[Now Playing: Kahit Kailan]
Nagising ako ng wala ka na sa tabi ko
Nagising ako at nalaman kong lahat ng iyon ay hindi totoo
Yung saya na Para bang nanalo ako sa lotto
Ganun ganun na lang kabilis na naglaho
Lalo na ng malaman ko na iba na ang nasa puso
Gustong Gusto ko na ang mundo'y gumuho
Gustong gusto kong umiyak dahil hindi na muling mabubuo
Hindi na muling mabubuo ang puso dahil kulang kulang na ang mga piraso
kulang kulang dahil wala ka na sa tabi ko
Ang mga pangakong napako
Mga ala-ala at mga ngiting naglaho
Damdaming biglaang nagbago
At tayo na sinabi nating patuloy na lalaban ay sumuko
Paalam mahal ko
Dahil hindi na ako parte ng buhay mo
Paalam mahal ko
Dahil pinakawalan mo na ako
Paalam mahal ko
Dahil hanggang dito na lang ang kakayanin ng istorya ng pagmamahalan nating ito
Paalam.
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesía05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...