Isang tanong na napakahirap sagutin "mahal mo pa ba?"
Sa bawat oras na iniisip ko, kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha
Na Para bang ang tagal ng gustong kumawala
Dahil ngayon ang kondisyon ko'y malalaSana patawarin mo ako dahil kinailangan na talaga
Ayaw kasi kitang makita na masaktan pa
Gusto ko makita kitang masaya kahit sa piling na ng ibaHindi ko na rin sayo sinabi
Kasi alam kong mananatili ka lang sa aking tabi
Nasasaktan at pinipigilan ang paghikbi
At yung ang pinakaayaw kong mangyariDahil mas lalong hindi ko kakayanin
Kapag ang kapakanan ko ang lagi mong iisipin
Mas gugustuhin ko pang mawala ka na sa aking piling
At sana pagbigyan mo ako dahil ito na ang huli kong hilingPaalam dahil hindi ko na kaya
Hindi ko na kayang lumaban pa
Nanghihina na ako
Pagod na pagod na din akoSa kabaling buhay ika'y aking babantayan
At tatanggapin ko kahit gaano pa kasakit ang kabayaran
Ng ginawa ko sayong pangiiwan
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Puisi05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...