NAKASANDAL ang kanyang likod sa matipunong dibdib ng binata, wala itong pang-itaas na saplot pero may nakapatong na tuwalya sa likoran nito samantalang siya naman ay nakasuot pa ng string bikini. Nasa harapan nila ang hindi kalakasang bon fire, sapat lang para mainitan ang katawan nilang dalawa. Nakapatong ang siko nito sa tuhod nito at bahagyang nakayakap ang kamay nito sa kanya. Pinagsiklop pa ni Majesty ang kanilang mga daliri, hindi siya mapakali, dahil heto na naman ang puso niyang nagwawala sa lakas ng tibok ng puso niya.
Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa gilid ng kanyang mga mata, ipinikit niya ang sarili upang damhin iyon.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam, bago ito para kay Empress pero natutuwa talaga siya. Kakaiba kasi ito kesa sa pagkagustong nararamdaman niya kay Fuerte noon. Ngayon, sigurado na siyang hulog na hulog na siya sa atraksyong nararamdaman niya para kay Majesty at wala siyang planong umahon pa.
Pagkabalik nila sa City, aayusin na ni Empress ang lahat bago pa mahuli at masaktan siya.
Mahina siyang tumikhim, naramdaman niya ang hininga nito sa likod ng tenga niya. “May pilat ka pala sa likod? Sadya ba iyan? Parang yin and yang kasi...”
Mahinang nagpakawala ng ungol ang binata. “Yup, iyong mas bata kong kapatid kasi, panay nabu-bully sa swimming lesson niya noon dahil may ganito siyang burn sa likod. Nagpalagay din ako para tumaas ang kumpyansa niya sa sarili.”
“Ka... Kapatid?”
“Oh...” Tango nito. “Iyong adopted rin ng mga Wang.”
“Mahal mo iyong kapatid mo.”
Muli itong tumango. “Oo, may pagkakapareho kasi kaming dalawa, parehas nawalan ng mga magulang,” sa hindi malamang dahilan dumilim na naman ang mukha nito. “Nakakaawa siya noon kasi parang ang baba ng tingin niya sa sarili niya, parang walang makakapitan, ganoon ako nung mamatay ang parents ko hanggang sa may lalaking tumulong sa akin kaya napadpad ako sa mga Wang.”
Bahagya niyang inangat ang tingin sa binata. “Pwede ko bang tanongin kung bakit namatay iyong parents mo?”
Nagtiim bagang ito. “Pinasok ang bahay namin ng mga taong walang kaluluwa.” Tila nagngingitngit sa galit ang bawat salitang binitiwan nito. “Walang habas na pinatay ang mga magulang 'ko, kaya nag iisa na ako ngayon.”
Kusang umangat ang kamay ni Empress at hinawakan ang pisngi ng binata, kahit paano'y lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang balingan siya ng tingin. Hinalikan niya ito sa panga.
“Nandito ako... Hindi kita iiwan...” Mahinang sabi niya.
Unti unti niyang inangat ang sarili para maabot ang labi nito. Pagod na pinikit niya ang kanyang mga mata habang marahang inilalapit ang sarili hanggang sa maabot na niya ang mga labi nito. Hindi niya alam kung ano ang naging reaksyon ng binata pero nanatiling hindi gumagalaw ang labi nito.
Binuksan ni Empress ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang nagbabagang tingin ni Majesty sa kanya.
Hinapit siya nito sa bewang, hinawakan ang kanyang batok at saka binuka ang mga labi nito para mahalikan siya sa paraang gusto niya. She remembered this kind of kisses, ganitong ganito ang init ng halik ng binata sa kanya noong unang gabing pinagsaluhan nila.
Ginantihan niya ang bawat hagod ng labi nito sa kanya, lunod si Empress sa palitan ng mainit nilang halikan. Unti unti niyang naramdaman ang pagkabuhay ng apoy na minsan na niyang naramdaman kasalo ang binata.
He kissed her tenderly, passionately, naramdaman na lang ni Empress ang sarili na naka-angat na. Binuhat siya ng binata nang hindi man lang inaalis ang labi nito sa kanya. Patuloy ang mainit nitong halik sa kanya hanggang sa makarating sila sa loob ng silid.
