Chapter 7

901 20 0
                                    

Chapter 7

Maaga akong nagising kinabukasan. Sabado ngayon at walang pasok kaya ngayon ko lilinisin ang naiwan kong trabaho sa condo ni Andrew. Hindi ko nga lang alam kung anong idadahilan ko kay Mommy, Daddy at sa dalawa ko pang kuya na overprotective sa akin.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng loose jeans at plain t-shirt. Inipitan ko ang buhok ko na hanggang dibdib sa paraang ponytail.

Habang pababa ng hagdan ay kinakabisado ko ang magiging dahilan ko kung bakit ako lalabas ng sabado kahit wala namang pasok sa skwelahan.

Tahimik ang buong sala kaya siguradong naroon sila sa kusina. Hindi nga ako nagkakamali dahil bumungad agad sa'kin si Mommy, Daddy, Kuya Kien at Kuya Aijan na nakaupo na sa harapan ng lamesa, may mga pagkain ng nakapatong doon.

Natahimik sila sa pag-uusap ng mapatingin sa'kin. Nagtataka silang lahat kung bakit ang aga ko gumising ngayon gayong Sabado naman.

"Good morning everyone!" pinipilit kong hindi mautal. Siguradong malalaman agad nila lalo na ng mga kuya ko kung magsisinungaling ako sa kanila.

Lumapit ako isa-isa sa kanila saka binigyan sila nag tig-iisang halik sa pisngi. Nang matapos ay umupo ako sa tabi ni Kuya Kien. Nakatingin pa rin sila sa akin ng nagtataka at parang may pagdududa.

"Ang aga mo yatang nagising ngayon?" tanong ni Kuya Aijan. Nagpasalamat ako kay Kuya Kien ng lagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"May pupuntahan ka ba? I can come with you, wala naman akong trabaho," si Kuya Kien.

Napasapo ako ng noo sa aking isipan. Paano ako makakatakas sa dalawang 'to kung ganito sila maka tanong?

"Ahm... mom, dad, mga kuya. May kailan kasi akong tapusing report para sa lunes. Kaya aalis muna ako ngayon," I smiled at them sweetly.

Please, please. Sana payagan akong makalabas ngayon.

"Anong report ba 'yan. I think I can help you with it," mabilis ako napailing sa suhestiyon ni Kuya Aijan. May kasama pang hand gesture 'yan para maniwala.

"Hindi ano kasi e... by partner 'yon Kuya Aijan. Babae 'yung partner ko. Baka hindi na kami matapos sa gagawin namin kung kasama ka. Madadagdagan na naman ang mga admirers mo niyan!" natawa si Kuya Aijan. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Kuya Kien sa tabi ko.

Nangyari na kasi sa amin 'yon isang beses. Nagdala ako ng babaeng kaklase dito noon para sana gawin ang activity na pinapagawa sa amin.

Imbis na tulungan ako ng partner ko ay hinarot lang nito ang Kuya Aijan ko. Kaya ang resulta ako lang ang gumawa at tumapos ng activity na 'yon.

"Fine, fine." Suko nito saka kumain na lang.

"I can drop you off, Liyah. Saan ba kayo gagawa ng report?" kay Kuya Kien naman ako napatingin. Akala ko napapayag ko na sila, si Kuya Kien pa pala.

"No thanks, Kuya. Ano kasi... susunduin ako nung family driver nila kaya sa kanila na lang ako sasabay hehe,"

Matagal pa ang ginawa kong pagpapayag sa kanila na umalis ako. Madali ko lang napapayag si Mommy at Daddy. Sa dalawa ko lang namang kuya ako nahihirapan mapapayag ang mga 'yon. Ang dami pa kasing mga tanong.

Hirap talaga kapag only daughter lang tapos may mga elder brother pang sobrang protective.

Kumaway ako sa kanila bago lumabas ng gate namin.

Sa kabilang kanto ako naghintay ng masasakyang taxi para siguradong hindi makita ng pamilya ko.

Mabilis lang ang naging biyahe, wala pang gaanong traffic dahil maaga pa naman. Tinext ko si Andrew na papunta na ako pero wala man lang reply.

Nang makarating na sa building kung saan ang condo ni Andrew ay pumasok agad ako sa loob. Napatingin pa sa akin 'yung receptionist na malagkit ang tingin kahapon kay Andrew.

Nakilala niya siguro ako kaya tinigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang pinansin ang nakakinsulto nitong tingin. At least ako nakapasok na sa condo ni Andrew, siya hanggang tingin na lang!

Nang makarating sa harap ng condo unit ni Andrew ay magdo-door bell na sana ako pero napansin kong nakabukas ang pintuan niya.

Nagtataka akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng katahimikan. Kung anong inabutan kong ayos ng mga kalat kahapon, ganoon pa rin ang ayos ng mga iyon hanggang ngayon. Hindi man lang nagalaw.

Mukhang hinihintay talaga ako ni Andrew na maglinis sa madumi niyang condo.

Hinanap ko muna si Andrew para bumati at sabihing narito na ako bago ko pa man simulan ang gawain. Wala siya sa kusina at sa kanyang kwarto na makalat rin. Kaya siguradong nasa library iyon.

Maingat ang mga hakbang ko papunta sa silid na iyon. Hindi rin sarado ang pinto dahil nakaawang iyon ng kaunti.

Hilig niya ba ang hindi magsarado ng pinto?

Napangiti ako ng marinig ang boses nito sa loob na parang may kausap. Napagdesisyunan ko munang hintayin ang pag-uusap nila ng kausap niya bago pumasok sa loob.

"Doing good so far. Sumusunod naman kahit papaano," natahimik si Andrew para pakinggan ang sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. Hindi ko marinig dahil hindi naman naka loudspeaker.

"We're just starting. You know me too well, Avis. I like playing around." I heard him laughed.

"Oh come on! Not my type, not one of a kind."

"I'll finished it in just a month or two. Too easy to play with," I heard his bark laughter again.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. I can't understand what they are talking about. It's probably one of his friend. He sound so happy.

"I'm hanging up now, I'll give you news once there's an improvement." nagpaalam na si Andrew sa kausap.

Naghintay muna ako mg ilang segundo bago ko naisipang pumasok. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

I saw him sitting in the sofa.

"Good morning," I greeted him.  Napatigil siya sa pag gamit ng cellphone at napatingin sa'kin.

"Ahm... nag-breakfast ka na ba?" napakamot pa ako sa ulo. Nahihiya sa tinanong ko. Okay lang naman siguro ako mag tanong ng ganoon 'diba? Natural lang naman iyon.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya bago tumaas ang sulok ng labi nito.
"Yes babe, kakatapos ko lang," napakurap ko ng ilang beses. Hindi alam kung nagha-hallucinate lang ako nang tawagin niya akong babe.

Tinawag ba talaga niya akong b-babe? Naramdaman ko tuloy ang pagdaloy ng dugo sa pisngi ko. Hindi rin maawat sa pagkabog ang puso ko.

Bakit ang pa-fall niya?

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon