ay napipigilan ko pa sila.
Maraming nagbago. In that span of time, i realized, learned ang gained a lot. His presence is a great help to me. Everything was alright everytime he's with me.
Sabay kaming nagla-lunch.....
"Taste this", sabi niya habang nilalagay ang isang piraso ng beef steak galing sa baon niya papunta sa lunch box ko. Kami mismo ang gumagawa ng lunch namin at di na pumupunta sa canteen. Sa rooftop kami lagi kumakain.
"Ayoko. Yan din ulam mo kahapon diba? Palitan mo nga", sabi ko at sinubo na lang ang cabbage sa bibig ko. Hindi ko na lang pinansin ang steak niya. Ayoko.... Yan din ulam nya kahapon tsaka sinubuan niya ako kaya alam ko na lasa...
"You're on a diet, are you? You never say no to my lunch offer so why reject now?", sabi niya habang nanlilisik ang mata. Whatever you say.
"Ewan ko sayo. Yan din kaya ulam mo kahapon kaya-"
"There"
Wala na akong nagawa. Sinubo niya lang sa akin ang steak gamit mismo ang kutsara niya. It's a normal thing for him to use his spoon while making me taste his lunch. Lagi talagang pabida ng ulam. Parang bata. Pinapatikim pa sakin!
"Smile, Selena", sabi niya sabay labas ng cellphone.
Click!
Di pa nga ako nakakapaghanda eh!
Binatukan ko siya nang makita ang mukha ko na may sinusubo pa ng pinindot niya ang camera. Tung lalaking to!
Sabay kami nags-study...
"Selena, want me to review you? I'll ask questions", sabi niya. Tumango naman ako. Normal study routine namin ang ganito eh. Nandito siya ngayon sa unit ko para nga sa study routine namin. Sanay na akong ganito. Minsan ay sa unit din niya kami nag-aaral.
"No. 1: Who is Selena's first love?"
"Edward of course-Teka! Ano to?!", pinanlisikan ko siya ng mata habang siya naman ay tawang tawa.
"Okay okay. I'm sorry. Number 2: Who does Selena usually meet at the rooftop?"
Tinapunan ko siya ng throw pillow pero nasalo niya naman.
Mukhang di ako makakapag-aral ngayon...
"Smile, Selena!"
Click!
Kinunan na naman niya ako?!
"Nakakailan ka na ah!"
Lagi kaming magkatext.. Lagi niya rin akong nire-remind...
"So it was later known that the doctor was actually the one who took Einstein's brain. Very creepy", sabi nang teacher namin at napangiwi. Si Albert Einstein kasi ang klase namin ngayon at nalaman namin ang nangyari noong nasa ospital siya pagkatapos niyang mamatay.
BINABASA MO ANG
Smile, Selena [Completed]
Fiksi Remaja[UNEDITED. May contain clirical errors] In a world full of darkness, can you still find light? In a world full of sadness, can you still find happiness? In a world full of mournings, can you still smile? I can't tell you what's wrong because even i...