Five: Aftershocks

33 24 29
                                    

Five: Aftershocks


Her POV

Isang linggo ang matuling lumipas sa buhay ko matapos ang nangyari ang gulo sa buhay ko. Paikot-ikot ako dito sa sala ng bahay ko kasama ko ngayon ang besfren kong Chaka na prenteng nakaupo sa sofa ko.

"Hoy! bakla upupo ka nga dyan pati tong librong binabasa ko nagugulo dahil sa kakaikot mo eh!" suway niya sa akin padabog naman akong umupo sa tabi niya habang nagpa-panic na nagsalita.

"Paano naman ako di mapapakali besy, ehh isang linggo na akong naguguluhan sa mga nangyayari at pati tong puso ko dumagdag pa sa problema ko." nakasimangot lang siya sa akin na parang bitin na bitin sa kwento ko.

"Ehh ano ba kasing nangyari sa isang linggo na yan at pati na din dyan sa puso mo kaya ganyan ka nalang maka-react?" iritable niyang inilipat sa kabilang pahina ang librong binabasa niya.

"Ehh kasi naman bakla di ba isang linggo na din ang lumipas ng magsimula yong klase ko at nong eksena namin ni manok." inirapan niya ulit ako at bored na nagsalita.

"Tapos?" lalo akong nagwala dahil sa reaksyon niya kaya nagsimula na akong magkwento sa kanya habang inaalog-alog ang balikat niya.

*Flashback--

(2nd day of class)

"Panelyn at Dantek pwede niyo na bang sagutin ang activity kahapon?" tanong sa amin ni sir Genesis. Tumango ako sa prof namin ganon din si manok kay sir Genesis. Tumayo na ako para magsulat sa board samantalang si manok ay sa kabilang bahagi naman ng board.

Muli kong binasa ang unang tanong kahit tapos ko ng mabasa ay binasa ko pa rin sabay sagot na din, at nilagyan ng numbering na 1-5 para sa mga sagot ko.

'Ano-ano ang mga kadalasang ginagawa mo sa bahay niyo?

1. Naglilinis
2. Kumakain
3. Natutulog
4. Kumakain
5. Nagpapahinga.'

Nong una nagtataka ako sa mga tanong ni sir Genesis sa amin ehh pero di ko maiwasang mapaisip sa ikalawang tanong niya.

'Kailan ka huling nakipagsagutan sa kalye?

Sagot ko: Kahapon'

Pagkatapos kong isulat ang mga sagot ko ay tumingin naman ako kay manok na kakatapos lang ding magsulat. Pumunta namansa harap ng board si sir Genesis at sinimulang italakay ang mga sinulat namin.

"So katulad ng ginawa ko kahapon ay nilagtawan namin ang unang tanong kaya ganon din ang gagawin natin ngayon." ani niya at binasa ang sagot ko at sagot ni manok.

"Class decide, ladies first o gentlemens first?" tanong niya sa klase nagkanya-kanyang sigaw sila na dapat ako daw ang mauna.

"So, Panelyn ang sagot mo ay kahapon? maaari ba naming malaman kung sino ang huli mong kasagutan kahapon?" napalunok ako at napatingin kay manok. May sariling diskusyon ang utak ko dahil nakikipagdebate ito kung sasabihin ko bang si manok yong huling kasagutan ko o hindi.

"Oh? bakit tahimik ka Panelyn at nakatingin ka lang kay Dantek?" bigla kong binawi ang tingin ko kay manok at tumingin sa aming prof, at di ko alam kung bakit pero bigla itong ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Oh? hwag mong sabihing si Dantek ang huli mong nakasagutan sa kalye ganyan ang reaksyon mo?" pangangantyaw niya sa akin, bigla namang ginatungan ng klase ang pagiging usisero ni sir.

"Uyyyy!!!! sila Dantek at Panelyn may namumuong love story, Ayiiieeuut!!" kantyaw ni Adalbert o mas maiging tawagin na Bert. Napairap ako sa sinabi niya, hay naku! mga tao nga talaga.

"Ehh si Dantek ano kayang sagot? hmm.." muli siyang ngumiti ng nakakaloko sa klase habang pinupuntahan ang gawi ni manok.

"Aba!! kahapon din ang sagot ni Dantek! Hwag mong sabihing ang silence ni Panelyn mean yes Dantek?" confident na nagsalita si Dantek ng.. "Yes sir, siya ang huling kaaway ko sa kalye kahapon!"

Bigla akong napayuko sa mga sunod-sunod na kantyawan ng klase, binalingan ko ng masamang tingin ang tinarandatadong manok at ngising-ngisi siya sa akin. Naiirita akong bumalik sa upuan ko ng pinabalik na kami ni sir Genesis. At simula ng oras na yon ay maghapon na nila kaming pinagpipyestahan sa klase na kesyo bagay daw kami, na kung paano kung manligaw si manok at kung ano-ano pa. Simpleng binabara ko na ang ibang mga pangangantyaw nila ehh.

*3rd day--


Nagpa-activity si Miss Ery, prof namin sa english na magdebate ang klase, at para may thrill daw ay mag-uunahan sa pagpindot ng buzzer, at kapag napindot ang buzzer ay siyang mauuna sa pagsagot. Kaya hinati niya ang klase sa dalawang grupo, dahil kilala naman akong magaling sa pakikipagtalastasan ay ako ang unang tinawag, naghiyawan ang kupunan namin habang todo suporta pa.

Sumenyas si miss Ery na tumahimik na siyang sinunod ng lahat at ilang saglit pa ay tinawag niya na ang makakaharap ko sa debateng ito.

"Let's welcome! Dantek Binugbugan!" naghihihiyaw naman ang kabilang grupo habang naglalakad siya palabas sa likod ng kaklase namin. Naningkit ang mata ko ng malaman kong siya pala ang makakalaban ko akalain mo yon makakaharap ko siya ng 2nd time around.

"Inuulit ko, kailangan niyong mapindot ang buzzer at siya ang unang sasagot sa debate, okey?" muling paalala pa niya sa amin ni manok.

"Yes, ma'am!" sabay naming sagot ni manok sa prof.

"Okey ready?" hudyat na pinapahanda na kami ni miss Ery na tumakbo sa teacher's table na kung saan nakalagay ang buzzer.

"Yes Ma'am!" muli naming sagot kay miss Ery.

"Go!"
-----

-Yuki

Opposites Do AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon