Chapter 6

29 2 0
                                    

Nagising ako at nakitang nasa kwarto ko na pala ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. Wait, diba nasa unit ako ni Edward kagabi?! Ba't ako nandito? Did he....

Nakakahiya. I can't believe i fell asleep when he hugged me! Great job, Selena. Now how are you gonna face him?

Kinuha ko na lang muna ang bathrobe ko at naligo. Marami akong damit dito kaya walang problema. Marami ring pagkain sa fridge at marunong akong magluto. Sanay akong mag-isa eh.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako ng school uniform namin. Syempre, may uniform rin ako dito. Pumupunta ako rito pag gusto kong mapag isa kaya marami nakong gamit dito.

Magluluto na sana ako pero nagulat na lang ng makita ang isang sticky note sa fridge. Kulay itim pa kaya puti ang ink ng ballpen na ginamit niya.

I already went to School. Sorry, i can't wait for you. But i'll meet you up at the rooftop again later okay? Also, i've made your breakfast. Eat it.

-Edward

Nakita ko ang dalawang pinggan na tinatakpan ng pinggan rin. Binuksan ko it at nakita ang bacon, egg, at toasted bread.

Napairap ako. Did he just think i couldn't cook?

Anyway, 15 minutes na lang bago ang first period kaya okay naman at di na ako magluluto.

Nakarating ako sa school at nakitang wala pang tao sa classroom. Masyado ba akong maaga? Eh five minutes na lang, first period na ah. Naghintay hintay muna ako. Nakita kong nagkaklase na ang ibang classrooms.

Teka, wala ba kaming pasok ngayon?! Nag skip classes nga pala ako... Eh pano kung wala palang klase....

"Selena, i'm surprised you're here", nagulat ako sa biglaang pagdating ni Maam Kath.

"Bakit Maam? Wala ho bang klase ngayon?", tanong ko but then i felt relieved when she shook her head.

"Eh bakit po wala sila Maam?", tanong ko.

"You didn't know? Akala ko nga eh kasama ka sa trip nila kahapon kasi wala ka rin sa klase eh", nagtatakang tanong ni Maam Kath.

"Hindi po. Wala po akong alam", sabi ko sabay iling.

"Kahapon kasi ay nagbabalak pala ang mga kaklase mong pumunta sa falls na malapit lang dito. Iilan lang talaga yung may gusto pero pinilit nila ang iba kaya napasama ang iba mong kaklase. Kahapon ay pito lang daw ang nandito. Hindi sumama ang iba dahil alam nilang mapanganib ang pumunta doon kaya nagdahilan sila na masakit ang tiyan o may gagawin"

Wala talaga akong alam!! Napatunganga na lang ako at nanlalaki ang mata habang nakikinig. I can't believe this....

"Pero sinabi nung pito sa amin na yun ang plano nila kaya agad namin silang hinanap. Pero huli na kami dahil nakita naming nalulunod na sila", napatakip ako sa bibig ko. Hanla... Maging si Maam Kath ay nalulungkot at dismayado rin ang mukha. Nagbuntong hininga muna siya bago nagpatuloy.

"3 ang naabutan naming patay na, 15 ang sinugod sa ospital pero may 2 kanina na binawian na rin ng buhay. 4 pa ang hinahanap hanggang ngayon. Yung pito ay pina absent ko na lang kahapon kasi wala namang makakapag klase sa kanila. We're busy investigating", nag-aalala at nanghihinayang si Maam Kath habang nagsasalita.

Smile, Selena [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon