* Ang masamang side ni Shirley BOW*

452 20 4
                                    

Chapter Three

===

Kate Pineda

"Uy bakla. Bilisan mo nga. Baka napano na si Bench, my potchi."

Naku Naku Naku. Ang sabi ng pabo. Ilang beses na ba akong pinagmamadali ng babaitang ito? Pansin niyo? Ito lang ang role ko dito? Pero okay na rin kesa bigyan pa ako ng lovelife ni author. Ayokong sumakit ang ulo ko, lalong lalong ayokong mapeklatan ang puso ko. Tama nang si Shirley lang ang TANGA sa pag-ibig. Minsan nga tinatanong ko kung bakit ko siya naging kaibigan eh. Pero mali pala ang tanong ko kasi bago pa kami naging magkaibigan ay hibang na siya kay Benjamin. It's Benjamin all along, before I came into her life. Shi*. I hate dramas. All I can do is to support her? No, I can't do that. Siguro mag-aaral na lang ako ng Psychology tapos itutuloy ko bilang Psychiatrist as my second degree. Mahirap na baka matuluyan sa pagkabaliw si Shirley.

Kailangan ko pa bang magpakilala kung nakikisingit lang ako? At alam kong inis kayo sa akin kasi hindi ko sinusuportahan si Shirley sa mga pangarap niya daw kuno. Nakakakilabot kaya. Kailan pa pinangarap ang isang lalake. Dapat ang mga pangarap ay makapagtapos ng pag-aaral o kaya nama'y maging maginhawa ang buhay. Sasaktan lang kayo ng mga lalake. Hindi talaga ako maiinlab! Never!

Andito kami ngayon sa tapat ng classroom. I was amazed how we got here in just a minute. Knowing na malayo ang building ng elementary sa high school. Bilib na talaga ako kay Shirley. Athlete din kasi siya kahit sossy tingnan kasi nga nagpapaganda kay Benjamin. Maganda na kaya siya, mas maganda nga siya sa akin eh. Masyado lang talaga siyang hambog. Sorry for the word Shirley. Don't think I'm a kind of backstabber or plastic friend cause I'm not. Sabog na ang eardrums ni Shirley sa masasakit na salita galing sa akin and I know that she was used to it.

"Ang gwapo talaga ni Benj. Oh my gotchi."

"Mr. Papable. Para talaga siyang si Kuya DJ."

"Ano ka ba kaya nga Teen Prince siya diba? Next Daniel Padilla kasi."

"Let's get married Benj. Ako na ang sagot sa lahat."

"Masarap ka kaya---"

Oh no. I smell war. The side of a monster Shirley is going to explode.

SSP

Grrrrrrrrr. Ang aga aga sinisira ang araw ko ng mga impaktitang gurang na kala mo kaygaganda. Puno naman ng water color ang mukha sa sobrang hindi ko magets kung makapal ba o manipis ang make up. Pakialam ko sa mukha nila na parang abstract. Mas matanda sila kay Bench pero kung makaasta parang magkasing edad lang sila. Tapos eto namang freshmen at sophomores, kung makatili parang kinikiliti sa (censored). Mag-aral muna kayo bago landi. Ako lang may karapatang landiin si Bench. Kung tinatanong niyo kung nagseselos ako? Malamang ako kaya ang asawa ni Bench... sa future. Maghintay lang kayo.

"Sinasabi ko na nga bang may mga impaktitang gugulo kay Bench eh." Binulong ko kay Kate.

"Then go."Naloka ako sa sagot niya. Hindi niya ako pinigilan. Mukhang good mood na si bakla. Mas lalo tuloy akong ginanahan na ipamuka sa mga impaktita na ito kung sino ang kinakalaban nila. Walang iba kundi ang tunay na nilalaman ng puso't isipan ni Bench. Ako yon at wala ng iba. Akin lang si Benjamin Aguas-Padilla.

"Hoy mga gorang. Umalis nga kayo sa tapat ng bintana. Nahaharangan niyo ang magandang view." Ako habang kinakausap ang mga fourth year students na malalandi. Sila muna ang inuna ko.

"Hindi kami malandi. Say it to yourself." They just raised their eyebrows. Taray. Hindi sila natinag ha.

Pero. Ano daw? Say it to yourself? Hindi naman ako ganun kabobo sa English para hindi malaman ang ibig sabihin non.

"Transferee ba kayo? New student? Hindi niyo ba nakikilala ang magandang mukhang to?" Me as I put my hand on my chin like what Vice Ganda's doing.

"Kilalang kilala ka namin. Shirley San Pedro, diba. Ikaw lang naman ang naghahabol kay Benj at nagsasabing boyfriend mo siya. At ang mas malala pa ay asawa mo siya. Sa tingin mo sinong mas malandi?."

Aba at sumusobra na tong isang to. Asan na si Kate para pigilan akong manapak. Pumasok na nga pala sa loob ng classroom, at kasalukuyang nakaubob. Kaibigan ko talaga oh.

But I'm the one and only Shirley San Pedro na hindi nagpapatalo sa mga morons at retarted na katulad nila. Pasalamat sila at pinatulan ko pa sila.

I came closer to them and smiled sweetly. Nagitla sila dahil sa ginawa ko.

Celquestin

Trina Legaspi

Amanda Cheon

Karen Reyes

Royal Mendez

Yes. Tiningnan ko ang ID nila to know their names. And I know what I'm going to do. Magsisimula na rin kasi ang klase and I don't have enough time to have a debate with them.

I dialed Kuya DJ number. Naalala ko tuloy yung narinig kong may tumawag sa kanya as Kuya DJ galing sa mga haliparot na ito. Akala mo naman close sila.

"Yes baby?" I smiled. Ang sweet talaga ni Kuya DJ.

Naexcite tuloy akong makita ang ganitong side ni Potchi. Magkapatid sila diba? Kaya may pag-asa pa si Bench. Nahihiya siguro siya sa akin. Nahihiya siyang ipakita ang tunay na nararamdaman niya. Bench, sabihin mo lang "mahal mo ako." Magpapakasal na agad tayo. ^_^

"Hi Kuya DJ."Isinigaw ko para marinig ng mga gorang na ito. Kung kanina ay nagulat sila, ngayon naman ay literal na lumaki ang mata at mukhang natatae dahil sa kaba.

"Can I have a favor?" Dagdag ko.

"Anything from my baby."

"May grupo kasi ng mga kababaihan dito na inaaway ako."

"Tell me their names at ako na ang bahala. Sige may klase na rin e."

"Sige Kuya. Bye. Labyu."

Tiningnan ko ulit sila. Ngayon naman mukha silang naiiyak na.

"Next time, kilalanin niyo muna kung sino ang makakalaban niyo. Good luck on this day."

Nagsitakbuhan na sila. Hahaha. Ang galing ko talaga. Now, it's time to face the lower class, I mean lower years.

"Hi"I waved my hands to them.

"Oh bakit kayo nagsitakbuhan lahat? I'm not a monster."

Napangiti na lang ako. Go run. You better run. Maaliwalas na ang paligid. Wala ng mga asungot sa labas ng classroom. Pumasok na ako at kumunot na naman ang noo ko.

Na naman. Part two ba ito?

Pinalibutan kasi si Bench ng mga gunggong kong mga kaklase. Nakakainis na talaga.

"Umalis nga kayo sa tabi ni Potchi."

Nagulat silang lahat at napatingin sa akin while Bench wore his poker face. Umalis naman silang lahat.

"Okay ka lang ba potchi?"

"."

"Sorry ha. Hindi kita nailigtas sa mga haliparot na mga babaeng iyon."

"."

"Naiintindihan kong napagod ka kaya okay lang sa akin kahit hindi mo ako kausapin."

"."

(Tok tok Tok)

"Good morning class." And our teacher came in.

(A/n: "." Dejokelang. Hindi ako si Benj. Ang masamang side ni Shirley bow. Sorry sa late UDs.)

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon