Nine: The Stupid Cupids
Other's POV (Tatay Lino)"Tatay Lino pabili po." Agad akong tumalima sa tumawag ng pangalan ko. Agad kong nginitian ng mapagtanto kong si Camila Asuncion pala ang bumibili.
"Oh anong bibilhin mo Camila?" tanong ko sa kanya.
"Isang softdrinks po tay yong coke." ani niya at saka umupo sa mga bangko na nasa harap ng tindahan ko.
"Sige hintayin mo na lang at kukuha ako." pagkatapos kong makuha ang bibilhin niya ay binuksan ko ito at nilagyan ng straw. Saka siya tinabihan sa bangko.
"Kamusta naman ang buhay mo sa South Korea?" pagtatanong ko sa kanya, dahil napansin ko ang pananahimik niya at pagiging tulala.
"Ayon po medyo di ayos kaya nag-file po ako leave sa trabaho para mag-unwind dito." Napatango-tango ako sa sinabi niya.
"Ehh ano bang nangyari?" tanong ko ulit. Kinuha niya muna ang softdrinks saka iminom.
"Mahabang istorya po tay, pero isang bagay lang po ang natutunan ko. Ganon po pala no, tay? kahit anong klase ng pagmamagandang-loob ang gawin ko, iba pala ang magiging tingin ng iba." umubo ako ng isa at saka bumwelo ng sasabihin.
"Lalim naman niyan, di ko alam kung ano ang nangyari pero heto lang ang masasabi ko. Sa buhay kasi natin di lahat ng gagawin natin ay tama para sa lahat. Iba-iba din kasi tayo ng pananaw sa buhay, kaya akala natin tama ang nagawa pero mali pala para sa kanila. Parang transleysyon sa google yan ehh, iisa ang kahulugan pero dalawang magkaiba na lengwahe. Parang yung point-of-view ng isang kwento iisa ang plot nagiging iba ang persepsyon sa mga mambabasa, kaya doon nagkakaroon ng mga diskusyon o opinyon o mas kilala sa debate. Kung di naging maganda ang kinalabasan ng pagmamagandang-loob mo atleast nagmagandang-loob ka at yun ang mahalaga. Kung di niya o nila na-appreciate ang pagmamagandang-loob mo ay hwag mo ng damdamin kasi di naman lahat ng effort nasusuklian at lalong di lahat ng klase ng pagmamagandang-loob ay nasa tamang lugar." advice ko sa kanya. Napayuko naman siya sa sinabi ko. Oo nga di lahat ng effort nasusuklian.
"Kaya hwag ka ng malungkot nalulungkot din ang mga paninda kong gulay niyan ehh di na sila masarap lutuin kapag may bumili sa kanila." dagdag ko pa. Di kalaunan ay ngumiti na din siya. Mabuti naman.
"Ayan na po di na ako malungkot tay. Salamat po." aniya ng nakangiti.
"Wala yun ikaw talagang bata ka." pinagpatuloy niya na ang pag-inom ng softdrink ng marinig namin na nagbabangayan nanaman ang dalawang kupido. Mukhang paparating na ang dalawang delubyo kong mga anak.
"Palpak ka ding magplano libro ehh!! lalo tuloy silang lumayo sa isa't-isa! Haysss!!" Panenermon ni Ery. Wala sa oras na napakamot ako ng ulo.
"Wow! parang ako lang ang palpak ha?! ehh sino sa atin ang nagpadebate na may pabuzzer-buzzer pang nalalaman ehh pumalpak din naman pinag-agawan lang nung dalawa!" singhal naman ni Genesis kay Ery, kung kanina napakamot lang ngayon napapikit na ako at todo pigil na magalit.
"Wow! sino sa atin yung nagplano na i-enroll yung bestfriend ni Dantek sa AIS at paglapitin silang dalawa! ayan tuloy lalong lumayo si Panelyn sa kanya!" singhal naman din ni Ery kay Genesis. Napatawa na lang si Camila sa dalawang ito dahil di pa rin nagbabago mula ng mangibang-bansa hanggang sa ngayon.
"Kasalanan mo to, Ery-table!" paninisi ni Genesis.
"Aba! hwag mong isisi saken ang kasalanan mo libro!" at sila'y nagsigawan na. Dagling inubos ni Camila ang laman ng softdrinks dahil may naalala daw siyang gagawin sa kanila. Nagpaalam na siya sa akin at nagpasamalat ulit tumango na lang ako sa kanya at ng umalis na siya ay hinarap ko na ang dalawa.
"Genesis Ronin at Mystery Tyler!"
-----Alas-nuwebe at tirenta y' singko ng gabi ang pagsasara ng tindahan ko. Luminga-linga ako at nagbabakasakaling may humabol pa bago ko isara tong tindahan at ng masiguro ko na wala ng bibili at sinara ko na ang gate at pinatay ang ilaw.
Pagpasok ko ng bahay ay dim lights na lang ang makabukas, siguro tulog na yung dalawa. Bago ako dumiretso sa kwarto ay pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng tubig. Habang binabagtas ko ang daan sa kusina ay di ko sinasadyang makarinig ng mga mahihinang usapan sa study room. Sumilip ako para malaman kung sino ang mga iyon at napangiti ako ng malaman kong sila Mystery at Genesis pala ang mga boses.
"Hindi ganito gagawin natin, bukas ipo-provoke natin sila. Ako kay Dantek tapos ikaw kay Panelyn. Tapos.." di ko na pinatapos pa na marinig ang diskusyunan ng dalawa. Once in a while lang magkakasundo ang dalawa at sa tingin ko isa ito sa mga pagkakataong magkasundo sila mas madalas kasi silang sigawan ang nangyari. At dahil dyan mukhang masarap ang magiging tulog ko ngayong gabi na ito. Sana lang lagi silang ganyan.
Kayo dyan may mga kapatid din ba kayo? kung meron, nagkakasundo ba kayong dalawa? sana lahat ng magkakapatid ay laging magkasundo at magmahalan dahil iyan ang kaligayan naming mga magulang ang makitang magkasundo ang mga anak. At para sa mga walang kapatid dyan, ayos lang yan dahil kahit di mo kadugo ay pwede mong maging kapatid. At para sa mga magkakapatid na malalayo ang loob sa isa't isa, mahalin niyo pa rin sila kahit na malayo kayo, pag-usapan niyo ang mga bagay-bagay at kung ano-ano pa para matanggal ang harang sa pagitan niyo, tandaan niyo: "Blood is thicker than water." O' sya matutulog na ako at maaga nanaman pagbangon bukas.
Magandang gabi sa lahat!!
-----
-Yuki
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attracts
HumorOne Shot From The Heart Series: Presents Opposite's Do Attract How can you say that relationships do attract its opposites? a) If Love blooms late? b) If Hate took the first step? c) If Fate played their hearts? d) If the Time is perfect with a perf...