* The Truth Is *

374 18 5
                                    

Chapter Six

===

SSP

Then Bench died. End of the story.

"Waaaaaah."

Pinagpawisan ako ng malamig. Ang sama ng panaginip ko. No way. Hindi pwedeng mamatay si Potchi. Paano na lang ang mga naiwan niya? Paano na lang ako? Paano na lang ang magiging anak namin? Paano na lang ang mga pangarap namin?

May masamang babae ang gustong pumatay kay Bench. Isa syang trying hard na manunulat na gustong gustong sumulat ng tragic story. Badtrip. Si Bench pa ang nakuha niyang leading man, tapos pinatay niya pa. Sana pala hindi muna ako gumising para maipaghiganti ko si Bench. Walang hiya kang author ka. Kapag nakilala lang talaga kita. Ipapatapon kita sa Spratly Island.

4:30 na nang umaga. Kailangan ko nang maghanda. Hinihintay na ako ng prinsipe ko sa rooftop.

Naligo na ako at bumaba. Kailangan ko pa ba na isa isahin ang mga gagawin ko? Wala kayong pakialam kasi kahit hindi ako maligo. MAGANDA AKO PERIOD

"Oh. Gising na ang reyna?"

"Syempre. Kailangan nang utusan ang alipin. Asan na ang pagkain Inday?"

"Yak. Kapag katulong Inday agad ang pangalan? Wala kang originality Shirley."

"Sabagay. Para bago naman. Kate na lang. Wala namang masyadong pinagkaiba. Amoy katulong din naman ang pangalan mo."

"Ang sosyal kaya ng Kate. Mas sosyal pa kesa sa pangalan mo."

"Oh talaga? Ipagkalat mo sabay tumbling."

Kumuha ako ng hotdog at bacon sa lamesa. Feeling talaga si bakla. Akala mo naman siya ang nagluluto. Si Nanay Leonora naman kaya. Bestfriend ko nga siya diba kahit hindi halata. Kahit gusto niyang tumulong sa gawaing bahay, hindi ko siya pinapayagan. Baka kasi lalo lang gumulo ang bahay. Hahaha.

Nakita ko siyang inilabas ang ulo sa may bintana.

"MGA KAPITBAHAY. MAS SOSYAL DIBA ANG KATE SA SHIRLEY. NAEXPLAIN KO NA. TATUMBLING NA AKO."

Tapos nagsitumbling nga siya. Anim na beses. Pabalik balik pa.

"*cough* hunyeta ka Kate. Kay aga aga." Nabilaukan ako. Letse. Anong nakain ng babaeng ito at napakahyper ngayong umaga.

"Number 16." Tingnan mo. Inuna pa ang number bago ibigay ang tubig sa akin. Kahit kailan talaga. Oo.

"A-B-C-------P. P?" Oh ano. May sinasabi ka? Anong pakialam mo kung binilang ko din? Mukha mo!

"Sino namang P?"

"Oo nga. Ah. Nakalimutan ko. Si Potchi. Oh my G. Iniisip ako ni Potchi."

"Hanep. Baka mangyari yan. Baka nga mas gugustuhin niya pang isipin ang patay niyang kuko bago ikaw."

"Kapal mo. Walang patay na kuko si Potchi. Tse. Kumain ka na nga lang. Pupuntahan pa natin si Bench sa may rooftop."

"Ikaw na lang. Magbabasa pa ako. Naiiyak na nga ako eh. Pinatay kasi yung isang bida para bigyang daan ang bagong pagmamahalan. Ang astig diba?"

"Kailan ka pa natutong magbasa ng love story? E diba man hater ka? Isa pa, wag mo ngang mabanggit banggit ang patay. Patayin kita dyan eh."

"Man hater ako. Pero hindi ibig sabihin nun. Hindi na ako marunong magbasa. Bakit ba badtrip ka kay aga aga!!!"

"Eh kasi nanaginip ako na patay na daw si Bench. Grabe lang talaga."

"Oh talaga? Edi masaya. Wala na akong baliw na kaibigang magpapantasya sa isang Benjamin Padilla. Pero malabo. Baka kasi kahit nasa puntod na siya mamahalin mo pa rin siya. Woah. Kinakalabutan ako."

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon