Chapter 11

8.1K 206 6
                                    

NAGMAMADALI si Belleza na pumasok sa opisina niya, uutosan niya kasi ang secretary niya na magpahanda ng appointment kay Majesty Wang, kailangan niyang makausap at makilala ang binata. Maybe it's the right time to send him her deepest gratitude for taking care of her during her traumatized days. She's happy actually, kasi may koneksyon pala talaga sila ng lalaking iyon. Hindi lang atraksyon ang naramdaman niya kundi malalim na koneksyon and to think na hinahanap din siya binata excites her more.

She can start from that, iyong tipong magkakakilala muna sila ng maayos at magkakamustahan. Pwede namang doon ang simula ng lahat hindi ba?

“Hey, Belleza? Did you know that Suzy and Empress went in Bohol?” Salubong ni Fuerte sa kanya.

“Later twin, busy ako.” Nilagpasan niya ang kakambal. Nakangiti at nagmamadaling makarating sa opisina niya.

Weird it is, kasi masaya siya ngayon. Hindi iyong usual facial expression niya. Madalas nga siyang napagkakamaling Mommy ni Fuerte dahil sa ayos at pananamit niya. She's always wearing black na balot na balot sa katawan niya. She didn't want to show so much of her skin because of the history of her past.

Siguro naman mas makaka-move forward siya kapag nagkausap na sila ni Majesty Wang. Hindi talaga mawala ang excitement sa kanyang mukha.

“Good morning Miss Belleza, may meeting po kayo at 10AM with Queen Helena...”

“Never mind that.” she will deal with her after this. “Set me an immediate schedule with Majesty Wang of Wang Airlines, lunch it is. I need to talk to him, ASAP. Tell him that it's me, Belleza Rachella Costalles.”

“Kay Mr. Ma... Majesty Wang po?” Muling tanong nito.

“Yes! Is there a problem with that?” Tanong niya at saka inabot ang handle ng pinto ng opisina niya.

“E... Ipina-ban po siya ni Miss Whalee Empress sa T-Empire po, pati po lahat ng appointments nito rito.”

Kumunot ang noo niya at mabilis itong nilingon. “Say what?!” Asik niya. “Bakit naman iyon gagawin ni Empress?”

“Hindi ko po alam pero sinabi niya rin po na huwag sabihin sa inyo. Siya po iyong nagcover up sa meeting niyo supposed to be ni Mr. Wang noong umalis po kayo ng biglaan.” Sabi pa nito.

Natigilan si Belleza, so... Si Majesty iyon? Si Majesty iyong dapat na ka-meeting niya noong nakiusap siya kay Empress na ito ang dumalo at magpanggap na siya? Ibig sabihin ang akala nito'y siya si Empress.

She snapped and looked at her secretary. “Just do what I say, ako lang dapat ang sinusunod mo, tawagan mo na ang Wang Airlines ngayon. I need to talk to him immediately.”

Pumasok na siya sa loob ng opisina niya. So he knew where she is... But because she's not fond of social medias and she didn't want to be a public figure, hindi nito alam ang itsura niya.

She smiled, she can correct that mistake, madali lang naman sabihin iyon. Saka na niya aalamin kay Empress kung bakit nito binan ang binata dito sa Emperyo.

Nag angat ng tingin si Belleza nang bumukas ang pinto niya at pumasok ang secretary niya.

“Ano? Pumayag ba?” Excited na tanong niya.

Marahan itong umiling.

Dahan dahang nanlumo ang excitement niya. “B-bakit?”

“Nasa bakasyon daw po ito kasama iyong finacee.”

Mas lalo siyang nanlumo sa narinig. “Fiancee?”

Tumago ang secretary niya. “Sa table ko lang po ako, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo.” Anito, magalang na lumabas sa kanyang opisina.

Dangerous Attraction #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon