Isang umaga ay nagulat ang lahat at maraming tao ang nagtungo sa bahay ni Klien. Nagising na si Thalia. Dapat ay masaya na ako dahil nakaligtas na ako, hindi na ako mabubuko, hindi nila malalamang hindi naman ako totoong diyosa. Dapat ay nakahinga na ako nang maluwag pero tila may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.
Nasa isang gilid ako habang pinagmamasdan ang mga kaanak ni Thalia na masayang niyayakap at kinakausap ito. Gusto kong ngumiti pero pakiramdam ko ay maging ang mga labi ko ay mabigat, hindi ko ito magawang iangat. Sinubukan ko pero luha lang ang lumabas sa mga mata ko. Dahil doon ay mabilis akong nagtungo sa kwarto ko, ayokong may makakakita sa akin ng ganito.
Naiinggit ako, gusto ko rin ng pamilya.
"Bakit nandito ka lang?"
Tinignan ko si Klien na kapapasok lang sa silid ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
"Umiiyak ka?" tanong niya.
"Pagod lang," umiling ako.
"Salamat," sabi niya.
Tumitig ako sa kan'ya. Hindi ko alam ang dapat kong isagot.
"Ibabalik mo na ako?"
Iyon lang naman ang kailangan niya sa akin. Maswerte lang ako na nagising na nga si Thalia. Umiwas siya nang tingin, hindi siya sumagot. Bumuntong hininga ako, hindi ko naman na dapat pa iyong itanong. Ibabalik naman talaga niya ako pagkatapos ng lahat.
Nang umalis na si Klien sa kwarto ko ay nagtungo na muna ako sa banyo para maligo. Baka ibabalik na niya ako agad sa Santora, mabuti na iyong handa ako. Hahanap-hanapin ko ang mga bagay na narito. Ngumiti ako nang mapait, hindi naman dito ang mundo ko. Hindi dapat ako nasasanay sa mga bagay na hindi naman para sa akin.
Katatapos ko lang magbihis nang muli na namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay si Klien muli pero hindi. Ang ginang na tiyahin ni Thalia.
Ngumisi ito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Sa akala mo ba ay lahat maloloko mo?"
Kinabahan ako nang sabihin niya iyon. Alam kaya niya? May nalalaman ba siya?
"Diyosa? Kalokohan!"
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, gusto kong umatras pero tila nakadikit na ang mga paa ko sa sahig.
"Hindi ko akalain na naloko mo ang isang tulad ni Klien!"
"H-Hindi ko alam sinasabi mo..." nanginginig man ay nagawa kong magsalita.
"Hindi ka diyosa!" sigaw niya at agad na lumapat ang palad niya sa kaliwang pisngi ko.
"B-bakit? K-Kilala mo ba ako?" lakas loob kong tanong habang hawak ang pisngi kong sinampal niya.
Bahagya siyang napaatras sa tanong ko. Kilala niya ako, base sa kinikilos niya ay may nalalaman siya. Ako naman ang naglakad palapit sa kan'ya. Umatras siya dahil sa naging pag-abante ko.
"Kilala mo ako."
Lumapit muli ako at umatras siyang muli.
"Kilala mo ako," ulit ko.
"H-Hindi!" Nauutal na sagot niya.
Umiling ako, alam kong kilala niya ako. Baka nga may nalalaman pa siya sa pinagmulan ko dahil sa kinikilos niya.
"Sinungaling!"
Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya naman natumba siya. Kasabay nang pagbagsak niya ay ang pagbukas ng pinto at pag-angat ko ng tingin ko ay naroon si Kliean at si Thalia. Nakaupo si Thalia sa isang upuan na may gilong habang tinutulak ni Klien.
"Ma- I mean, Tita!" sambit ni Thalia nang makita niya ang tiyahin sa sahig.
Lalapitan ko sana ito para tulungang makatayo pero umatras ito at umaktong natatakot sa akin.
"N-No... 'wag kang lalapit sa'kin!"
Nilapitan siya ni Klien at tinulungang makatayo. Kumunot ang noo ko dahil sa inasta ng ginang.
"Klien, get that woman out of here! Nakakatakot!" Tumago pa ito sa likod ni Klien matapos sabihin iyon.
Tumaas lang nang bahagya ang boses ko nakakatakot na ako? E siya nga ay pinagbuhatan ako ng kamay, hindi naman ako umakto ng ganoon. Seryosong nakatingin sa akin si Klien at tila hinihintay akong magsalita na hindi ko naman magawa. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.
"Tinulak niya ako Klien!" Dagdag pa ng ginang.
Marahas akong lumingon sa kan'ya. Anong sinasabi niya? Natumba siya at hindi ko naman siya tinulak.
"Lumabas na kayo ni Thalia, ako na ang bahala rito," malamig na wika ni Klien.
Nakatitig ako kay Klien habang lumalabas ang mag-tiya. Hinihintay ko siyang tanungin ako, pakiusap tanungin mo ako Klien. Alamin mo ang panig ko. Ngunit kahit isang tanong ay walang lumabas sa bibig niya. Hindi niya ako tinanong, hindi niya inalam kung totoo ba ang sinabi ng ginang.
"Maghanda ka na," sambit niya bago lumabas na rin sa kwarto.
Naniwala siya. Akala ko ay maayos ang pakikitungo niya sa akin, akala ko kahit sa sandaling panahon na nanatili ako sa lugar na ito ay nakilala na niya ako o kahit konting tiwala lang ay nagkaroon siya sa akin.
Inayos ko ang sarili ko. Labis ang pagpipigil ko sa mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. Pilit akong nagpapakatatag, ayaw kong ipakita na nasasaktan ako. Hindi ko dinala ang mga damit at gamit na pinamili niya para sa akin. Pakiramdam ko ay wala naman akong karapatan na dalhin ang mga iyon.
Sinundo ako ng isa sa mga tauhan ni Klien at muling sumakay sa akala ko noon ay kulungan. Iyon pala ay sasakyan, kotse ang tawag.
Habang nasa byahe ay nakatulala lamang ako na nakatingin sa labas ng bintana.
Nakailang buntong hininga na ako para lang mapigilan ang mga luha kong gustong kumawala.
"Malungkot ka?" Napalingon ako sa lalaking katabi ko.
Ang alam ko ay isa rin siya sa mga kaibigan ni Klien. Hindi ko maunawaan bakit kailangan pa akong ihatid ng kaibigan niya pwede namang tauhan na lang.
"Hindi," sagot ko.
Tumawa ito nang mahina at sinilip ang mukha ko.
"Halata," sarkastikong sambit nito.
Napanguso ako, kahit naman amining kong malungkot ako ay wala naman nang magbabago. Tapos na ang panandaliang saya ko sa bahay ni Klien.
"Anong tingin mo kay Klien?" seryosong tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Mahalaga pa ba 'yon? Alam ko namang masama na ang tingin niya sa akin," sagot ko at malungkot na pinagmasdan ang malalaking gusali na nadadaanan namin.
"Sigurado ka?"
Tumango ako. Sigurado iyon.
"Kung masama ang tingin sa'yo ng kaibigan ko, hindi kita ihahatid. Mahal ang serbisyo ko, mahal na diyosa," sambit niya.
Mabilis akong lumingon sa kan'ya.
"Talaga?!"
Ngumisi siya sa naging reaksyon ko
Mabuti na lang at walang mga tao noong hinatid ako. Gabi na rin naman nang makarating kami sa Santora. Nagulat pa ako nang may ilagay na bag si Louis, ang kaibigan ni Klien na naghatid sa akin.
"Ano 'yan?" Takang tanong ko.
Ngumiti lang siya at nagkibit balikat. Kumaway lang siya bilang pamamaalam.
Naupo ako sa sahig ng templo habang nakatulala sa bag na iniwan ni Louis. Nasa ganoong ayos ako nang biglang may mga lalaking nakaitim at may takip ang mga mukha na pumasok sa templo.

BINABASA MO ANG
The Goddess Heart
RomanceKlien Aquino is one of the deadliest and heartless mafia. Siya ang tinuturing na ika-labing isang mafia devil. Dahil sa isang aksidente ay na-coma ang kan'yang fiance. Desperate enough, Klien kidnapped the Goddess of Santora Forest. Sa pag-asang bak...