Good morning beautiful Belleza. Have a nice day - MJSTY 09773525963INIS niyang binata ang cellphone niya sa side table ng kama niya. Nakakainis! Naiinis siya sa sarili niya dahil ganito ang nararamdaman niya at the same time naiinis din siya dahil hindi pangalan niya ang nakasulat doon. Gosh! Parte ba ito ng teenage life niya? Ang bilis niyang mainis sa mga simpleng bagay lang. Isa pa, ginusto niya naman na hindi sabihin kay Majesty ang totoo para malaman niya kung bakit ito may kaparehong pilat sa lalaking tinutukoy ng mga magulang niya.
Come to think of it, nasaan na nga kaya iyong lalaking sinasabi ng parents niya? Buhay pa kaya iyon? Pero sabi ng daddy niya mayamang pamilya ang kumupkop sa batang iyon. Kung sakali man na malaman nito ang nangyari sa magulang nito noon, malamang sa malamang ay babalik iyon para makamit ang hustisya.
Ang hirap talaga kapag galit at paghihiganti ang pinairal, nagkakaroon ng sanga sanga hanggang sa maging puno na.
At the end, kinuha ni Empress ang cellphone niya at sinave ang cellphone number ni Majesty, tulad ng nakasulat sa mensahe nito, hindi niya nilagyan ng vowels ang pangalan nito sa phonebook niya.
“Empress? Baba na, kakain na.” Si Thunder iyong kumatok sa pinto niya.
Nagmadali nang bumangon si Empress sa kama at inayos ang sarili para makahabol pa sa breakfast. Ganito talaga, nakasanayan na nila na sabay sabay silang kakain ng breakfast kahit na abala na rin sa trabaho ang triplets.
Bumaba na siya and as usual, siya na lang ang hinihintay sa hapag.
“Good morning.” Bati niya.
“Good morning bunso.” Ang Mommy niya.
“Late morning balyena.” Si Storm iyon at nagsisimula na naman.
“Saan ka galing kahapon at ginabi ka? Hindi ka raw umattend ng home study mo, sabi ni Daddy.” Sermon ni Thunder sa kanya. Tulad kahapon ay seryoso pa rin ang mukha nito.
“Thunder its okay, nasa T-Empire kahapon si Empress, tumawag ako sa office ni Fuerte.” Sagot ng Daddy niya.
Nilingon niya si Thunder at pabiro itong kinurot sa pisngi. “Ikaw talaga, don't be so paranoid nga! Sa lakas kong kumain, imposible namang hindi ko kayang protektahan ang sarili ko diba?”
“Kids, let's not talk about that now...” Putol ng Mommy nila. “Typhoon, may project kang nakuha sa Pangasinan?”
“Yes, Mom. Next month na ang umpisa 'non. And I'm planning to stay there until the project is done para matutukan. Renovation ng hotel iyon, Mom.”
Right, Typhoon is an Engineer by the way, si Storm naman ay patapos na sa Law habang si Thunder naman ay businessman. And of course, her Kuya Shark is a Captain, seaman. Kaya nga bihira lang nauwi sa kanila.
“Good then, good luck.”
Lahat ng kapatid niya separated ng gusto. Hindi sila umasa sa negosyo ng Pamilya nila. Thunder is managing his own company. Mayroon din itong malaking Sports Mega Center. Actually si Thunder talaga ang pinakasubsob sa trabaho, papakasalan daw kasi nito si Suzy kapag ready na ang kaibigan niya.
After breakfast nagsialisan na ang triplets habang si Empress naman ay naging abala sa pag-aaral niya. Dumating na kasi iyong hired teacher niya. Math lang naman talaga ang ayaw niya, sino bang may gusto sa Math?! Nakakahilo ang numbers.
Saglit lang naman iyon dahil natapos niya rin naman kaagad. Easy lang naman sa kanya ang ibang subjects. Isa pa, parang napaghandaan niya na rin ito. Siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan kaya na-adopt niya na rin ang maturity nina Queen Helena kahit na ang boring kausap ng pinsan niyang iyon!