Six: Aftershocks Part II

32 22 22
                                    


Six: Aftershocks Part II

Her POV

Sabay na kaming tumakbo ni manok sa kinaroroonan ng buzzer. Una akong nakarating sa table, akma ko na sana itong pipindutin ng hawakan niya ang kamay ko para pigilin, biglang nakuryente ang kamay ko sa ginawa niya.

Nabalik lang ako sa ulirat ng kumilos siya para pindutin ang buzzer kaya kinuha ko ang mismong buzzer para makaiwas. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko kaya humakbang pa siya palapit sa akin kaya hinarang ko ang katawan ko para di niya mapindot ang buzzer.

Nagtagumpay naman ako dahil di niya napindot ang buzzer kaya heto na ang tamang pagkakataon para mapindot ko ang buzzer, pero nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni manok sa likod. Biglang nanindig ang mga balahibo ko lalo na ng maramdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. At dahil doon nabitawan ko ang buzzer at tumunog itong mag-isa ng mahulog sa sahig. Sobrang tigalgal ako habang nakahawak sa dibdib ko, 'Bakit ang lakas nanaman ng tibok nito?'

Tila naging bingi ako ng mga oras na iyon, at kahit na nasa harap namin si miss Ery na pinapagalitan kami ay wala akong maintindihan. Teka? ano nga bang nagyaru kanina lang? para akong nananaginip ng gising eh. Napabalik lang ako sa reyalidad ng pinabalik na ang lahat sa kani-kanyang upuan.

*4th Day----

Art class namin twing thursday, at kapag ganutong araw ay hinahayaan lang kaming mga estudyante na gawin ang mga hobby namin. At dahil mahilig ako sa painting ay kumuha ako ng mga materials ko, tulad ng canvass, paint brushes, colors, stand ng canvass at higit sa lahat ng magandang view.

Naglibot-libot ako sa ibang parte ng AIS para maghanap ng inspiration, kakalakad ko ay napadpad ako sa pinakasulok ng AIS na kung saan naroroon ang pinakatagong garden. Namangha ako sa mga bulaklak na nagkalat, at sa malaking puno ng narra na nandito. Napangiti ako mukhang nakahanap na ako ng inspiration sa gagawin kong painting. Agad kong nilatag ang mga gamit ko sa pagpipinta at ipang saglit pa ay sinimulan ko ng pintahan ang canvass.

Habang ginagawa ko ito ay nakangiti ako, ewan ko ba siguro dahil maganda ang lugar na pinipinta ko at parang nahawa ako sa good vibes ng lugar. Lalo akong napangiti ng matapos ko na ang pinipinta ko.

"Ang perfect!" puri ko sa sarili kong gawa. Tinignan ko ang orasan sa phone ko at magfo-four pm na din pala, matagal ko din palang ginawa ito kaya hinapon na ako. Habang pinapatuyo ko ang painting ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nang matapos ko ng ligpitin ang gamit ko ay chi-neck ko kung tuyo na ba ang painting pero di pa rin, kaya tumayo muna ako para mag-inat ng katawan.

Nagulantang ang katawang lupa ko ng biglang kulaluskos ang mga nakahelerang halaman na santan sa likod ko. Napatingin ako doon at napalunok ng laway ng muling kumaluskos ito.

"May tao ba dyan?" walang sumagot sa aking tanong. Humakbang ako ng isa pa-abanate para tingnan kung sino ang kumakaluskos na iyon.

"Sino ba ang nandyan?" tanong ko ulit at tanging kaluskos muli ang aking narinig. Umabante pa ako ng dalawa palapit sa halamanan. Habang palapit ako mg palapit lalong kumabog ang puso ko.

"Ay kabayo!!" bigla akong nagulat ng matumba ang painting ko at yong canvas. Dali-dali kong nilapitan ito at marahas na iniangat para tingnan kung napinsala ba ang gawa ko. Halos manlumo ako dahil may mga parte na nawala sa ayos at nalagyan ng lupa. Naalimpungatan ako ng maramdaman kong malambot na bagay sa paanan ko, isang puting rabbit lang pala.

"Ayy!!! ang cute mo naman!!" dinampot ko ito at hinimas ang balahibo. May ganito palang hayop na nakatira dito? Muli kong sinulyapan ang painting kong nasira, napasalapak ako sa damo habang hawak pa rin ang rabbit.

"Tingnan mo oh rabbit nasira ang gawa ko. Hayy!! paano na ngayon to?!" napabuntong-hininga ako at inilapag ang rabbit sa kandungan ko tapos kinuha ko naman ang isang paint brush para remedyohan to para may maipasa ako ngayon. Habang inaayos ko tong painting ay biglang tumalon ang rabbit papunta sa painting ko, nagulat ako sa ginawa niya at tumakbo.

"Hala! rabbit, bakit mo ginawa iyon?" hinabol ko siya palabas ng tagong garden hanggang sa may kamay na dumampot dito. Unti-unti kong tinaas ang paningin ko mula sa kamay ng dumampot at nagulat ako sa taong may-ari ng mga kamay na iyon.

"Ikaw? sa'yo ba ang rabbit na yan?!" malakas kong tanong. Hinimas niya ang balahibo ng rabbit at ngumiting sinagot ang tanong ko.

"Oo bakit may problema ka ba sa alaga ko, itlog?" agad na nagngit-ngit ang kalooban ko ng bumalik sa akin ang ginawa niyang paglukso sa obra ko.

"Alam mo ba kung anong ginawa ng alaga mo sa painting ko?" umiling siya at mayabang na nagsalita.

"Hindi." napairap ako at saka pinakita ang painting kong may footprint ng alaga. "Ayan lang naman ang ginawa ng alaga mo sa painting ko. Aissh!" sabay irap ko sa kanya, natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin para tumahimik.

"Madali lang yan itlog, akin na nga yong paint brush at yang canvass mo." at binitawan niya muna saglit ang rabbit sa kulungan nito at saka kinuha ang brush at canvass at ilang pintura. Matapos ang ilang minuto ay binalik niya sa akin ang canvass at paintbrush. Nanlaki ang mata ko sa resulta ng ginawa niya.

"Manok!!!!"

-----

-Yuki

Opposites Do AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon