Chapter 12 *Siya na gwapo. -___-*

64 0 0
                                    

Hey guys. Sorry kung medyo slow update ako ngayon. Ang dami kasing projects eh. Sobraaa. Pero hindi ko naman iiwanan ang storyang ito. Ipagpapatuloy ko pa din to hanggang sa dulo ng walang hanggan. JOKE. XD Hanggang matapos ko. :)) Salamat sa lahat ng nagbabasa. Enjoy reading. Chapter 12 na tayo! :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" sabi ko sabay walkout. Pang asar talaga yung kabuteng yun.

-______-"  

"Huy teka Yel! Sabay na tayo!"

"Wag na wag kang susunod sakin!"

"Yel!"

Sige Yel. Lakad lang. Wag mo siyang papansinin. Tsss. Nakakairita talaga. Bakit ba lagi nalang kaming napapagkamalang magsyota? Nakuuu. Kung yan lang din ang magiging syota ko, magmamadre na lamang ako. >.<

 Hanggang sa makarating ako sa bahay namin, kasunod ko pa din siya.

"Uwi na!"

"Iintayin kiyang makapasok."

"Anla. Umuwi ka na!"

"Ayoko."

"Bahala ka sa buhay mo." 

Papasok na sana ako pero biglang lumabas si Kuya. O__________O

"Yel?"

"Kuya."

Hinila na lang ako bigla ni Kuya papalapit sa kanya tapos bumulong siya sakin.

"Bakit kasama mo yan ha?"

"Nako kuya. Sunod ng sunod sakin yan. Ang kulit."

"Nanliligaw ba sayo yan?"

"Hindi ah!"

"Pauwiin mo na yan."

"Opo Kuya."

Lumapit naman samin si Tristan.

"Excuse me po, una na po ako. Bye Yel."

"Bye."

Then yun. Umalis na si Tristan.

"Bye Yel pala huh."

"Kuya naman!"

"Ma, pa! Si Yel oh!"

"KUYAAAA!"

Nagunahan pa kami ni Kuya papasok ng bahay. Inaasar pa ako ni Kuya. Nakakainis toh!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga akong nagising. 5:00 pa lang. Pero hindi na naman ako inaantok. Yaan na nga, pupunta na lang ako sa school ng maaga. Naligo at syempre nagbihis na ako. 5:30 umalis na ako sa bahay. Tulog pa nga si Kuya eh. Pati sina mama at papa. Ang lamig naman! Nakalimutan ko ang jacket ko! >.<

Teka, si Tristan ba yun?

Si Tristan nga.

"Psst! Tristan!"

Aba. Deadma?

"Hoy Tristan!"

Ay. Bingi? 

"TRISTAN!"

Abaaa. Deadma talaga? Malapitan na nga toh.

"Hoy Tristan!" tumingin siya sakin at tinanggal niya yung earphones niya. Kaya naman pala hindi ako marinig.

"Aga mo ah. Anong kelangan mo?" tanong niya.

"Wala naman. Haha."

"Tsss. Pinagbibintangan mo akong sunod ng sunod sa yo pero ikaw naman ngayon tong lumalapit sakin. MAY GUSTO KA NA SAKIN NOH?!"

 "WHAT?!"

"NAKOO. YEL! UMAMIN KA NA KASE! MALAY MO MAY PAGASA KAPA!" sabi niya sabay kindat. NAKOOOOO! ANG KAPAL TALAGA NG PAGMUMUKHA NG KABUTENG TOH!

"Ewan ko sayo!"

"Eto naman. Nagjojoke lang ako!"

"Bahala ka sa buhay mo." 

Awkward silence O___________O

6:00 nakarating kami sa school. Hanggang sa school, tumahimik siya.  Bah. Buti naman :)))))) Sa classroom na muna kami tatambay. Maaga pa naman eh. Ang dilim pa nga. Wala pang masyadong tao. Kung may tao, yung mga maintenance lang.

Umupo si Tristan dun sa isang sulok. Inaantok ata toh.

"Hoy dito ka kaya."

"Ayoko nga!"

"Bahala ka! Mamaya may katabi ka nang babae dyan. Nakaputing damit!"

WAAAAAAAAAAA? TAKOT AKO SA WHITE LADY! ANG DAMI PA NAMANG GHOST STORIES DITO! >_______________<

Napatakbo naman ako sa tabi ni Tristan. WHEW. Ang lamiiiiig. >_____< Buti pa nga to eh, may dalang jacket.

 Bigla ko na lang naramdamang ipinatong niya sa balikat ko yung jacket niya. O.o

"Bakit kase hindi ka nagdala ng jacket."

"Malay ko bang malamig dito."

"Wag mong dudumihan yan! Mahal ang bili ko dyan!" Halata nga. Ang ganda eh, varsity jacket.

"Oo na!"

"Haaaaaaay. Kaantok!"

"Tulog!"

Umubob siya. 

Haaay. Wala nako kausap.

6:15 pa lang. -________-"

BOOORIIIING.

"Tristan?"

Tulog na nga ata toh.

Nagkaroon ako ng chance na titigan siya.

Ang gwapo pala talaga neto.

Ang haba ng pilikmata niya.

Ang tangos ng ilong.

Kissable lips.

HOY YEL! TIGILAN MO NGA YAN! >_______<

Pero hindi nga. Gwapo pala talaga siya. Halos perfect na nga eh.

"Inlove ka na niyan?!"

O________________________O Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"WAAAA. AKALA KO TULOG KA?!"

"Hindi ako makatulog eh. Ano, bakit mo ako tinititigan ha?" natatawa pa niyang sinabi. Errrrrr.

"Hindi kita tinititigan noh!"

"Wushuuuu.. Huli ka sa akto eh. Inlove ka na sakin noh!" ARRRGH! >______<

 "Hindi noh!"

"Weeeh? HAHAHAHA. Aminin mo nga sakin Yel, nagagwapuhan ka sakin noh? Aminin mo!"

Oo. Nagagwapuhan ako sa kanya!

"Oo na!"

"WAHAHAHA! SABI NA EH! GWAPO AKO! HAHAHAHA!" tapos pinisil niya ang pisngi ko.

"ARAAAAY! TRISTAN! BWISIT KA!" -________________-"

"Ang cute cute mo!" sabi niya. O___O

This love is OURS♥(Ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon