Oo, alam ko at nakikita koNakikita ko..........
Kung paano mo siya kausapin,ngitian,asikasuhin at tignan
Una pa lang alam ko ng talo na ako eh
Kung paano mo siya tignan
Nakikita ko.......
Nakikita ko ang nais mong bigkasin
kaya bigyan mo ako ng dahilanDahil lalo lang akong naguguluhan
Hindi ko na kasi alam.........
Hindi ko na alam ang totoo sa hindi totoo
Hindi ko na alam kung paano......
Paano ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo...
Lalo na't nararamdaman ko.....
Nararamdaman ko na siya pa rin ang laman ng puso mo
Siya pa rin ang laging tumatakbo sa isipan mo
Siya pa rin ang kasama mo sa panaginip mo
siya pa rin ang nakikita mong kasama mo hanggang sa future mo
Siya at siya pa rin
Wala naman akong problema kahit siya pa ay tuluyan mong mahalin
Huwag mo lang sana kaming pagsabayin
Mamili ka ng isa at Makampante ka
Mahirap kasing umasa
Mahirap umasa na mapili mo tapos magugulat na lang kami kayo na pala
Mahirap umasa tapos malalaman ko may iba ka na pala
Natatakot ako.....
Natatakot ako na isang araw pagka gising mo
Sabihing mong
"ayaw ko na......pagod na ako......."
"ayaw ko na......dahil mahal ko pa din pala siya"
Natatakot ako
Takot na takot na mawala ka sa buhay ko
Kaya sana pagisipan mo
Pagisipan mong mabuti
Nang magkaalaman na. [:)]
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesía05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...