Eleven: The Fall
Her POV
"Sino nga ba ang mas nauna? ang mga bungangera o mga makakapal ang mukha?" tanong niya ulit sa amin ni manok, hudyat na magsisimula na ang debate. Nanahimik ang lahat at naghintay sa pagsisimula.
"Huhmmmm... simulan na ang debate!" magsisimula na sana ako sa pagsagot ng bigalang napahiyaw ang mga taong nanunood.
"Uh oww! brown-out, Meralco!!!" sigaw ni yorme sa kalagitnaan ng pagpa-panic ng tao.
"Miss Dean wala ba kayong generator dito?" tanong ni yorme sa dean namin.
"Mayor, nasira yung generator last week at pinadala namin sa repair shop kahapon kaya sadly wala tayong generator ngayon." Narinig kong nanlumo ang lahat ng naririto. Kaya nagsilabasan sila ng mga cellphone nila at binuksan ang flashlight. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko at sadly ay di ko dala dito sa stage ang phone ko at nasa bag na naiwan sa pinagupuan ko sa taas.
"Mayor heto po pala ang phone niyo." rinig kong pahayag ni miss P.
"Maraming salamat miss P, maasahan ka talaga." at binuksan na din ni yorme ang phone niya para sa flashlight niya nang bigla din itong namatay.
"Ay? anong nangyari?" tanong ni yorme kay miss P.
"Ahh mayor five percent na lang po kasi yung natitirang battery ng phone niyo bago tayo umalis kanina. Ayun lowbat." nanlulumo naman si yorme na ibinalik kay miss P ang phone niyang naghihingalo.
"Paano na ngayon yan? di nanaman matutuloy ang debate?" kahit brown out ngayon ay alam ko at ramdam ko ang lungkot ni yorme. Di kalaunan ay narinig ko na ang mga pang-yapak nila yorme at miss P, papalayo sa stage.
Aalis na din sana ako ng stage pero napakamot ako ng ulo dahil sa dilim ng paligid, dahan-dahan kong kinapa ang sahig gamit ang isang paa ko. Humakbang ako ng isa at nagtagumpay naman ako, kinapa kong muli ang sahig at saka umabante hanggang sa na-out of balance ako sa isang hakbang ng entablado. Napapikit ako at naghintay sa pagbagsak ko. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay di ko pa rin ramdam ang sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig ng entablado, sa katunayan malambot at nasa ilalim ko. Kinapa-kapa ko pa ito parang malambot na matigas ehh.. teka ako ba to? Wait malay mo ganito pala katigas ang mga ulap sa langit.
"Enjoy na enjoy ka ahh? anong feels?" nagmulat ako agad ng mga mata ng dahil sa narinig kong insulto.
"Ano bang problema mong kupal ka? kita mo ng nahulog ako sa sahig tapos mambabarat ka pa?!" singhal ko sa pangit niyang pagmumukha.
"Uyyyy!!!! may bagong love team na pala dito sa loob ng AIS." at biglang hiyawan na may kasamang palakpakan ng mga kapwa naming estudyante. Napairap ako sa mga kantyawan nila at doon ko namalayan ang isang bagay, bumalik na pala ang kuryente at ang mas malala ay kanina pa pala nakatutok ang spotlight sa amin.
Patuloy pa rin sila sa pagkakantyawan na bigla kong ikinapula. Shet!! bakit ba ako namumula? grrrr!!!!! Bumaba na ako ng stage at buti na lang ay nasa baba na din si sir Genesis at dala ang bag. Tatawa-tawa din ito ng maibigay niya saken ang bag ko.
Lintek na!! agad akong umalis sa loob ng Advilleton arena, hmmp basta nakakapang-init ng ulo. Tumatakbo ako papunta ng cr ng may nakabangga akong dalawang babae.
"Sorry mga miss, di ko kayo nakita." paghihingi ko ng paumanhin ko sa dalawang babae. Ngumiti ang isa sa kanila at napanganga ako sa mala-anghel niyang mukha.
"Ayos lang yon miss." napangiti na din ako sa kanya, ang ganda-ganda niya kulang na lang talaga sa kanya ngayon ang mga pakpak. Agad ding nawala ang paghanga ko sa kanya ng biglang nagsalita ang kasama nito.
"Next time, ang paningin ay itutok sa daan. Puro kasi landian ang nasa utak ehh. Psh!" napayuko ako sa sinabi niya siguro kasali din sila sa mga nakakita sa amin sa stage kani-kanina lang.
"Lilith ang rude mo! anyway, ako nga pala si Haera at ito naman ang kaibigan ko na si Lilith." Haera extend her hand para maki-handshake sa akin, kahit nahihiya ay tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya sa akin.
"Pagpasensyahan mo na at may dalaw kaya nagsusungit." ani niya matapos makipag-kamay sa akin.
"Lilith be good to others, di ba yun ang turo ni daddy sa atin?" napa-irap naman ang Lilith sa sinabi niya.
"Tss.. Yeah, yeah whatever." pagmamaldita niya pa at nauna nang maglakad. Na-curious naman ang lola niyo kaya nagtanong ako sa kanya ng biglaan.
"Kapatid mo ba yun Haera?" muli siyang ngumiti sa akin.
"Kinakapatid ko siya at sa amin na siya lumaki. Bakit mo naman naitanong yan, Panelyn?" napatango-tango ako sinabi niya. Kinakapatid niya pala yun.
"Pero bakit ganon ang ugali non, ang sungit?" natawa naman siya sa tanong ko, napakamot naman ako sa kanya. Kasi kahit pagtawa niya ay ang ganda din sa pandinig parang musika ganon.
"Hahahahaha mga bata palang kami ganyan na siya kasungit, pero masipag naman siya at masarap.."agad akong napatingin sa kanya dahil sa huling sinabi niya.
"Masarap?"
"I mean masarap magluto. Pangarap kasi niyang mag-chef kapag college na." napatango-tango ako sa sinabi niya.. masarap pala siyang magluto.
"Sige Panelyn mauuna na ako ahh baka mabagot pa yun magsungit nanaman." paalam niya sa akin.
"Sige ingat kayo Haera." isang kaway ang pinakawalan niya bago siya tumalikod sa akin. Akmang aalis na din ako sa pwesto ko ng hindi ko na maalala kung saan ako pupunta? napamura ako sa hangin dahil di ko talaga makalkal sa utak ko kung saan na ako pupunta kanina bago ko makabangga sila Haera at Lilith.
"Panelyn Nadisgrasya!!" sigaw ng kung sino mang pashnea na nakapagbalik sa akin sa real world. Nilingon ko ito si chaka doll pala.
"Problema mo ba bakla ka?" nakabusangot na tanong ko.
"Ang ganda mo!! hahahahahaha." pamumuri niya saken sabay hampas sa braso ko. Naku! mamumula nanaman to. Nagsimula na akong maglakad palayo sa baklang to bago pa ako malamog sa mga hampas niya.
------
-Yuki
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attracts
HumorOne Shot From The Heart Series: Presents Opposite's Do Attract How can you say that relationships do attract its opposites? a) If Love blooms late? b) If Hate took the first step? c) If Fate played their hearts? d) If the Time is perfect with a perf...