Chapter 11

760 22 0
                                    

Chapter 11

Lakad-takbo na ang ginawa ko makarating lang sa parking lot. Siguradong magagalit na naman sa akin si Andrew dahil natagalan ako. May group meeting pa kasi kami kanina para sa project na gagawin.

Nang makalapit na ako ay nakita ko si Andrew na naka sandig sa kanyang kotse habang ang kanyang dalawang kamay ay nakapamulsa. Buti na lang at wala siyang babaeng nilalaplap ngayon.

Hindi ko alam pero wala na naman akong gana ngayon para pansinin siya. Sabagay wala rin naman ako karapatan para sumumbat sa kanya kaya sige papansinin ko na lang siya. Sasagot kung may mga tanong para sa akin.

"You're 30 minutes late. I'm waiting here for almost 30 mins for fvck's sake! May gana ka pang paghintayin ako, ha." Napayuko ako ng marahan nang marinig ang pagtaas ng boses niya.

"I'm sorry. May meeting pa kasi para sa project namin kaya natagalan ako," hindi pa rin ako nag a-angat ng tingin sa kanya.

I heard him 'tsk-ed' bago siya sumakay sa kanyang kotse. Tahimik lang akong sumakay sa front seat. Buong biyahe ay napaka- tahimik. Nakakabingi na sa sobrang tahimik dahil walang nagsasalita sa amin. 

"Sorry kung nataasan kita ng boses kanina," pambabasag sa katahimikan ni Andrew. Saglit lang akong lumingon sa kanya at iniwas rin.

"It's okay." Tugon ko saka inayos ang glasses ko na muntikan ng mahulog sa kakayuko ko.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Kung maingay ako alam kong papaatahimikin mo rin akoo. Tapos ngayong tahimik ako nagtatanong ka pa kung bakit tahimik ako. Ano ba talaga?" Sumbat ko sakanya. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Napangiti ako ng marinig ang tawa niya. Napakasarap sa pandinig. Pero napasimangot rin ako agad ng na isip kong nagtatampo nga pala ako sa kanya ng kaunti.

"Hindi lang ako sanay na tahimik ka." Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos noon. Pati sa elevator papunta sa unit niya hindi rin ako nagsalita pa. Wala ako sa mood ngayon, e.

Ibinaba ko lang ang bag ko sa sofa saka sinimulan na muling maglinis. Kaunti na lang ang lilinisan sa kusina at sala since nakapaglinis na naman ako kahapon kaya madali lang ako natapos.

Sinunod ko naman ay ang tambak-tambak na labahan. Hiniwalay ko muna ang puti at de kolor na mga damit bago ibinabad sa sabon ang puting mga damit. Buti na lamang at may washing machine kaya hindi na kailangan mag kusot gamit ang kamay. Pero yung mga brief. Brief! Calvin Klein ang mga brief ni Andrew!

Ipapalabada ko na lang sana itong labahan ni Andrew pero mukhang mapapagastos pa ako. Kaya ako na lang ang gagawa.

Walang hiyang lalaking 'yon hindi man lang nahiya sa 'kin. Ipapalaba pa talaga ang mga b-brief niya! Pero ayos lang. Alam ko naman sa future ay ako pa rin ang maglalaba ng mga ito.

Alas sais na nang matapos ako sa paglalaba. Na-dryer ko na iyon kaya plantsa na lang. Pero dahil nga magga-gabi na kailangan ko ng umuwi maya-maya. Lagot talaga ako nito sa mga Kuya ko pag nagabihan na naman ako.

Bigla kong naalala na susunduin nga pala sana ako ni Kuya Aijan kanina! Patay! Nawala sa isip ko, e. Lagot talaga ako nito. Hindi ko pinansin si Andrew na prenteng naka upo sa sofa habang nanood ng TV.

Binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang phone ko. Napalunok ako ng makita ang text ni Kuya

From: Love

Liyah, hindi kita masusundo ngayon. May emergency, e.

From: Love

Love you, sorry. Ingat sa pag-uwi 'kay?

From: Love

Answer my call, I'm worried. You're not replying.

Napangiti ako ng mabasa ang mga text ni Kuya Aijan. Ang sweet naman ng brother ko! Buti na lang may Emergency at hindi niya ako nasundo. Love ang nakapangalan sa contact number niya sa phone ko habang kay Kuya Kien naman ay Honey. Hindi ko alam kung anong mga trip ng mga kuya ko.

Nagulat ako ng bigla na lamang kunin ni Andrew ang phone na hawak ko saka nilayo sa'kin habang may binabasa.

"From: Love... at sino naman ang lalaking ito na pumatol sa iyo? May pa love you pa hahaha. Sweet naman.... hindi lang bagay." Napayuko ako sa sinabi ni Andrew.

Sino nga ba ang papatol sa isang katulad ko? Pero kasi Kuya ko 'yon, e. Hindi naman ibang tao 'yon. Hindi ako nasasaktan sa mga ganoong pang,-iinsulto dahil sanay na naman ako, e. Pero bakit ngayon nasasaktan ako sa sinabi ni Andrew? Parang pinapamuka niya sa 'kin na hindi ako deserving mahalin. Hindi ko ba talaga deserve iyon?

Tipid lang akong ngumiti saka kinuha na sa kamay niya ang phone ko. H'wag kang iiyak, Aaliyah. Nasa harap mo pa si Andrew. Mamaya ka na umiyak kapag pauwi ka na.

Kinagat ko ang labi ko. Para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. Tumalikod muna ako saglit bago humarap muli kay Andrew.

"Ahm. Una na a-ako." Paalam ko habang isinusukbit sa balikat ang bag ko. Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita dahil agad akong naglakad palabas. Pagkasarado ko pa lang sa pinto ng condo niya ay naramdaman ko ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Kahit kailan talaga napaka-iyakin ko.

Bakit ganito? Kung kailan nagkasama na kami ni Andrew saka naman ako palaging nagiging iyakin. Pero bakit nung palagi ko pa lang siya sinusundan makita lang siya masaya na ako. Ni hindi nga ako umiyak non, e hindi rin ako nasasaktan.

I bit my lips to stopped my tears from falling down to my cheeks. Pero patuloy pa rin sila sa pagbagsak na parang ulan.

Ang iyakin ko na talaga. Siguradong pag nakita ako ni Kuya Aijan na ganito pagtatawanan muna niya ako bago patahanin. S'yempre siguradong papaulanan rin ako ng tanong noon kung bakit ako umiiyak.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Kailangan ko ng tumigil sa pag-iyak bago pa man may maka kita sa akin na ganito ang ayos.

Tinanggal ko muna ang salamin ko saka pinunasan ito dahil nanlalabo na dahil sa luha ko. Narinig kong tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na ako.  Humakbang na ako palabas pero ganoon na lang ang gulat ko ng mabangga ang ulo ko sa matigas na bagay. Ang malala pa ay nahulog ang glasses na pinupunasan ko.

Bakit ba ang malas ko ngayong araw?

"Sorry, miss. Sorry, nasaktan—" Tumingala ako para makita siya pero malabo ang nakikita ko. Nagtaka ako ng huminto siya sa pagsasalita na para bang gulat na gulat. Pinulot ko muna ang glasses na nahulog bago ko ito sinuot.

"Sorry din po, sorry." Sambit ko saka yumuko ng marahan.

"S-sorry din. N-nasaktan ka ba?" Napaiwas ako ng tingin. Shet na malagket! Ang gwapo pala ng nakabangga ko tapos tinitigan ko pa siya kanina without my glasses. Nakakahiya!

"Hindi naman m-masakit. Sige, una na ako." Paalam ko sa kanya saka nilagpasan na siya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng suriin ko ang buo nitong mukha. Bakit familiar ang mukha niya? Parang may kamukha siya.

"Wait! May kakambal ka ba?" hindi ko na napigilang magtanong. Umiwas siya ng tingin bago mahinang tumikhim.

"Wala naman," mahina ang boses nito na ipinagtaka ko. Para siyang nahihiya na ewan.

Hindi talaga ako nagkakamali e, may kamukha talaga siya. Kahit na may suot na eyeglass si Axel kapag tinaggal iyon ay siguradong kamukha na sila nitong lalaki sa harap ko.

Yumuko ito ng bahagaya sa akin bago nagpaalam saka mabilis na umalis palayo. Nagkakamali lang ba ako? Pero kasi... Kamukhang kamukha sila e.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon