Lumabas ng resto si samantha, sinundan siya ni andrei.
Naabutan siya ni andrei at nahawakan ito sa braso at iniharap niya ang umiiyak na samantha sa kanya.
"ano bang problema sam?" andrei
"ako, andy! Ako ang problema! Masyado kitang mahal na mahal. Ayokong malayo ka sa akin! Pero bat ganun, ngayon pa lang natin napapatunayan ang pagmamahalan natin, aalis ka. Worst is, its 2 years.." samantha wiped her tears by the back of her hand while andrei is holding onto her shoulders so as to level their eyes.
".. Its two freaking years andrei! Akala ko ba walang iwanan, ha!?" and samantha bursted out into more tears.
Niyakap na sya ni andrei, pero nagpupumiglas si samantha para kumawala sa yakap ng kasintahan.
Pero hindi nagpaubaya si andrei, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya kay samantha hanggang hindi na ito nanlaban at patuloy na lang sa pag iyak.
Ramdam na ramdam ni andrei ang lungkot ni samantha. Kahit ayaw niya, para sa kanila ang gagawing pag alis ng lalake. Isang opurtunidad na makakatulong ng malaki para sa problemang kinakaharap ng pamilya ni samantha.
"sam, para sa atin to..Para sayo. Ayoko nang makita kang nahihirapan, mahal na mahal na mahal kita, mahal ko pati ang pamilya mo. Eto na ang pinakamagandang chance, hayaan mung tulungan kita.. "
"pe-pero andy, ang tagal ng t-two years" hikbi hikbing tugon ni sam.
"mabilis lang yon kin.." pinunasan ni andy ang luha ng minamahal "...Para may guarantee ka na babalik ako.." may kinapa siya sa bulsa at lumuhod sa harapan ng umiiyak na dalaga...
{see YT link Ty}
"kin, i know this is too early to do dapat after grad mu pa..But ayokong maiwan kita ng may doubt, kaya, samantha dela cruz, will you be my best friend, my girlfriend, my fiancee, my wife and my Bella, forever.."
Napatigil sa pag iyak si sam at pahikbi hikbi na syang napatingin sa ngayoy nakaluhod nang lalaki sa kanyang harapan habang hawak ang maliit na asul na kahon at dahan dahan itong binuksan ni andrei.
Nabigla man, ramdam ni sam ang wagas na pagmamahal sa kanya ni andrei. Kita nito sa mga mata nito na sincere ito sa kanyang mga sinasabi.
Dahil na rin sa madilaw na liwanag na handog ng posteng malapit sa kanilang kinapupwestuhan, nakikita ni sam na mejo nanginginig ang kamay ni andy, di nya mawari kung dala iyon ng malamig na gabi o ng tinding kaba..
Unti unti ng bumabagsak ang butil ng nyebe.
Sampung segundo. Tatlumpung segundo.
Isang minuto.
Isang minuto walang kibuan. At titigan lamang ang nangyari nang magsalita si andy..
"kin, magsalita ka naman. Mas lalo mu akong pinakakaba. Uulan na din ng snow oh. Ayos lang naman na hindi mo muna ito tanggapin eh ang mahala-"
Di na natapos ni andy ang anu pa mang sa sasabihin niya dahil lumuhod na rin sa harapan niya si sam at binigyan siya ng isang matamis na halik.
Mejo nagulat siya sa halik na iyon pero sa ilang saglit lang at tinugon na rin niya iyon.
Kumalas na sila sa madamdaming halik na iyon at..
"ou, andy. OO ang sagot ko.." ani samantha at mahigpit na niyakap ang kasintahan.
Dahan dahan sinuot ni andy ang laman ng kahon at mahigpit silang nagyakap kahit na nga na parami na ng parami ang bumabagsak na nyebe.
"Basta hintayin mu lang ako sam, pagbalik ko ayos ng lahat, at magpapakasal na tayo. Mahal na mahal na mahal kita kin."
"Opo Mr. Ramos. Basta after 2years, bumalik ka na. 1week allowance para sa delays and excuses. No more. Mahal na mahal din kita aki"
At nagyakap sila bago tuluyang lumakad palayo sa restorant na iyon.
*aki and kin is endearments nila. AKIN ü