*Second Move*

289 20 3
                                    

Chapter Eight

===

SSP

Maganda na ako. Ano bang bago? Ang tanong paano ko maaaya si Bench? I'm here at my mansion specifically on my bed looking at his room because his window is open. Kapag inlove ba talaga medyo tama ang grammar ko? Lintik na pag-ibig nga naman ito!

Ang magiting kong bestfriend ay umuwi muna sa kanila. Bago nga umuwi binatukan muna ako. Baka sakaling matauhan daw ako. Para saan naman daw yun? Tapos kung hindi lang daw talaga siya pinapauwi sa kanila, hindi raw siya uuwi. How sweet diba? Kaso nung narinig ko ang dahilan, nagdalawang isip ako. Paano ba naman pipigilan niya ang plano kong ligawan si Bench. Mabuti na lang talaga at umuwi siya sa kanila.

~mahal kita, mahal kita Bench, hindi to bola~

Oh my phone rings. Yes that is my ringtone. At syempre ako ang kumanta. Ang cute diba? Ganda pa ng boses ko!

Kuya DJ? Si Kuya DJ? Bakit naman kaya?

*start of convo*

Yes Kuya?

(Hi Baby. Balita ko pumunta ka sa salon ni Kiray?)

Opo. Kanina lang.

(Balita ko rin na kumuha ka rin ng madaming damit sa boutique ni Julia?)

Kanina rin. Bakit ba Kuya?

(Balita ko rin na nagpadeliver ka ng bulaklak, chocolates, at pati gitara?)

Kuya DJ naman eh. Diretsuhin mo nga ako.

(Balita ko rin na lilogawan mo si Bench at magsisimula ngayong araw?)

Kuya DJ naman eh. Pati ba naman ikaw hahadlangan ako. Akala ko ba baby mo ako?

(No baby. Ang sa akin lang ayos na ba ang lahat? Wala na bang kulang?)

Really? Kuya hindi ka--- Kakampi kita?

(Oo naman. Hindi ako papayag na hindi kita maging sister-in-law.)

Yes naman Kuya. The best ka talaga.

(Ako pa. Titigil lang ako kapag sobrang nasasaktan ka na. Okay lang naman kasi masaktan dahil dyan tayo natututo pero kapag sobra na. Tama na rin. USO ang pahinga.)

Kuya hinding hindi ako masasaktan.

(Sabi mo eh. Basta andito lang si Kuya ha.)

Alam ko po.

(Oh kamusta ang preparation?)

Okay na okay. Iisa na nga lang ang kulang eh.

(Ano naman?)

Hindi ano. Sino! Kuya si Bench. Tulungan mo naman ako yayain siya.

(Ako ng bahala. I'll text you na lang. Paganda ka na.)

Salamat Kuya. And don't worry matagal na akong maganda. Bye.

That's the spirit. Bye.

*end of convo*

Ang ganda ng ngiti ko mas maganda pa sa mga kuko niyo. Pero hindi ibig sabihin na ang ngiti ko ay maikukumpara lang sa mga kuko niyo. Basta wala lang ako maisip. La ka pake!

At katulad ng sinabi ni Kuya DJ. Nagpaganda na ako kahit alam kong maganda na ako. Paki mo kung paulit-ulit. Eh totoo naman.

Nagpractice na rin ako ng kanta gamit ang gitara. Ang sakit nga sa kamay eh. Nagkasugat sugat pa nga ako pero dahil si Bench ang pinag-uusapan dito. Hindi ko na ininda. Pati ata daliri ko inlab sa kanya eh. Hihihi.

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon