STUCK in a four wall room are really boring at her sight. Goodness?! Bakit ba siya narito? Dapat ay nasa piano lesson siya ngayon pero dahil tinamad siya ay nakiusap siya sa kaibigan niya na dumito muna sa opisina nito. God! Mas gusto niyang nandito na lang sa office at gumagawa ng mga office papers kesa sa piano lesson niya.She likes music naman but she prefers taekwando, judo and wushu more. Badass actions are actually her thing kaya nga lagi siyang nalalagay sa alanganin e, because of her fucking rush actions!
Come to think of it, she's only eighteen years old yet she lost her fucking virginity last night. Ang ganda namang birthday gift niyon para sa sarili niya. Please, hear my sarcasm. At dahil tatanga tanga siya, wala siyang matandaan ni mukha ng lalaking nakaniig dahil sa kalasingan niya sa alak o sa pagnanasa?
It was too dark last night but his sexy voice still lingers on her ears. Natatandaan niya lang iyong lalaking nakausap niya sa bar pero sa tuwing iniisip niya kung ano ang hitsura nito'y hindi niya mamukhaan. Ganoon siya kalasing?!
But she remembered something in his body, iyong parang yin and yang na pilat nito sa bandang likoran.
Argggh! Damn it! Sigurado siyang iihawin siya ng buhay ng Mommy niya kapag nalaman nito ang nangyari kagabi. She just really hopes that no one saw her last night tho she badly wants to meet that guy. Naalala niya kasing may pinirmahan siya, hindi niya lang matandaan kung ano. She's sure na matatandaan niya rin iyon kapag wala na siyang hangover. For now, she needs to keep it by herself, baka malaman ito ng mga kaibigan niya. Siguradong tutudyoin siya dahil maaga siyang naglandi.
“Belleza!”
Nag angat siya ng tingin sa kakapasok lang sa loob ng office. Kumunot ang noo ni Fuerte ng makita siyang nakatunganga sa mesa.
“Empress? What are you doing here? Where is Belleza?”
Bagot na binagsak niya ang mukha sa mesa. “She went out. May nakita raw siyang pamilyar and she wanted to chase whoever it is.”
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Tinapat pa ni Fuerte ang likod ng palad nito sa bandang noo niya. “You have a fever. Hindi ka pumasok sa piano lesson mo?” Puno ng pag aalalang tanong nito.
Right. Fuerte—Belleza's twin brother has a thing for her and she likes him too that's why she kinda feel guilty now dahil sa nangyari kagabi. She wonder kung dapat niya bang sabihin iyon sa binata o hindi.
“You want to go at my office? Bibili ako ng soup and I will go at the nearest pharmacy. Ano ba kasing nangyari kagabi? Nagpakalasing ka ba?” Sunod sunod na tanong nito.
Again, she felt guilty. Even though they're not in a relationship but Empress can see how sincere Fuerte to her specially when it comes on how he feels for her.
“Damn it! Should I call Queen Helena? She's inside this building—”
“No need, hangover lang ito.” Pagsisinungaling niya.
Ano namang gagawin niya sa pinsan niyang pinaglihi sa sama ng loob? Titig pa lang nito sa kanya baka masabi na niya ang kagagahan na nagawa niya kagabi. She actually got laid last night. Tapos pag gising niya biglang BOOM! Goodbye virginity! Goodbye rin sa Papi na nakasama niya magdamag sa mainit na gabi.
How can she let this happened? Hindi nga alam ni Empress kung matutuwa ba siya na hindi na niya nakita ang lalaki pagkagising niya o ano dahil sa totoo lang hindi niya naman alam kung ano ang gagawin niya.
“Then, ihahatid na kita sa inyo.” Alok nito.
Mabilis siyang umiling. “I don't want too, Mom will scold me for not attending my piano lesson. Sesermonan niya kong nilubos ko iyong pagpayag niyang magbar kami nina Belleza as my birthday celebration. Dad is not there pa, walang magtatanggol sa akin and si Kuya Shark, I missed him. Kailan kaya ulit siya bababa ng barko?” He was talking about her older brother.
