Eight: Contradictions
Her POV
Pagkatapos ng nakapanlulumong araw na iyon ay parang di na ako tinantanan ng malas.
Isang araw nakatanggap ako ng mensahe galing sa isang unregistered number. Noong una di ko pinapansin hanggang sa biglang lumapit sa akin si Manok at tinatanong kung bakit di ako nagre-reply sa mga text messeges niya, kahit sa messenger ay di ko rin ina-accept ang chat request niya, bala siya dyan wala akong pake sa manok na gaya niya.
"Huy! itlog bakit di mo ako pinapansin?" kakasabe ko lang diba na wala akong pake sa kanya at heto nanaman siya ngayon nanggugulo sa pagbabasa ko. Napairap ako sa kanya bago siya singhalan.
"Ikaw manok ka kung wala kang magawa sa buhay mo! huwag akong pagtripan mo!" usal ko habang nakatingin pa rin sa libro, natawa naman siya ng malakas bago hatakin ang upuan ng seatmate ko. Di ko siya pinapansin kahit ang tagal niya ng nakaupo dyan. Napaisip ako ano kayang trip ng manok na to?
Di ko namalayan na napatagal na pala akong nagbabasa ng bigla siyang magsalita.
"Alam mo Panelyn ang ganda mo pala kapag seryoso ka." parang nawindang ang balun-balunan ko at napadako ang mata ko sa kanya na titig na titig sa aking pagmumukha. Napataas ang kilay ko sa kanya. Hinampas ko siya ng librong binabasa ko.
"Aray! aray! itlog! tama na itlog masakit!" nagmamakaawang hiyaw niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin bago tigilan ang panghahampas sa kanya.
"Aba'y tigil-tigilan mo ako sa mga banat mo. Di mo ako maloloko sa ganyan manok!" inirapan ko pa siya bago buklatin ang libro at magbasa ulit.
"Ehh anong magagawa ko.. kung napa-ibig mo na ako." ay litse to! lalo akong nanggigilna mantarantado ng manok. Muli ko siyang pinaghahampas at nakaagaw na kami ng pansin ng mga kaklase namin.
"Huy! LQ ang manok at itlog ang tawagan!!" sigaw ng isang usisera naming kaklase.
"Ano kayang pinag-aawayan ng dalawa no?" eksena ng isa pa naming kaklase. Sinamaan ko sila ng tingin habang tatawa-tawa naman sa tabi ko ang tinarantadong manok.
"Pinag-aawayan lang namin kung saan kami magde-date? kung sa mall ba o sa park? sa tingin mo Trustie, saan magandang mag-date?" muli kong binalik ang mata ko kay manok at malakas siyang pinaghahampas.
"Anong date ang sinasabi mo ha? ikaw manok ka! imbentor ka na pala bukod sa pagiging tarantado mo!" kandahiyaw naman siya sa mga hampas na natatanggap niya. Halos masira naman ang librong binabasa ko dahil sa lakas ng mga hampas ko sa kanya. Hiningal akong tumigil sa paghampas sa kanya at sumandal sa upuan ko.
"Grabe ka talaga sakin itlog! di pa tayo mag-asawa battered husband na agad ako." bumuntong-hininga ako para pigilan ang sarili kong makahampas ulit ng manok.
"Battered husband ka dyan! Battered Chicken ka sa akin kapag di mo ako tatantanan sa mga banat mo!" sighal ko sa kanya, tumayo na ako sa upuan ko at nagpasyang lisanin ang silid namin para pumunta sa clinic. Tama lang ang lugar na yon para magpalipas oras at para lumamig na din ang ulo ko dahil airconditioned naman yung lugar eh..
Habang nakahiga sa isang bed ng clinic ay di ko namalayan na naigupo na pala ako ng antok. Tiningnan ko ang relo ko at magwa-one o'clock na pala, isang oras din pala akong nakatulog. Bumangon ako at nag-inat-inat ng buto at sa aking pag-iinat ay may manok na sumulpot sa aking gilid at siya'y aking nasuntok.
"Aray! brutal ka talaga itlog!" ngiwi niya habang hinihilot ang ilong na nasaktan.
"Sorry naman bakit ka ba kasi nandyan?" singhal ko sa kanya sabay kuha na din ng gamit para pumunta ng classroom.
"Saan ka pupunta, itlog?" umirap ako sa tanong niya pagkalabas namin ng clinic.
"Malamang sa klase, saan pa ba?" nagpatuloy na ako sa naudlot kong lakad papunta sa classroom.
Hinigit niya ang dalawang braso ko kaya ang parang asiwang kinakaladkad niya ako ng patalikod. "Ginagawa mong manok ka?! Hoy! pupunta na ako sa klase ko!"
"Tulog pa more itlog, wala ng klase may emergency meeting lahat ng prof." lintaya niya habang hatak pa rin ako ng nakatalikod.
"Teka nga bitawan mo nga muna ako, di ko makita ang daan ehh." reklamo ko. Binitiwan naman niya ako ng nasa gate na kami ng AIS. Salamat naman nakakairita ehh.
Nagsimula na akong maglakad habangsiya ay sinabayan ako sa paglalakad. Di pa kami nakalalayo sa eskwelahan ay may isang kabuteng sumulpot sa gilid ng lansangan.
"Dantek? ikaw ba yan?" nangunot naman ang noo ni manok sa babae. Habang ako ay napatigil din sa paglalakad at nanood sa kanila.
"Sino ka miss?"
"Si Roma to yong kababata mong taga-Maynila pero tuwing bakasyon niyo lang nakakasama sa probinsya." nanlaki naman ang mata ni manok ng ma-realize niya na kababata niya pala tong kabute na to.
"Ang laki ng pinagbago mo Roma, di kita nakilala, dati pandaking bata ka lang ehh, ngayon nakatakong ka na." pabirong hinampas naman siya nong kabuteng si Roma na kababata ng manok na to.
Aalis na sana ako dahil parang di naman na ako napapansin at para may quality time naman sila ng bigla akong mapansin nong Roma.
"Sino siya Tek?" binagalan ko ang lakad ko dahil parang may nag-uudyok saken na pakinggan ang sasabihin niya.
"Si Panelyn yan, classmate ko." di ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya pero di ko mapigilang madismaya sa narinig ko. Teka ba't ba ako nadidismaya crush ko ba ang manok na iyon? ano naman ang kahahangaan ko sa manok na iyon? napabuntong-hininga na lang ako bago ipagpatuloy ang paglalakad ko pauwi. Habang naglalakad palayo sa kanila ay malakas niya akong tinawag.
"Panelyn! sama ka sa amin." sigaw na paanyaya ni manok sa akin.
"May gagawin pa kasi ako, kayo na lang." pumihit ako sa direksyon nila at gumanti din ng sigaw sa kanya.
"Sige! ingat ka itlog! baka mabugok ka sa daan!" paalam niya at sabay na silang naglakad habang ako naiwang dito sa kalsada na naiinis dahil sa sinabi niyang bugok daw ako. Relax Panelyn, suntukin ko yong tarantadong itlog na iyon ehh..
-----
-Yuki
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attracts
HumorOne Shot From The Heart Series: Presents Opposite's Do Attract How can you say that relationships do attract its opposites? a) If Love blooms late? b) If Hate took the first step? c) If Fate played their hearts? d) If the Time is perfect with a perf...