Hey guys! Eto na ang Chapter 3. Sana po suportahan niyo ang story na to. May inilagay po akong kanta dito para mas feel niyo ang pagbabasa. NaLSS kasi ako dyan eh. HAHAHA. Enjoy reading!<3 :D
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa yun, natapos na kaming kumain. Ang daming kwento nitong si Renzo. Hindi nauubusan eh.
"hatid na kita. San ba ang inyo?" sabi ni Renzo.
"Naku. Wag na Renzo." sabi ko naman.
"I insist. Hinatak kita dito sa Mcdo tapos maggagabi na din oh. Baka mapano kapa dyan sa daan."
"Pero.."
"Wala nang pero pero. Tara na."
So yun taxi kami tapos pagkadating namin dun sa village namin, maglalakad na lang kami.
Tristan's POV
Dito ako ngayon sa basketball court. Bagong lipat lang kami dito eh. Kaya wala pa akong masyadong kilala. Si Renzo lang. Dito din sila nakatira eh. Medyo malayo nga lang ang bahay nila sa bagong bahay namin. Nagbabasketball ako mag isa. Oh diba parang eng eng lang. HAHA. Si Renzo naman kase ayaw mag reply. Nanchichicks na naman yun. Magkasama ata sila ni Yel eh.
Ako nga pala si Tristan Marco Villacruz. 16 years old. Hindi naman ganun katalino. Pero gwapo. HAHAHA. Aminado naman ako. Minsan nga nakakainis yung mga babaeng sunod ng sunod sakin. Kaya minsan kinukulit ko na lang yung si Yel. Ang sarap niya asarin eh. :))))) para hindi na makalapit yung mga babaeng yun. May pagkasuplado daw ako, sa iba oo pero sa mga kaibigan ko hindi. Mabait naman ako ah. HAHA. I had a first love. Medyo ayoko siya pag usapan. Galit ako sa kanya. Basta. Ayoko pa siya makita ngayon. Hay. Kagutom naman. Ayun! May fishball! :D
"Manong magkano fishball?" Si Renzo yun ah. Kasama si... si Yel ba yun?
"singkwenta sentimos lang ang isa iho."
"10 pesos nga ho."
"Ang takaw mo ah." Si Yel nga yun.
"Share naman tayo dito" mapuntahan nga yung dalawa. Makapagpalibre. HAHA.
"Oy Renzo!" sabi ko.
"oy pre!"
"Baket kasama mo yang babaeng yan?" tanong ko kay Renzo. Halatang naaasar si Yel. HAHAHA.
"Ihahatid ko siya sa kanila eh."
"Ahhh. Oi libre naman. Oi Yel, mayaman ka alam ko!"
"Mukha mo! Wala akong pera." sabi niya. Ang sungit talaga. Pero cute :))))))
"Wushuuu. May pera ka eh alam ko!"
"Wala nga ang kulit mo!"
"Pre, nakalipat na pala kayo?"
"Ah oo, kakanina lang."
"Nice."
"Dito ka ttira?!" sabi ni Yel.
Lumapit ako sa kanya sabay sabing:
"Oo. May reklamo ka?"
Yel's POV
"Oo. May reklamo ka?" Argggghh. Nakakainis ang lalaking to ah. Bakit kasi ang amo ng mga mata neto?
HUH? ANONG PINAGSASASABI KO? ERASEEEEEEEEEE. >.<
Inirapan ko naman siya tapos biglang tumawa ng malakas. Problema nito?
"Problema mo?"
Kinurot niya ako sa pisngi.
"ARAAAAAAAAY! MASAKIT! LANGYA KANG LALAKI KA!"
"Oy kayong dalawa dyan. Para kayong bata." sabi ni Renzo. Ayy. Onga pala kasama namin si Renzo. Nakalimutan ko tuloy. Are kasing lalaking are. -.-"
"Nakakatuwa naman kayong dalawa. Magsyota ba kayo?" sabi ni manong. Kami ba ni Tristan ang tinutukoy niya?
"HINDI HO!" sabay pa talaga kami. ARGGGH. >.<
Tapos bigla akong inakbayan ni Renzo. O_________________O
"Manong, kami hong dalawa ang mag syota." WHAAAAAAT?!
Siniko ko siya.
"Aray!"
"Anong magsyota ang sinasabi mo?! Dyan ka na nga."
"Teka Yel!" winalk outan ko na yung dalawang lalaking yun. Akala ko pa naman iba si Renzo kay Tristan. Hindi nga nakakapagtaka na magpinsan sila. Pareho ng ugali. Nakakaasar. Naku naman. Dumidilim na. May mga naglalasing pa naman dito ng ganitong oras. Natatakot tuloy ako. Wala pa namang ibang daan kundi dun.
*sign of the cross* LORD. SANA WALA YUNG MGA NAGIINOM. >.<
"Oi Miss!" Naku. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Wag kang titingin Yel. Wag mo nalang silang pansinin.
"Miss halika dito!"
Sige. Lakad lang. Lakad.
"Miss!" Nakupo. Jusko. Hinarangan na nila yung daan. >.<
"Bingi kaba Miss? Sayang naman ang ganda mo pa naman."
HALA. YAN NA SILA. HEEEEEEEEEEEEEEELP! >.<
"Tigilan niyo nga siya."
HUH? SINO YUN? Pag tingin ko sa likod ko..
It's Tristan. O.o
"At sino ka naman?"
"Wala na kayong pakialam kung sino ako."
"Ang yabang nito ah!"
Susugudin na sana at susuntukin nila si Tristan pero may pumigil. O.O Si Renzo.
"Okay lang kayo?"
"Buti naman at sumunod ka pre. Kelangan ko ng sidekick." Natatawa pang sinabi ni Tristan. Hello nandito po ako! -.-"
"Sidekick ka dyan. Tristan ihatid mo na si Yel ako na bahala dito."
"Sige pre. Salamat."
Hinila ako ni Tristan tapos tumakbo na kami. Tumakbo kami hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay namin. Ano kayang nangyari kay Renzo?
"Kaya ba ni Renzo yung mga yun?"
"Wag kang magalala. Siya na bahala sa mga yun. Ikaw naman kase eh, magwowalk out ka hindi mo naman pala kayang umuwi magisa." Okay. Ako pang nasisi. -.-"
"eh malay ko bang nandun yung mga yun."
"Sa susunod wag kang uuwi ng mag isa. Bakit ka ba kasi nag walk out?"
"Nabadtrip ako dun sa sinabi ni Renzo kay manong."
"Sus. Alam mo ba na madaming nagkakagusto kay Renzo? Swerte mo nga eh. Dapat proud ka."
"Shunga ka talaga eh noh? Hindi ako ganung babae." Totoo naman kasi eh. -.-"
"Ewan ko sayo!"
"Ewan ko din sayo! Sige na good night!" sabi ko tapos pumasok na ko ng gate. Iniwan ko na siya dun. Pang asar talaga yung lalaking yun. Grabe ang nangyari ngayong araw na toh. Haaaay. I need a rest. Good night peeps! :D
BINABASA MO ANG
This love is OURS♥(Ongoing series)
Romance"People that are meant to be together always find each other in the end." Paano kung mainlove ka accidentally? Pero hindi mo pwedeng ipursue yung love na yun dahil madaming hadlang sa inyo. Madaming kumokontra, madaming may ayaw at madaming masasakt...