* Si Lexsha ang Dakilang Bruha *

378 19 4
                                    

Chapter Four

===

SSP

"Good morning class."

"Good morning Mr. Caldo. Mabuhay."

Oh wag niyo nang tanungin kung bakit kilala namin siya. Sa tagal namin sa unibersidad na ito. Gasgas na gasgas na ang mga pangalan nila sa kakatawag. Kung tinatanong niyo naman kung kilala kaming mga estudyante. Malamang hindi lahat pero syempre kilala ang mga sikat at may-ari ng unibersidad na ito. Si Kuya DJ at si potchi. Malamang ako din. Walang hindi nakakakilala sa ganda kong ito.

"Okay class. I will be your adviser and your teacher in English. To those who seemed don't know my name. I am Mr. Arroz Caldo."

"Hahahaha. Sir nagutom ako sa pangalan niyo." Andre, isa sa mga pasaway sa klase.

Ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan ni sir. Tumawa naman kaming lahat. Hahaha.

"Detention Mr. Garcia."

"But sir--"

"No buts. Get out of my class now."

"Fuc*"Binulong na lang ni Andre pero rinig namin dito banda sa likuran. Hahaha. Kawawa naman si Drey. Actually close kami nyan.

Tiningnan ko si Bench. Ayun, hindi maalis alis ang poker face. Nakakatawa naman talaga ang pangalan ni sir ah. Nakakatawa din si Andre. Bakit di siya natawa? Nag-aalala na talaga ako sa mahal ko.

"Potchi. Okay ka lang?." Magkatabi nga kasi kami diba? Kaso hindi ito permanente, kasi may ibang titser na gusto alphabetical ang sitting arrangement. So laos. Wala na bang bago?

He came closer to me. Itutuloy na ba namin ang eksena sa rooftop? I'm so kinikilig.

"Potchi. Wag dito. May klase pa. Mamaya na lang sa rooftop."

He raised his eyebrow. Ilang beses niya bang gagawin yan? He's so damn hot!

"What the hell are you saying?" I smell his breathe. So fresh. So cool. So mabango.

"Don't think too much. Isa pang tawag ng Potchi at kakalimutan kong babae ka." Tapos linayo niya na ang sarili niya sa akin.

"Galit ka ba kasi hindi kita nabantayan kanina? Potchi naman kasi may humarang lang na haliparot sa may labas ng classroom natin." This time ako naman ang lumapit sa kanya. As in super lapit. Hindi ako natatakot sa sinabi niya kanina. Tumingin siya sa ibang direksyon. Sinasabi ko na nga ba nagtatampo lang ito eh.

"Please don't talk to me. Just in five minutes." Mahinahon niyang sabi sa akin habang hindi pa rin nakatingin. Okay five minutes. Malakas ka sa akin Potchi. Walang problema.

I took my phone and alarmed it. Time check:7:40; 7:45 mag-uusap ulit kami. Yeyyy❤️

"By the way class, we have our transferee. Come in ija."

Babae siya. Sana panget. Sana panget. Para hindi makakuha ng atensyon ni Bench. Hoy mga utak niyo. Hindi ako insecure, slight lang.

Ano ba yan. Lord bakit ang ganda niya? Mabuti na lang talaga Lord at walang tatalo sa ganda ko. Thank you pa rin po pala.

"Hi. My name is Alexie Ilacad. Lexie for short. Let's all be friends."

Okay. I don't care.

"Bakit ka pa lumipat dito?" I asked.

"Ms. San Pedro. What kind of question is that. So humiliating."

"Mr. Arroz Caldo. If you don't want to be eating. Let me question be answereds." I said. Magalang ako mga kaibigan, gutom lang.

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon