Maraming nakikisawsaw
Pero pagibig ay pumapangibabaw
Hindi sumusuko
Dahil alam kong ikaw at ako sa duloNaiiyak..natatawa..kinakabahan..halo halo ang nararamdaman
Hindi sigurado kung magkakaroon ng istorya ang ating pagiibigan
Ngayon ika'y aking nasa harapan
Hindi alam kung san sisimulanHindi alam kung anong salita ang dapat bitawan
Hindi alam kung paano dapat umasta lalo na't ako'y kinakabahanPwedeng magtapos ...pwedeng maituloy
Pwedeng mawala....pwedeng manatili
Pwedeng ikaw....pwedeng akoPwedeng masaktan
Pero parte ito ng pagmamahalan
Ano pa nga ba ang gagawin ko?
Malamang isusugal itong puso para lang sayoTinuruan mo akong magtiwala muli
Kaya sana hindi ko ito pagsisihin sa huli
Magtutulungan tayo hanggang sa pinakadulo
Kahit magkaroon pa man ng gulo
Ito ang tatandaan moIKAW LANG ang nasa PUSO
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poetry05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...