Chapter 5

11.9K 268 3
                                    


“PASENSYA na Ma'am. Di po talaga kayo pwedeng papasokin kung wala naman po kayong appointment kay Sir.”

“Kahit saglit lang Miss, please.” For the nth time, Belleza begged at the lady guard.

“Pasensya na po talaga Ma'am. Hindi po talaga pwede.”

Bagsak ang balikat niya sa narinig, mukhang wala talaga siyang pag-asa na makita o makausap man lang ang lalaking hinahanap niya. She's been looking for him for years, iyong unang beses niyang nakita ang lalaki noong halos mabunggo siya ng sasakyan nito habang sinasama siya ni Rizzi sa cutting class na ginawa nito.

Belleza can't explain it but she fell in love for him at the first sight o dahil may mas malalim pang dahilan kung bakit niya hinahanap ang binata. Para kasing ito ang bubuo sa kulang sa buhay niya.

Tumalikod na si Belleza, this is the only lead to him, iyong condo unit dahil hindi naman niya alam kung ano ang tunay nitong pangalan aside sa apelyido nitong "Wang" nakakapanlumo lang dahil ang buong akala ni Belleza'y masisilayan na niya ang binata ngayon.

Ayaw naman niyang tanongin si Zia Larraine tungkol sa mga Wang dahil nahihiya siya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng coat niya at tinignan kung natapos ba ni Empress ang appointment niya kaninang lunch time. Nagugutom na si Belleza, hindi pa rin pala siya nanananghalian.

Dinial niya ang number ni Empress.

“Hello Empress, kumusta iyong cover up meeting?” Bungad na tanong niya sa kaibigan.

“Ah... Yun ba? Okay naman Belleza but I didn't agree sa proposal.” Sagot nito.

Kumunot naman ng bahagya ang noo niya. “Why? Hindi ba maayos?”

“Naku, hindi talaga! Maliit na company lang iyon na gustong umangat gamit ang pangalan ng T-Empire. Binasura ko na iyong appointment na 'yon. Huwag mo ng hanapin sa secretary mo!” Nagulat si Belleza sa pananalita ni Empress ngayon parang gigil sa galit.

“Okay ka lang ba?” Nilabas niya ang susi ng sasakyan niya dahil malapit na siya sa parking lot. “Nagugutom ako, di pa ko naglu-lunch, pwede ka ba ngayon?”

“Nakauwi na ko, Belleza. Pinalo pa nga ako ni Mommy dahil hindi ako umattend sa piano lesson ko today.”

Nai-imagine niyang nakanguso na ngayon si Empress kaya natatawa siya. “Spoiled brat.”

“Nah! Dapat kasi kasing edad niyo na lang ako e.”

“It's good to be young Em—ayy!” Nalaglag niya iyong susi ng sasakyan niya nang bumundol siya sa kung saan.

Nag angat ng tingin si Belleza, isang matangkad na lalaki iyon. Yumuko sa harapan niya para abotin ang susi ng sasakyan niya habang siya'y tila nabato sa kinatatayuan. Nawala na nga sa isip niya si Empress na kanina pa tinatawag ang pangalan niya sa kabilang linya hanggang sa maputol na iyon.

“Here,” Inabot nito sa kanya ang susi ng sasakyan.

“S-salamat.”

Nagulat siya ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon, parang hindi na tuloy mapakali si Belleza dahil nakasuot siya ng long sleeve turtle neck na kulay itim, black slacks at kulay itim na coat na lagpas hanggang mga hita niya. Ito talaga ang usual get up niya, everyone finds it weird but ito na ang nakasanayan niya.

Unexpectedly, the man smiled at her, showing his perfectly white teeth. “I like your get up.”

“Royale! Come on.” Tawag nang isang lalaking nakatalikod na sa kanila.

Dangerous Attraction #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon