Habang tinatype ko tong chapter na to. Umuulan at malamig. At nagsesenti mode ako. HAHAHAHA. So eto na po ang Chapter 14. Enjoy!<3 :D
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huyyy! Ano ayos ba?"
HUH? O______O Natulala na pala ako.
"Ahh..eee.. O.. Oo. Ayos."
Ngumit lang siya sakin tapos nakipaglaro na dun sa mga bata. Akala ko ba hindi mahilig sa bata tong lalaking toh? Ang labo niya huh.
Lumapit na din ako para makipaglaro.
"Hoy. Akala ko ba hindi ka mahilig sa mga bata?"
"Yung mga batang sobrang kulit ayoko pero okay naman pala sila eh. Ang kukyut nga nilang lahat."
"Tssss."
May lumapit sakin na isang cute girl. Ang cuuuteee :D Para siyang manika.
"Ate Yel. Ang ganda ganda niyo po. Gusto ko paglaki ko kasing ganda niyo ako."
Awwww. HAHAHAHA. Flattered naman ako. Maganda pala ako? XDD
"Nako. Oo naman. Mas maganda ka pa sakin paglaki mo. Anong name mo?"
"Cheska po."
"Ang cute cute mo naman Cheska."
Tristan's POV
Ang cute ni Cheska at Yel. Para silang mag ina. Hahahaha. :))
"Kuya Tristan, girlfriend mo po ba si Ate Yel." sabi nung isang batang lalaki.
"Ssssh. Oo pero hindi pa niya alam."
"Bakit hindi pa niya alam?"
"Hindi ko pa sinasabi eh."
"Ang gulo mo naman Kuya."
Lumapit samin si Yel. Patay. x)))
"Anong hindi ko pa alam?"
"Girl----"
"Aaah! Wala. Wala yun Yel." Whew. Muntik na ako dun ah. Ito naman kasing batang toh.
"Ano nga yun?"
Kinagat nung bata yung kamay ko.
"ARAAAAY. Bwisit kang bata ka!"
"Girlfriend ka daw po ni Kuya Tristan!"
"WHAT?! Tristaaan!"
"Joke lang. HAHAHA."
Yel's POV
Tumakbo si Tristan tapos hinabol ko siya sa buong room. AAAAH. Ang bilis namang tumakbo neto. -_________-"
"YIEEEE. KUYA TRISTAN AT ATE YEL!"
Hala. Sige. Takbo pa Yel. Takbo! Haaaay. Pagod na ako. -_________-"
"Pagod na ako."
"Hindi mo naman ako kayang habulin eh. Mabilis ata to."
"Tse."
Tawa naman yung mga bata. Hahaha. Natatawa na lang din ako eh. :))))
"Wow. Mukhang masaya kayo dito ah."
Renzo? O.o
"Renzo?"
"Oh pre. Anong ginagawa mo dito?"
"Ang boring ng kapartner ko eh. Silang dalawa na bahala dun. Dito muna ako kung okay lang."
"Oo sige. Mas masaya tayo pag nandito ka." sabi ko. :)))
"Ate sino siya? Boyfriend mo din?"
"Ha? Nako. Hindi ah. Hindi ko sila boyfriend. Kayo talaga. Ang bata bata niyo pa. Ganyan na agad mga alam niyo!"
HALA KA. Ang bata bata pa ng mga to kung ano ano na agad ang iniisip. >.<
Tumingin ako kay Renzo at Tristan. Natatawa sila. K. >.<
"Yel, namumula ka." bulong sakin ni Renzo.
"Ha?"
"Yel, okay ka lang?" tanong ni Tristan.
"Oo. Okay lang."
"Hi Kids. Ako nga pala si Kuya Renzo niyo. Kaibigan ako ni Kuya Tristan at Ate Yel niyo. Okay lang ba kung samahan ko kayo?"
"OPOOOOO!"
Lumapit na si Tristan at Renzo sa mga bata. Grabe naman tong dalawang to. Pagkakaisahan pa ata ako ah.
"dalawa na ang boyfriend ko! Si Kuya Tristan at Kuya Renzo!" sabi nung isang girl. Bah. Umaasenso tong dalawang toh ah. Pati bata naiinlove sa kanila. HAHAHAHA.
"Hoy. Hindi kaya! Boyfriend ko kaya sila!"
Abaaaa. Pinagaagawan pa. HAHAHAHA. XD
*Tok tok*
"Excuse po. Pede po kay Ate Yel?" o.O
"Guys. Labas lang ako ha."
Ano naman kayang kelangan nitong girl na toh? Hindi ko naman siya kilala.
"Ate Yel. Pede favor? Ako nga po pala si Rina. 3rd yearpo ako. Pede po ba pakibigay nitong letter na toh kay Kuya Tristan?"
Admirer kaya ito ni Tristan? Bah. Ayos ah.
"Bakit sakin?"
"Napansin ko po kasi na close kayo ni Kuya Tristan eh. Kaya sayo ko na ibinigay. Basta pasabi na iintayin ko po siya. Sige una na po ako. Salamat."
Iintayin? O.o
Pumasok na ulit ako ng classroom.
"Oi Tristan. Halika nga dito."
"Bakit?"
"Oh." tapos inabot ko sa kanya yung papel.
"Ano to?"
"Ewan ko. Basahin mo. Basta pinapasabi sakin nung nagpapabigay niyan, iintayin ka daw niya."
"Ahhhh. Sabihin mo hindi ako pupunta."
HUH? O____________O
"Paano ko sasabihin eh hindi ko naman kilala yun. Saka umaasa yung babaeng yun tapos hindi ka pupunta?"
"Eh sa ayokong pumunta eh."
"Alam mo pumunta ka."
"Ayoko nga."
"Bakit ba ayaw mo?"
"Basta. Ayoko."
"Pumunta ka na. Kawawa naman yung babae eh. Paano kung maghintay siya dun ng matagal?"
"Edi maghintay siya."
"Ang sama mo naman. Pumunta ka na kasi. Tapos sabihin mo yung gusto mo sabihin."
"Okay. Sasamahan mo ako."
"HUH?!"
O_____________________________O Bakit kelangan kasama pa ako? Ano na namang binabalak ng mokong na toh?! Nakoo ha. Kinakabahan ako. >__________<
BINABASA MO ANG
This love is OURS♥(Ongoing series)
Romance"People that are meant to be together always find each other in the end." Paano kung mainlove ka accidentally? Pero hindi mo pwedeng ipursue yung love na yun dahil madaming hadlang sa inyo. Madaming kumokontra, madaming may ayaw at madaming masasakt...