MABILIS pa sa alas kwatrong pumormal ang mukha ni Empress. Gosh! Ruined na ruined na talaga ang araw niya ngayon. Thanks to playful tadhana at dito niya pa talaga nakita ang lalaking ito.
Mabuti na lang at tinanggal na nito ang palad na nakapaibabaw sa kamay niya kundi, she will lost it na talaga. How come hindi man lang siya nito matandaan?! God! Ganoon na lang ba ka-insignificant sa binata ang gabing iyon? Not that significant sa kanya ang gabing iyon but that was her birthday and that was the time when she fucking lost her goddamned virginity!
And this jerk?! Wala man lang itong matandaan?
“Fancy seeing you here, Miss Costalles.” Now, he's hitting on Belleza and for sure he will drop her like a rotten potato like what he did to her.
Damn him! She cleared his throat. “I think, I should go.” Malamig na aniya.
“Still mad at me, e?” Tanong nito.
“You can say that.” Diretsahang sagot niya.
Natawa naman ito ng bahagya. “Well, I guess, I already leave a bad impression at you, hmm?” Nilingon nito ang loob ng Chinese Restaurant na gusto niyang kainan. “How about I'll treat you for lunch? The King Crab here is their specialty. It's tasty.”
“I know. I'm their regular customer here.” Malamig na tugon niya. “And I can pay for my meals.”
“I insist. I want to treat you as my peace offering to you. Come on, the tasty Chinese seafoods are waiting for us inside.”
Napalunok siya, jusko! Temptation of food layuan niyo si Empress dahil hindi talaga siya makatanggi kaya ang ending sumama siya kay Majesty Wang sa loob kahit na ayaw niyang makasama ang binata.
God! Knowing that they're breathing at the same air really annoys her, ngayon pa kaya na ang lapit nito sa kanya. Isa pa, hangga't hindi niya alam ang intesyon ng lalaking ito kay Belleza, hindi siya makakapante sa presensya ng hinayupak na 'to.
“You're glaring at me for minutes, Miss Costalles. Is that how you loathe me?”
“Loathe you is quite a light word for me.” Walang abog na sagot niya.
Napapantastikuhang tumingin sa kanya ang binata. “Wow! That's harsh.” Kunwa'y nasasaktang anito.
May lumapit na sa kanilang waitress at iyon ay ang laging nagse-serve sa kanya sa tuwing kumakain siya rito every Friday. Malapad ang ngiti nito sa kanya pero pasimpleng sineyasan niya itong huwag na siyang batiin. Ayaw niyang mabuko siya ni Majesty Wang na fuck boy at ang kaibigan naman niya ang puntiryahin nito.
Good thing at mukhang na-gets naman iyon nung waitress. “Ni haó Ma'am, Sir, can I take your order.”
“I will take every sets of your specialties here.” Nakangiting sabi niya sa waitress na sanay na sa kanya.
Iyon naman talaga ang ino-order niya sa tuwing narito siya. Masarap pa iyong sea worms kahit na nakakatakot ang itsura nito kapag buhay. But it's yummy, big time!
Again, tila hindi makapaniwala si Majesty Wang sa kanya. Wala sa sarili nitong binaba ang hawak nitong menu.
Bahagya niya itong tinaasan ng kilay. “Why? You're not gonna order for yourself?”
“You mean, you can eat all of that?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
“Of course.” Kibit balikat niya. Binalingan niyang muli ng tingin ang waitress. “Iyong king crab give me the biggest one ha?” Kinindatan niya pa ito.
“Yes, Ma'am.” Ngumiti ito at lumingon sa ulupong niyang kaharap. “Sa inyo po, Sir?”
“Give me the shrimp soup and as well as the salmon fish, and one more tea for me and orange juice will do. That's all.” Tugon nito sa waitress at cool na ibinalik ang menu.