Two: Hotdog o Talong

62 30 26
                                    


Two: Hotdog o Talong

Her POV


Ilang linggo din ang lumipas simula ng matapos ang debateng iyon. Lugmok kami sa naging resulta ng laban at muntikan na naming mabugbog si mayor Halakhak noon-- buti naawat kami ng taong bayan. Pasalamat si mayor at may mga concern netizens siya..

Bugnot na bugnot ako habang papunta sa tindahan ni tatay Lino. Ehh paano ba naman kasi wala akong ulam sa boarding tapos yung hinayupak kong besfren di manlang nagpaalam na aalis. Kaya heto ang drama ko ngayon frozen foods ang ulam. Pagdating ko sa tindahan niya nakatalikod siya sa gawi ko, kaya tinawag ko na lang siya.

"Tatay Lino pabili po ako ng hotdog niyo." usal ko habang naglilinis ng mga tinda niyang gulay, hinintay ko muna siya ng ilang minuto at ng hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Tatay Lino pabili po." Pagtawag kong muli siya ng medyo kalakasan ang boses. Pero anak ng pating oh? di pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan niya kaya kinalabit ko na.

"Tatay Lino pabili po!" Pagtawag kong muli sa pangalan niya. Pumihit siya paharap sa akin at nagulat ako sapagkat hindi si tatay Lino ang nasa harap ko. Pinaningkitan ko siya ng mata sabay tingin na din mula ulo hanggang paa niya.

"Ikaw nanaman?!!" Umirap ako sa kanya sapagkat sabay kaming sumigaw. Lintek na! siya lang naman si manok noon sa debate ni mayor Halakhak de Makatawa ng San Agustin del Rio.

"Anong ginagawa ng isang manok dito sa tindahan ni tatay Lino? at ano yang hawak mo? siguro magnanakaw ka no?" akusa ko sa kanya. Bahagya siyang lumayo sa akin. "Hoy! grabe ka naman bugok na itlog wala naman akong ginagawang masama inaayos ko lang tong mga paninda ni tatay Lino na gulay." napaismid ko sa hangin ng dahil sa dipensa niya.

"Inaayos daw? psh! baka nga simpleng dedekwatan mo si Tatay Lino ng mga paninda niya kamo!" panggagatong ko pa sa kanya. Ehh bakit ba?! wala akong tiwala sa kanya ehh.

"Alam mo itlog kung wala kang magawang matino umalis ka na lang." aba't?! lalo atang umiinit ng ulo ko sa tinarantadong manok na to ha!!

"Bakit naman ako aalis dito sa tindahan ni tatay Lino baka mamaya lamasin mo lahat ng paninda niya ehh! edi kawawa naman yong matanda kapag nalugi ng dahil sa'yo no! kaya di ako aalis dito sa tindahan niya hanggang nandito ka din! hmp!" singhal kong muli sa kanya. Aba! anong akala niya sakin papayag sa plano niyang lugiin ang tindahan ni tatay Lino? Aba! di ako papayag syempre isumbong ko siya sa mga alagad ng batas no!

"Ehh mas lalo naman akong hindi pwedeng umalis dito sa tindahan niya at nagbabantay ako no! kaya kung ako sa'yo itlog umalis ka na at baka mahampas ko pa sa'yo ang hawak ko talong!" duro niya sakin gamit ng talong kukuha na din sana ako ng patola ng may biglang pumigil sa amin.

"Ehem!! anong bibilhin mo Panelyn?" tikhim ni tatay Lino.

"Hotdog po/Talong po." sabay naming sabi ni manok. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya pero nakatingin pala siya sa kay tatay Lino.

"Ano ba talaga? at saka ano bang ginagawa niyo sa mga tinda ko?! mga batang to!" napabitaw ako ng hawak ko patola dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko lalo ang tingin kay manok habang binabalik niya ang kinuhang talong kanina.

"Tatay Lino ano po bang ginagawa ng tinarantandong manok po dito sa tindahan niyo tatay baka pagnakawan kayo nito ah?" ako habang dinuro-duro ko si manok. Nanggagalaiting ibinaba ni manok ang kamay kong nakaturo sa kanya habang pilit na tumatawa sa matanda binalik kong muli ang kamay kong nakaturo sa kanya pero binaba niya nanaman ibabalik ko sanang muli ang panduduro sa kanya ng hawakan niya na ang kamay ko para di ko na ulit siya maduro.

"Ehem!! bagong trabahador ko siya dito Panelyn." hinablot ko ang kamay ko mula sa kamay niya. Aba! mahirap na baka maghinala pa si tatay Lino na jowa ko to at hindi ako makakapayag!

"Sigurado po kayong mapagkakatiwalaan po tong manok na to ahh? sabihin niyo lang po sakin kapag may nawala ang isa sa mga paninda niyo reresbakan ko to tay!" pagbabanta ko sa manok na to, natawa naman si tatay Lino sa sinabi ko at pinahupa na ang tensyon.

"Hwag kang mag-alala Panelyn tiwala naman ako dito sa pamangkin ko na ito. Lalo na at responsableng anak naman siya kaya hwag ka nang magalit dyan Panelyn at baka atakihin ka sa puso niyan hala ka dyan." napangiwi ako sa pananakot ni tatay sa akin akala naman niya matatakot ako sa ganyan, tatay talaga.

"Tay pabili na lang po ako ng isang pack ng hotdog." ako habang dinudukot ang pera ko sa wallet ko.

"Tay talong po ang bibilhin niyan hindi hotdog." napatigil ako sa pagdukot ng pera sa wallet ko nang may sumabat nanaman ang manok psh! sinamaan ko siya ng tingin ng makita kong nakangisi siya sakin.

"Tay sakin po kayo makinig hotdog po talaga ang bibilhin ko." nagtitimping pahayag ko kay tatay Lino. Pumagitna na siya sa amin ni manok at baka mabagyo na ang tindahan niya.

"Tama na nga yan! mga bata nga naman ngayon oh? ang hihirap ng sawayin. Dantek bumalik ka na sa trabaho mo, at ikaw Panelyn heto na ang hotdog na bibilhin mo." agad kong kinuha yung hotdog sabay abot na din ng nagbayad ko.

"Para kayong sina Mystery at Esis lagi ding mag-away ang dalawang iyon di ko na alam kung paano ko pa susuwayin ang dalwa tapos dadagdag pa kayo." napahilamos na lang si tatay Lino sa mukha niya. Medyo na-guilty naman ako dahil sa pakikipagsagutan ko dito sa manok na to. Hinawi niya na kaming dalawa na parang pinapaalis niya na kami. "Hala sige balik na sa dating gawi."

"Sige po una na ako tay." at umalis na nga ako sa tindahan niya para magluto ng kakainin ko.

-----

-Yuki

Opposites Do AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon