Chapter 8

8.8K 214 1
                                        


ISANG mababang katok sa pinto ng opisina ni Belleza ang nakapagpabalik ng diwa niya mula sa malalim na pag-iisip. Nilingon niya kung sino iyon at nakita niya ang kakambal na nakasilip na ang ulo sa may pinto. Tuloyan na itong pumasok ng makita siya sa loob.

“Have you seen Empress? Kanina nandito siya sa building, hindi ba siya dumaan dito?” Tanong kaagad ng kakambal.

Now that he mentioned it, Empress always drop by at her office whenever she's here, hindi niya alam kung bakit hindi ito dumaan sa opisina niya ngayon gayong sinabi ng kakambal niyang narito ito kanina.

Confused, she shook her head. “Hindi, anong oras siya dumating?”

“After lunch? Magkasunod lang sila ni Queen Helena, sabi ni Typhoon sa akin hindi na naman umattend si Empress ng home study nito.” Ani Fuerte. “Where is she anyway? I was about to call her for dinner.”

“Tatawagan ko siya.”

“No. She will not pick up. Kanina ko pa siya tinatawagan.”

“Excuse me, what's the commotion here?” Si King Asziz iyon — isa sa mga ka-triplets ni Queen Helena — may dala dala itong folder. “Queen Helena asked you to review the expenses last three months, she told me na nalagasan tayo ng eight digits.”

“What?!” Si Fuerte na ang nag-react para sa kanya.

“Yes, review Belleza. Tumutubo na naman sungay ng kapatid ko.” Natatawang sabi nito.

Nothing less from Queen Helena, napaka-strikta nito pagdating sa negosyo. Inabot niya ang folder na iyon at nagpaalam na si King Asziz sa opisina niya. Ang kambal niya naman ay sumunod na sa kalalabas lang.

Hindi pa man nakakaupo pabalik sa swivel chair niya si Belleza nang pumasok ang secretary niya.

“What? Nabili mo ba iyong katabing unit na pagmamay-ari ng mga Wang sa La Vista Condominium?!” Puno ng excitement ang boses niya.

“Opo Miss Belleza, pumayag po iyong owner. Iyon nga lang double price po.” Sagot nito.

What a relief. “Money is not a problem, I need to move in there as soon as possible.”

She can finally meet him properly.

TAHIMIK lang si Empress na nakaupo sa harap ng hapag sa loob ng pribadong silid sa La Vista Restaurant, she knew La Vista's may-ari rin ito halos ng high ends condominium sa bansa. Actually may shares yata ang Daddy niya sa company ng mga La Vista pero ngayon niya lang nalamang may Restaurant na rin pala ang mga ito.

“My apologies if I already ordered foods for us, certainly what I ordered is what I think suits your taste Miss Costalles.”

God! Nakakapanubig ng bagang iyong malaking lobster na nakahain. “Masyado kang pormal.” Sabi na lang niya at saka napalunok sa sariling laway.

Pwede na ba silang kumain? Gosh! Kapag pagkain talaga ang kaharap niya nawawala siya sa sarili.

“Then, should I call you Belleza?” Anito.

Parang nawalan siya ng gana sa narinig. Oo nga pala, nandito siya bilang si Belleza Costalles, iyon ang pagkakakilala nito sa kanya at dahil gusto niyang malaman ang tungkol sa pilat nito sa likod, kailangan niyang ipagpatuliy ang pagpapanggap. Paano naman nito sasabihin sa kanya ang tungkol sa pilat na iyon kung una pa lang isang sinungaling na ang pagkakakilala nito sa kanya.

She will keep playing this game hanggang sa malaman na niya ang totoo, kung anong koneksyon nito sa lalaking tinutukoy ng mga magulang niya.

“T-that will do...” Kahit na nabalisa na si Empress.

Dangerous Attraction #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon