Ten: The Come Back Duo
Her POVLunes na lunes ay nagpatawag ng meeting ang dean ng AIS. At as usual kasama nanaman ni manok ang bestfriend niyang si Roma. Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan ko. Buti na lang nasa pinakadulo ako pumwesto, wala ako sa wisyo ko para makinig sa programa nila.
"Oh bakit mukhang bad mood ka Panelyn?" pukaw ni sir Gen sa akin ng makita niya akong nakasimangot.
"Wala po ito sir. Mood swings po siguro." ilang saglit pa ay tinabihan ako ni sir at dahil nga dulo ang pwesto namin ay di masyadong napapansin.
"Mood swings daw, pero makatingin kila Dantek at Roma ay parang gusto mo ng sunugin eh." lalo akong napasimangot sa sinabi ni Sir Gen.
"Hayss!! sir naman sobra naman po yung sunugin, di ba po ba pwedeng tirisin lang muna?" bara ko sa kanya pero nakatingin pa rin kina Dantek at Roma.
"Hahaha grabe ka din ehh no? ginawa mo naman silang mga ipis kapag tiniris mo." napangalumbaba na lang ako at simpleng nagpapapadyak ako ng paa sa inis. Ewan ko ba? naiinis talaga ako ngayon!!
"Alam mo Panelyn kapag nakakapagsalita lang ang sahig kanina pa yan nagreklamo sa kakapadyak mo." nagpadyak pa ako mg isang beses at humalukipkip ng upo. Saka hinarap si sir na biglaang nagkaroon ng magazine na binabasa, teka wala naman siyang wahak kanina na kahit ano ahh? paano nangyari iyon? Inangat ko ang magazine niya at tiningnan kung may magic ba tong magazine na ito.
"Sir saan niyo po nakuha itong magazine?" tanong ko. Napailing-iling siya saken at muling nagbasa ng magazine.
"Sa sobrang atensyon mo kay Dantek ngayon mo lang napansin na kanina pa ako nagbabasa ng magazine. Tsk tsk tsk!! masama na to." Natameme naman ako sa sinabi ni sir Gen at tinuon ang pansin sa harap.
"Magandang araw po sa lahat!!" pantawag pansin ng lalaki sa harap ng stage.
"Pinatawag ko po kayong lahat para sa isang mahalagang programa." dugtong niya pa. Minata ko ito dahil parang may naalala ako base sa pagsasalita niya. Saan ko nga ba siya nakita.
"Ako nga po pala ang inyong lingkod Halakhak de Makatawa at kasama ko ang aking bise na si Miss Patola Lubaklubakan or Miss P na lang for short. At nagmula kami sa bayan ng San Agustin para ibalita sa inyo na tapos na po kayong lahat sa pag-aaral---" agad nahumiyaw ang lahat sa sinabi ni mayor. Ngayon naalala ko na kung sino sila, ang joker na yorme ng San Agustin del Rio. Maghahasik nanaman siguro sila ng kabaliwan at ang lugar namin ang malas na napili.
"Mayor, hindi po yon ang pinunta natin dito." paninita ulit ni miss P. Naku di na talaga nabago si yorme.
"Ahh ano na ulit yung pinunta natin dito? nakalimutan ko na." nagtawanan ang lahat samantalang ako ay napatampal sa noo dahil sa pagiging makakalimutin ni yorme. Ako pa ata ang nahihiya para kay miss P.
"Mayor kaya po tayo nandito ay dahil--" pinutol ni yorme ang sinasabi ni miss P.
"Ahh naalala ko na kung bakit tayo nandito." hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako o ano pero kinuskos ko ang mata ko ng dalawang beses.
"Anyare sa'yo Panelyn? Bakit grabe kang makatingin kay mayor Halakhak?" tanong ni sir Gen sa akin dahil pinanlalakihan ko ng mata si yorme.
"Ehh kasi sir parang nagkaroon bigla si yorme este si mayor po pala ng bumbilya sa ulo noong naalala niya yong nakalimutan niya kanina." Bigla namang natawa si sir Gen sa sinabi ko. Literal na tawa, buti maingay ang paligid at di nila naririnig ang tawa ni sir Gen.
"Anong nahithit mo kanina at parang nakalanghap ka ng marijuana, Panelyn?" tinignan ko si sir ng masama, pake niyo baliw din tong prof ko ehh.
"Ehh kayo din po sir? anong nahithit niyo at dito kayo nakikiupo samatalang may pwesto naman po kayong mga staff sa harap?" pambabarat ko kay sir. Napaayos naman siya ng upo saka tumingin sa harap.
"Ehh dito ang gusto kong pwesto ehh, mga boring kausap ang mga prof sa harap, istoryahey kahit di naman kinakausap." natawa naman ako sa sinabi ni sir. At ilang saglit pa ay bigla akong kinalabit ni sir Gen, napatigil ako sa pagtawa at tinignan siya.
"Bakit po sir Gen?" tanong ko, imbis na sagutin ay nginunguso niya ang stage. Napatingin naman ako sa stage at nagulantang ako ng makita ko ang pangalan ko na hinawagayway ni yorme.
"Ehh?? anong meron?" bulong ko, kinalabit ulit ako si sir Gen.
"Punta ka na sa stage, dalian mo." nagtataka man ay tumayo ako at pumunta sa stage. Pagkarating ko ng stage ay laking pagtataka ko ulit ng makita ko si manok sa dulo ng stage.
"Ngayong nandito na ang ating dalawang kalahok ay maari na nating simulan ang debate." ani ni yorme, ahh debate pala to, akala ko naman kung ano na at pinatawag ako.
"Miss P ano ang paksa natin sa araw na ito?" binuksan ni miss P ang envelope at kinuha ang papel sa loob.
"Ano ang mas nauna.." teka parang pamilyar ang intro ahh ayaw kong maging judgmental pero hwag naman sana itlog o manok nanaman ha? jusme!! hwag naman sana."ng pinanganak makapal ang mukha o bungangera?" biglang nagbago ang timplada ng mukha ko, wala ba silang mai-topic nakakaloka naman oh?! Nasitawanan ang lahat dahil sa tanong, nararamdaman ko ng sumasakit ang ulo ko ahh di dahil sa kakaisip ng sagot kundi kakaisip kung paano nila nakakaya to?!
"Sa panig ng mga bungangera, Panelyn Nadisgrasya!" ewan ko kung magiging proud ako sa debateng ito pero sasakyan ko ulit ang trip nila. Nagsipalakpakan ang iba naming schoolmate habang nagsisigawan ang iba."At sa panig ng mga makakapal ang mukha, Dantek Binugbugan!" nagsihiyawan din ang ibang schoolmates namin habang pumapalakpak.
"Bago tayo magsimula, kamusta kayong dalawa noong nakaraang debate? may pwesto na din ba kayo sa palengke na ihawan ng manukan at itlugan?" muling nagsitawanan ang lahat. Napasimangot ako dahil pinaalala nanaman ni yorme ang debateng iyon, ngayon parang naamoy ko na ang magiging resulta neto.
Napabuntong-hininga ako bago magsimula ang debate ay may mga sinabi pa si yorme pero di ko na pinakinggan bahala siya dyan.
-----🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attracts
HumorOne Shot From The Heart Series: Presents Opposite's Do Attract How can you say that relationships do attract its opposites? a) If Love blooms late? b) If Hate took the first step? c) If Fate played their hearts? d) If the Time is perfect with a perf...