Ahul Ta Nalu

39 2 1
                                    


Sa bawat patak ng ulan

May isang pusong humihiling

Na sana ay sa langit umabot

Ang tanging usal na dasal

Na muli ang landas ay pagtagpuin

Upang ang kaligayan ay muling maramdaman

At ang mga patak ng ulan ay muling mahalikan

Ang lupang matagal ng nag-aabang...

****

No parts of this story can be reproduce or use without prior notice from the owner.

****

========================================

Sabi nila, sa bawat pagpatak ng ulan ay may sampung pursyento nito ay kasabay ng pagsisisi at panghihinayang ng isang tao. Sa isang bilyong taong makakasalamuha mo sa bawat araw at sa bawat ngiting nakikita mo sa kanilang mga labi, nagtatago doon ang isang bahagi ng nakaraan na kung magkakaroon lamang sila ng pagkakataong ibalik ay gagawin nila.

Umuulan na naman

Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa pinakamalapit na waiting shed upang kahit papaano ay may masilungan sa papalakas na buhos ng ulan.Wala na naman akong dalang payong. Sabagay, hindi ko naman talaga ugaling magdala simula nang makilala ko siya. Binago niya ang kahulugan ng bawat patak ng ulan sa aking buhay. Kasabay ng malalakas at nag-uunahang patak ng ulan mula sa kalangitan ay ang galit na guhit ng liwanag ng kidlat at nakakabinging ugong ng kulog.

Masaya na naman siya.

Napangiti akong isipin na masaya siya ngayon. Dati simpleng ulan lang ang ginagawa niyang pagbati sa akin, ngunit may kakaiba ngayon...

Pagkahiga ko sa aking kama ay isang malakas na kulog pa ang aking narinig kaya naisipan kong bumangon upang tingnan ang kalangitan na ngayon ay napakadilim, ngunit maya't maya namang nagliliwanag dahil sa kidlat. Natawa pa ako nang matanaw ko ang pag-ekis ng isang kidlat na wari'y unang letra ng aking pangalan.

"Nagustuhan mo ba?" isang malamig, buo at maawtoridad na tinig sa aking likuran ang bumasag ng katahimikan.Kasabay ng malamig na ihip ng hangin, naramdaman ko ang presensya niya.

Nanunuot ang lamig.

Hindi ko na kailangang lumingon pa dahil alam kong nakatitig siya sa akin. Hindi ko maitatago ang kasiyahan pero masyado naman yata siyang sinuswerte kung aaminin ko.

"Tama lang." Tumalikod ako at sumampa sa aking kama kasabay ng pagbitin niya na parang paniki. Nagliliwanag ang bawat hibla ng kaniyang itim na buhok, ang kulay abo niyang mata na nakatuon lamang sa akin, ang mga tenga niyang maya't mayang gumagalaw na parang pakpak ng paru-paro ngunit patusok lamang tulad ng mga dwende at may nakasabit na kabibe bilang palamuti. May hawak siyang palakol na kulay ginto sa kaliwang kamay, nakasabit sa likuran ang kanyang pilak na kalasag at isang bugkos ng bulaklak sa kanang kamay.

"Tama lang?" May bahid ng inis sa tono ng kanyang boses kasabay ng isa pang malakas na kulog.

"Oo, tama lang.Patilahin mo na nga ang ulan, babaha na naman n'yan e. Mahihirapan na naman akong bumyahe bukas."

Ikinumpas niya saglit ang kaniyang kamay kasabay ng paggalaw ng kaniyang tenga at pagkislap ng mga abuhing mata.

"Masaya ka na bang asarin ako palagi Reyan?" Mararamdaman ang pagkayamot sa kaniyang tinig.

Quick ReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon