Chapter 15

12.1K 278 12
                                        


MALALIM ang iniisip ni Majesty nang sumunod na araw. Hindi mawala sa isip niya ang babae sa kabilang silid, ang babaeng matagal na niyang plinanong pain para makuha ang buhay ni Ross Costalles, oo nga't matanda na ito pero hindi titigil si Majesty hangga't hindi siya mismo ang pumapatay sa demonyong iyon.

“Tanggalin mo lang ang galit sa puso mo, handa akong ialay ang buhay ko para sayo...”

Majesty shook his head, narinig niya pa ang pag-iyak ni Belleza kagabi dahil hindi naman siya umalis kaagad matapos niya itong talikuran at iwanan. Nanatili siya sa likod ng malamig na pinto habang pinakikinggat ang hapdi ng hinagpis ni Belleza.

Nakuha pa nitong magsinungaling sa kanya na hindi raw ito si Belleza. Ngayon pa, ngayon pa na malapit ng matupad ang mga plano niya. Hindi siya papapigil kahit na kalabanin niya pa ang sariling nararamdaman.

Narinig niya ang pagpasok ni Uno sa opisina niya, kagabi niya pa ito nakikitang parang hindi mapakali at may gustong sabihin sa kanya.

“Sire... About the hostage, she's not...”

“Sire!” Si Dos iyon na nagmamadali pang pumasok sa office niya dito sa hide out. “The hostage is awake,” Lumingon ito sa wristwatch nito. “We'll gonna meet Ross Costalles at 14:00.”

“What if it's an ambush, Sir? Hindi natin alam pero baka buo pa pala ang Torturers o maari pa nila itong buoin.” Si Uno.

Binuksan ni Majesty ang drawer niya at nilabas ang baril na matagal na niyang hinanda para kay Ross Costalles. “I don't care, as long as I can kill Ross Costalles right before my eyes, I'm ready to die with pleasure.”

Mahal kita...” Damn! Get the fuck off inside his head!

Wala ng atrasan ito, matagal na niyang plinano ang bagay na ito,  hinding hindi siya aatras dahil lang sa stupid attraction na nararamdaman niya para kay Belleza.

“Hindi ako si Belleza...”

He shook his head. Tumayo na si Majesty at inayos ang suot niyang damit. Kinuha niya ang kulay itim na maskarang tataklob sa kanyang mukha. Ganoon na rin ang ginawa nina Uno at Dos, for sure maging ang mga taohan niyang nakahanda na sa meeting place nila ni Ross Costalles.

“Bring the hostage, let's go.” Utos niya.

Naunang lumabas si Majesty, wala na talagang atrasan 'to. Ngayon magagawa na niyang isakatuparan ang lahat ng plano niya. Mapaghihiganti na niya ang pagkamatay ng kanyang Ina. Ngayon, sigurado na siyang matatahimik na ito sa kabilang buhay, wala ng pakialam si Majesty kung sunogin din sa impyerno ang kaluluwa niya.

Sa ibang van sumakay si Majesty, he didn't want to see her face right at this moment, baka lalo lang siyang magulohan. Hinayaan niyang sina Uno at Dos na ang bahala sa babaeng iyon.

Habang nasa byahe, nakatingin lamang si Majesty sa kawalan. Iniisip niya kung ano ang mangyayari kapag natapos na ang lahat, surely, magtatagumpay siya ngayon. Diretso sa puso nito patatamaan ng bala si Ross Costalles.

Huminto ang sasakyan, pinagbuksan siya ng pinto ni Uno, as expected naunang makarating ang van nila Uno sa masukal na gubat na ito. Mula rito, lalakarin na nila hanggang sa makarating sila sa mabatong bahagi sa tabi ng sapa. Nagkalat na roon ang mga taohan niya at alam niyang ganoon din ang gagawin ng mga torturers, matira matibay.

“Nasaan ang bihag?”

“Nasa tabing sapa na ho.” Sagot nito. “We searched around the forest, wala kaming nakitang torturers sa paligid.”

Dangerous Attraction #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon