Shirley The Forever Miss Universe

460 19 7
                                    

Chapter Five

===

SSP

"Oy nabalitaan niyo na ba na lumipat na ng ibang school sina celquestin at ang grupo niya?"

"Naman. Dapat kasi hindi nila binabangga ang isang Shirley."

Napapangiti na lamang ako sa mga naririnig ko. Ayan. Mabuti naman at nagsilbing leksyon sa inyo ang nangyari sa kanila.

"Ah si Shirley na dakilang linta na laging sipsip kay Teen King o kaya naman ay aso na laging nakadikit kay Teen Prince. Hahahaha."

Kung bida lang ako sa anime nakikita niyo nang umuusok ang ilong ko. Puta. Anong karapatan nilang kwestyonin ang pagmamahal ko kay Bench? Nasira na nga ang araw ko kasi hindi ako nagising ng maaga na naging dahilan kung bakit hindi ko napuntahan si Bench sa rooftop tapos lalo pa nilang bibwisitin ang araw ko? Aba matinde!

"Hoy mga kutong Lups kung ayaw niyong magaya sa kanila bawiin niyo ang sinabi niyo." Yan masindak kayo. Mga tsismosa. Kailan pa pinag-uusapan ng negatibo ang isang duos ang katulad ko?

"Pasensya na po. Binabawi na po namin."

"Ge. At magsiluhod kayo mga alipin."

"Sumusobra ka na ata." O andito na pala ang ever-supportive kong bestfriend.

"Aray naman. Eekstra na nga lang sa eksena mambabatok pa. Ito na lang ba palagi ang role mo dito?"

"Aray. Isa pang batok at kakalimutan kong---"

"Kakalimutan mong bestfriend mo ako. Ganon?"

"Hindi. Kakalimutan kong ililibre pa kita mamaya."

Nakakainis talaga itong bestfriend ko. Wag niyo nang itanong kung bakit kami nagkasundo. Hindi kami nag-aaway. Sense of loving lang.

"O sige. Luhod. Aish. Kainis ka naman Kate eh. Tumakbo na naman. Hindi pa nga lumuluhod. Sino ba kasing nagsabi sayo na lumabas ka na agad? Wala pa ngang sinasabi si author eh. Dapat nagbasa ka muna ng Right Here ni aiegnshar. Mas maganda pa."

Ewan. This is the first time na nagalit ako sa kanya. Umalis na ako at pumunta na ng classroom.

"Tabi nga. Ang laki mong harang. Litsi. Pisti." Kausap ko ngayon ang baboy na nangangalang Fatty Acid. Ang weird niya na nga, ang weird pa ng pangalan. Oh well, wala na akong pakialam.

"Ang sungit mo. Meron ka ba?"

"Anong pakialam mo. Ikaw ba bibili ng napkin ko? Sasahudin mo ba ang dug--"

"Yak." Silang lahat. Ano na naman ba? Kay aarte. Aahhhhhh. Worstest day ever!!!

Umupo na ako. Wala pa si Bench. Nasaan naman yun? Wala pa din si Lexsha. Bakit ko siya hinahanap?

"Oy best. Sorry na. Bati na tayo please." Sabi ng magaling kong bestfriend. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako galit. Slight lang.

"Wag kang magpout. Di bagay sayo."

"Sige na please."

"Wag kang magbeautiful eyes. Ang panget mo."

"Ano ba yan. Sige na nga. Lahat ng gusto mo gagawin ko patawarin mo lang ako."

"Talaga?"

"Wag ka ngang magpout at mag beautiful eyes. Di bagay sayo at ang panget mo."

"Aba matinde. Baka hindi na talaga kita mapapatawad."

"Joke. Hindi na mabiro. Ano na ang kondisyon?"

"Tatanggapin mo si Bench bilang mapapangasawa ko."

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon