*Once upon a rooftop*

419 21 6
                                    



Chapter Two

I know I haven't made your mind up yet

But I would never do you wrong

I've known it from the moment that we met

No doubt in my mind were you belong.

I could make you happy

Make your dreams come true

Nothing that I wouldn't do

Go to the ends of the Earth for you

To make you feel my love.


Adele/ To Make You Feel My Love


===

SSP

It's the first day of Junior year. Let's get started.

"Dahan Dahan lang ha. Baka magising ang prinsipe."

"Sabihin mo yan sa sarili mo. Baka tumili ka na naman dyan."

"Hindi na. Pipigilan ko na. Pramis!"

Lakad. Lakad. Lakad. Dahan. Dahan. Dahan. Nakikita ko na ang katawan ng lalakeng bumighani sa puso ko. Kapag inlove talaga, magiging makata ka. Hihihi.

"Ang gwapo niya talaga kahit tulog."

"Oo na lang."

"Nakikita mo ba yong notebook? Lagi niyang dala yan. Hmmmm. B1 naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Oo B2. Subukan mo lang gawin at iiwan kita dito."

"Kainis ka naman bakla. Titingnan ko lang naman kung anong laman eh."

"Alam kong sa lahat ng titingin ikaw ang magbabasa."

"Eh Baka kasi pini-Flames niya ako dyan."

"Gising nga. Ikaw ata ang kulang sa tulog eh."

"Basta kukunin ko."

"Bahala ka na nga. Andito lang ako sa likod ng pinto sakaling magbangayan na naman kayo."

Napasimangot ako. Hindi niya pa kilala si Bench. Mabait naman siya eh at hindi niya ako aawayin lalo na ngayon at tulog.

Andito ako ngayon sa rooftop. Dito kasi ang tambayan ni Bench tuwing umaga, recess, lunch, at bago mag-uwian. Trenta minutos sa umaga. Kinse minutos sa recess. Isang Oras sa lunch. Dalawang Oras bago naman siya umuwi. Hindi siya nag-iisa. Lagi ko siyang sinasamahan. Hindi ko alam kung bakit ganito kaboring ang buhay niya. Ang ginagawa niya lang naman ay magsulat habang nakikinig ng musika. Nacucurious talaga ako sa notebook niya. Lagi niya kasi itong dala. Wala namang masama kung titingnan ko diba? Bilang future wife, kailangan kong malaman ang lahat lahat sa kanya. Diba? Diba? Suportahan niyo ako. Huwag niyong gayahin si bakla kong kaibigan na kasalukuyang nasa likod ng pintuan.

"Potchi. Pahiram ng notebook mo ha. Alam mo namang ayokong may tinatago ka sa akin. Diba kapag nagmamahalan kailangan open sa isa't isa?"

"Kainis naman. Bakit ang kapit ng hawak mo? Ano ba talagang laman nito?"

Ang totoo niyan, pinagpapawisan na talaga ako. Kainis. Nakaupo siya habang yakap yakap ang notebook niya. Medyo makapal kasi ito at medyo luma na. Baka napagkamalan niyang ako yung notebook. Mahal na mahal niya talaga ako noh?

"Potchi. Andito naman ako eh." Ang bango niya.

"Yes. Sa wakas nakuha ko na rin."

Breathe in. Breathe out. Napagod ako dun ah. Malalaman ko na rin ang laman ng notebook ng mahal ko. Ansaya lang. Buklaaaaaaaaaattt---------.

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon