One: Itlog o Manok

113 38 62
                                    

One: Itlog o Manok?

(Intro: Better When I'm Dancing by Meghan Trainor)

Her POV

May debateng nangyayari sa bayan ng San Agustin, at para sa katulad kong aktibista ay kahit saang sulok ng Pilipinas ay paniguradong mayroong katulad namin.

"Bago natin simulan ang debateng bayan na ito ay tumayo ang mga tutol sa dabateng ito?!" panimula ng EMCEE o Host sa mangyayaring debate na walang iba kundi si Mayor Halakhak de Makatawa. Opo, alkade ang tumatayong EMCEE namin, tindi no?

"Ah mayor, debate po ito hindi kasal." pangsisita ng co-EMCEE niya slash bise alkade niyang si Miss Patola Lubaklubakan.

"Ahh oo nga debate pala ito, akala ko may tututol sa kasalan eh-- este debateng ito." tumawa ang ilang manunood at ilang kaalyado namin. Infairness, komedyante si mayor.

"Bueno, ano pang hinihintay natin simulan na natin ang laban!! pagbilang ko ng tatlo nagsisimula na kayo. Isa--, dalawa--, tatlo-- Fight!!" napangiwi kami sa hirit ni mayor habang tumatawa naman ng mas malakas ang mga manunuod, sanay na siguro sila sa mayor nilang ito.

"Ahh mayor paligsahan po sa debate to hindi paligsahan sa sabong?" sita ulit ni Miss P kay mayor. Hay! naku! tinamaan ka naman ng lintek oh!! ginawa pa kaming panabong ni mayor ah.

"Ah hindi ba? akala ko kasi nasa sabungan tayo ehh. mukha kasi silang manok-- Bueno, heto na ang tanong na pagtatalunan ng ating mga kalahok. Envelop pls.." pagkaabot ng envelop ay nagpa-suspense pa ng konti si mayor Halakhak. Nakakakaba naman to oh?? wosh!!!

"Ano ang nauna, ang itlog o ang manok?" bigla akong napabunghalit ng tawa sa tanong ni mayor gano'n din ang mga manunood. Syempre matagal ng pinagdidiskusyonan ang bagay na ito no! tapos isinali talaga ni mayor? anyways, umayos na kami ng pwesto ng tumikhim si mayor.

"Sa panig ng mga itlog! palakpakan para kay Dantek Binugbugan!" hiyawan naman ang mga kasama niya ng papalabas siya ng backstage, napangiwi ako ng bigla siya nagpose ng mr. pogi na akalain mong sa eat bulaga ang punta at hindi sa debate. Pwe!! nakakasuka!!

"At sa panig ng mga manok, Panelyn Nadisrasya!!" Aba! syempre di kami papakabog sa pa-Mr. pogi na pose niya, tinaas ko ang mga kamay ko at nagpose din na parang model. Tawanan ang ilan sa kanila pero para sa aming mga babae cheering ang nangyayari. Pagtungtong ko sa pwesto ko ay nagpang-abot na agad kami ng kalaban ko.

"Itlog!!"

"Manok!!"

"Itlog!!"

"Manok!!" Naghiyawan ang mga manunood at kanya-kanyang itlog at manok ang botohan. Inawat kami ni mayor at pinaghiwalay.

"At dahil, gentlemen's first na sa panahon ngayon ay.. Mga itlog! kayo na ang mauuna." nagsitawanan ang ilan sa biro ni mayor bago magsimula ang debate.

"Syempre itlog kaya ka nga nandito ehh, kasi mukha kang itlog!! yong bugok na itlog!! hahahaha." akmang susugurin ko siya ng pigilan ako ng mga kasama ko, gosh!! nakakahiya nakakawa-poise!!

"Aba't loko-loko ka ahh, ginawa ba naman akong itlog?! Sisiw!! aroganteng sisiw ay hindi tinarantadong manok!!" ganti ko rin sa kanya nakakapang-init ng ulo ha?? leche!! susugurin niya din dapat ako ng pigilan siya ng mga kasama niya.

"Hoy! aroganteng sisiw at tinarantadong manok!! Manok ang nauna! manok!" gigil na bulyaw ko sa pashneang lalaking ito. Pusang-gala!! mauubusan ako ng dugo dito.

"Hoy! ka ring bugok na itlog! itlog sabi ehh!! itlog! itlog!! itlog!!!" bulyaw niya rin sa akin habang tinuturo niya ako, psh!!

"Manok nga!! ang manok kapag nahulog sa sahig manok pa rin! eh ang itlog, kapag ba nahulog sa sahig may manok pa bang lalabas o mapipisa? wala na diba?! kaya manok! manok!! manok!!" bwelta ko ng pabulyaw ulit habang ako naman ang tumuturo sa kanya.

"Itlog nga! saan ba galing ang manok? di ba sa itlog?" nagsigawan naman ang mga tao sa bwelta niya pero di pa ako tapos sa bweltahan naming dalawa.

"Manok nga! saan din ba galing ang itlog? sa manok di ba? at saka ikaw na ang nagpatunay na nauna ang manok kesa sa itlog no! may balahibo ka pa sa ulo! hahahaha!" kung gaano kalakas ang kalakas ang hiyawan nila kanina ay mas malakas na ngayon. Agad niyang kinapa ang kanyang ulo at may balahibo nga ito sa bandang tenga na nahawi niya doon. Nanggigil tuloy ang loko ng tinanggal ang balahibo ng manok.

"Ikaw!! itlog ka napipikon na ako sa iyo ha?!" hamon niya.

"Edi mapikon ka lang aroganteng sisiw at tinatarantadong manok ka naman eh!"

"Itlog!"

"Manok!!"

"Itlog nga sabi eh!"

"Manok nga ang kulit!!"

"It--"

"Opps!! tama na yan!! Ahhhyy!!" sasagot pa sana ako ng umawat na si mayor sa amin na nagsusundutan na ang aming mga itlog ay este mga ilong.

"Alam niyo bang may nagkakatuluyan sa ganyan. Tapos ang tawagan itlog at manok, ayon may sikat na silang pwesto sa palengke ihawan ng manok at sariwang itlugan." bigla kaming napaghiwalay sa kantyawan ng mga tao at ni mayor, bwiset! debate pa ba ito? o parang pikunan na lang ahh? asar!!

Kumaway siya sa mga tao para tumahimik at muling nagsalita.

"So ano na nga ba ang nauna?" tanong niya ulit ng mahimasmasan na kami sa sagutan namin.

"Itlog o manok." sabay ulit kami pero kalmante na kaming pareho.

"Ehem! at dahil sa debateng ito ang nanalo ay.."

*drum rolls--

"Wala!!"

------

-Yuki

Opposites Do AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon