Una pa lang alam ko ng hindi ka katiwala tiwala
Pero lahat yun ay aking binalewala
Mukha pa lang Halata nang mangloloko
Pero ako naman tong parang Bata nakipaglaro
Aaminin ko'y ako'y uto uto
Kaya nga naniwala ako sa mga sinabi mong akala ko'y totoo
Akala ko ika'y seryoso
Pero nawala lang ako saglit
Hala!! SINO TONG BAGO?!
Ayaw mo na ba sa pisngi kong mala lobo?
At sa noo ko kung saan dumadapo ang mga eroplano
Ang sarap mong buhusan ng tubig na kumukulo
Akala mo kasi lahat ay mapapasayo
Pero ito ang tatandaan mo
Hindi sayo umiikot ang mundo
Hindi ka na nga gwapo
Nagawa mo pang magloko
Bahala ka!!
Baka sa Susunod, ikaw na ang mabiktima ng laro
kung saan ang nakataya ay ang puso
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesia05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...