Isang bagay na pilit na iniiwasan
Isang hiling na hindi na muling masaktan
Ngunit anong nangyari at ito'y nararamdaman
Hindi nanaman ako napagbigyanAno bang nagawa kong masama
At lagi na lang akong pinapaluha
Masama na ba maging masaya?
Hindi na ba ako pwedeng ngumiti at tumawa?Sinabi mo sa aking iba ka
At ako'y iyong napaniwala
Kaso ano ang iyong ginawa
Ikaw ay nawala na para bang bulaKasabay ng iyong paglaho
Ang bawat kirot ng puso
Sa bawat kirot ay isang pagtulo
Pagtulo ng mga luha dahil ayaw paring sumukoAnong rason ......bakit?!
Ako ba'y kapalit palit?
Masyado na kasing masakit
Na hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng sagot sa bakitNaiwan akong nakatulala
Iniisip ang bawat alaala
Tinatanong kung san nagsimula
At kung kailan at bakit ka nawalaSana man lang sinabihan mo ako
Nang nakapaghanda ako
Hindi yung ganto
Na umaasa pa rin akoSana man lang kinausap mo ako ng maayos
Hindi yung biglaan na lang na matatapos
Sana nagtanong ka at kinompirma ang mga bagay bagay
Hindi yung ako pa ang nahihirapan dahil hindi nanaman mapalagayHindi mapalagay dahil kung kani kanino ka nagtitiwala
Kung kani kanino ka pa naniniwala
At sa huli ako pa pala ang nagkasala
YOU ARE READING
Random Thoughts (Wattys 2018)
Poesia05/19/18 #12 englishpoems 05/22/18 #3 tagalogpoems #111 friendzoned #35 heartaches a book of full of words....here's a book of poems, letters and other more literature related. Some are written in English and mostly...