Minsan kung ano pa ang biro
Yun pa yung seryoso............."joke lang"
Minsan na'y sinabi ko sayo ang salitang mahal kita
Pero kadugtong nun ang mga katagang biro lang pala
Magaan sa pakiramdam dahil nasasabi ko sayo lahat ng mga bagay na hindi ko kayang aminin at matagal ko ng gustong sabihin
Nakakasama lang ng loob dahil laging may kadugtong at hindi ko man lang magawang Seryosohin
Hindi ko man lang masabi na totoo na lahat ng ito
Na Hindi na biro
Dahil ikaw na talaga ang nilalaman ng puso
Sana Pagdating ng araw na malaman mo ang totoo
Huwag ka sanang lumayo
Dahil pagmamahal ko sayo'y kayang isuko
Basta't hindi magbago ang ikot ng mundo
Sana sa Susunod, makaipon na ako ng lakas
Para ang matagal ko ng kinikimkim ay mailabas
Gusto ko ng kumawala
At maayos na makahinga
Hindi yung para akong tang*
Pinipilit na joke lang nga
At idinadaan na lang ang sakit sa Tawa
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesia05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...