Three: Assignment o Seatwork
Her POV
Unang araw ko sa klase ngayon bilang grade twelve senior high school sa Adamson Infernal School. As usual maraming estudyante ang nagkalat sa buong eskwelahan. Papasok na ako sa classroom ko ng may makabangga ko.
"Aray!" hiyaw ko sa sakit ng dahil sa pagkakabangga namin. Napasalampak tuloy ako sa sahig. Hihimas-himas ko ang balakang ko habang tumatayo samantalang yong nakabungguan ko di manlang ako tinulungan at pinanood niya lang ako. Tinapunan ko siya ng nanlilisik na mata sapagkat nagawa niya pang tumawa.
"Anong ginagawa ng isang manok dito sa eskwelahan namin?!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Malamang dito na ako mag-aaral. Ikaw talaga itlog masyado kang pahalata na ayaw mo sa akin."
Umirap na lang ako at iika-ikang naglakad papunta sa classroom para unang klase. Tanaw ko na ang classroom ng magitla ako sa kanya ng umupo siya patalikod sa akin. "Ginagawa mo?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Edi tutulungan ka." nanggagalaiting sinapak ko siya sa batok niya. Mabukulan ka sana. "Ehh sira ulo ka rin pala ehh! kung kailang malapit na ako sa classroom saka mo palang ako na tutulungan! umalis ka na nga dyan at baka sipain kita!"
"Alam mo ang arte mo! magpasalamat ka na lang at tinutulungan pa kita. Kaya umangkas ka na para madala kita sa classroom niyo at ma-excuse sa kung sino man ang prof niyo para madala kita sa clinic."
Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok niya pero kung susumahin siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit masakit ang balakang ko ehh so, umangkas na lang ako sa likuran niya.
"Saan banda yong classroom mo?" tinuro ko naman yong classroom ko. Ayaw kong magsalita at baka bitawan niya ako dito sa likod niya edi lalo akong napilay. Tumawa siya ng mahina ng ituro ko yong classroom. "Akalain mo yon! mag-kaklase pala tayo itlog."
"Ano naman ngayon? manok ka pa rin kahit magkaklase tayo." tumawa siya ng pagak dahil sa sinabi ko, maya-maya lang ay bigla siyang nanahimik. "Nga pala pasensya na pala sa nangyari kanina di kasi ako nakatingin sa daan sa kakahanap ng classroom natin." eh? bago to ahh. Humagikhik ako dahil sa sinabi niya.
"Alam mo kaya nasa harap ang mata para makita kung ano ang mga kaharap pero sa'yo kabaliktaran yata." simpleng barat ko sa kanya.
"Alam mo nagkakamali din ang tao, kaya nga nobody's perfect diba? tao lang." natawa naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Pero di naman excuse yon na sasabihin mo na tao ka lang at nagkakamali, malaki ka na alam mo na kung ang ang mga tama sa mali, alam mo na kung paano magdesisyon para sa sarili mo minsan pumupili tayo ng isang desisyon na di natin napag-iisipan ng husto at kalaunan ay nauuwi sa pagsisisi. Kaya anuman ang maging desisyon mo sa buhay di ka dapat magsisisi mapatama man o mali, maliit lang ang buhay ng tao para isipin pa ang pagsisisi kaya kung ako sa'yo kapag babanggaan ka ulit hwag kang magsisisi, pwede mong tulungan at pwede ding hindi." natahimik naman siya sa haba ng paliwanag ko, buti naman malapit na kami sa room ng makasalubong namin si Sir Genesis Ronin.
"O' anyare sa'yo Panelyn?"
"Sir kasi masakit po ang balakang ko nagkabungguan kami nitong si manok." paliwanag ko sa P. E. prof namin kasi siya ang unang subject namin.
"Teka nadala ka na ba sa clinic? kung hindi pa pwede naman kitang i-excuse sa klase pati din tong si Dantek para mabantayan ka." tatanggi sana ako sa panukala ni sir Genesis pero naunahan ako ni manok.
"Balak ko palang po sana siyang i-excuse sa klase sir pero nakasalubong naman na namin kayo."
"Ahh ganon ba? sige punta na kayo sa clinic hindi pa namang formal na start ang klase ngayon so pwede pa kayong magpapetiks-petiks, sige alis muna ako at may kukunin lang ako sa office." nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni sir.
"Sige po sir." paalam namin at tumuloy na sa clinic. Di pa kami ganung kalayo ng tawagin niya ulit kami, napatingin kami sa kanya.
"Oo nga pala may seatwork pala kayo." nangunot ang noo ko kakasabi niya lang na hindi pa formal na nagaiaimula ang klase tapos may seatwork na agad?
"Anyway, di naman mahirap tong seatwork na ipapagawa ko sisiw lang to sa inyo." simpleng umirap na lang ako kay sir. Hayss! tao nga naman mabilis magbago ang isip.
"Ahmm.. sir pwede po bang assignment na lang po yan hehehe." ani ni manok tinapal ko naman ang likod niya. At dagli akong umangal sa likod niya. "Hoy ano ka ba?! seatwork nga ang sabi tapos gagawin mo assignment."
"Eh sa gusto ko ng assignment eh." napairap na lang ako sa sinabi niya hay naku tamad tong gumawa ng seatwork.
"Ang sabihin mo tinatamad ka lang gumawa ng seatwork! kunwari pa psh!" Bago kami magkainitan ng ulo ay inawat na kami ni mr. Genesis at minata kami.
"Hmm.. pwede namang kahit mamaya niyo na lang i-pass yung seatwork niyo sa akin kapag maayos na si Panelyn o kaya habang binabantayan mo si Panelyn ay ginagawa mo ang seatwork pero kapag di talaga kaya pwede na ding i-assignment, ano okey na ba yon?" agad nagliwanag ang mata ni manok sa sinabi ni sir Genesis.
"Talaga po sir? sige po sige po! nasaan na po yong assignment ay este seatwork?" natawa naman si sir Genesis sa sinabi ni manok hay naku! sarap batukan din nito ehh. Hinayaan ko na lang siya nakunin yung seatwork namin at pumunta na kami sa clinic.
"Bakit ka nakatitig dyan?"
----------🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attracts
HumorOne Shot From The Heart Series: Presents Opposite's Do Attract How can you say that relationships do attract its opposites? a) If Love blooms late? b) If Hate took the first step? c) If Fate played their hearts? d) If the Time is perfect with a perf...