Naririnig mo ba
Ang puso kong tumitibok tuwing kasama ka
Nararamdaman mo ba
Na nagseselos ako kapag may kasama kang iba
Lalo na kapag napakasaya mo dahil siya ang katabi mo
Masakit pero tatanggapin ko
Pero sabagay ano nga bang karapatan ko
Eh hindi naman naging tayo
Pasensiya na kung hindi ko mapigilan
Ang sakit lang kasi malaman na masaya ka at siya pa ang dahilan
Pasensiya na kung masyado akong nadala
Hindi ko lang talaga kasi kinaya
Pilit kitang kinakalimutan
Ngunit ang puso'y patuloy kang pinaglalaban
Kahit na kahit kailan hindi ka naman naging akin
hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ika'y minahal ko din
Ito ang sasabihin ko
Titibok at Titibok to < 3
(malamang edi namatay ako peace!!)
Pero dadating ang oras hindi na ikaw ang rason
Dahil Unti unti nang mawawala ang lason
Sana Kapag dumating ang pinakahinihintay kong panahon
matuwa ka sa akin dahil ako ay nakaahon
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesía05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...